Chapter 24

29.6K 787 68
                                    

Aitana

NAPAYUKO AKO at kinagat ang labi. Nasa tabi ko naman si Lorenzo na humihimas sa batok. Nasa harapan namin si tiyang Meding na nakapamewang at seryoso ang mukha. Kararating lang namin dito sa bahay. Pasado alas singko na kami umalis ng bahay ni Lorenzo. Pero gumayak muna sya para direstso na sya sa istasyon.

"Uwi ba ng guro yan? Alas singko y medya ng umaga?"

Ngumuso ako. "Tiyang, nagtext naman ako sa inyo eh. Sabi ko sa bahay ako ni Lorenzo matutulog."

"Nagtext ka tulog na ako. Nabasa ko na lang paggising ko. Kuh! Ikaw talagang bata ka." Kumakamot sa ulong sabi ni tiyang.

"Ah tiyang Meding, wag na ho kayong magalit kay Aitana. Ako po ang nag aya sa kanya na matulog sa bahay ko." Singit ni Lorenzo sa tabi ko.

Bumuntong hininga naman si tiyang. "Hmp, mabuti na lang at ikaw ang nobyo nitong si Aitana at may tiwala ako sayo." 

"Salamat ho sa tiwala tiyang Meding. Hindi ko ho sisirain ang tiwala nyo. Wala ho akong gagawing bagay na ikakakapahamak ni Aitana."

"Alam ko naman yun Lorenzo. Pero sana sa susunod magsabi kayo agad."

"Oho, tiyang Meding ako na mismo magsasabi sa inyo."

Nilingon ko si Lorenzo. Taas ang kilay na tumingin lang din sya sa akin. Napanguso ako. Ang lakas nya talaga kay tiyang Meding. Ako sinermonan sya hindi. Ako kaya ang pamangkin.

"O sige na, mag asikaso ka na Aitana at mag aala-sais na. Magluluto lang ako ng almusal. Kumain muna kayong dalawa bago pumasok." Ani tiyang Meding at tinungo na ang kusina.

Humarap ako kay Lorenzo. "Pasok muna ako sa kwarto. Gusto mo ba ng kape?" Alok ko sa kanya.

"Ako na lang ang kukuha sa kusina. Sige na pasok ka na sa kwarto mo." Aniya at hinalikan ako sa noo.

Tumango ako at tumungo na sa kwarto ko. Sya naman ay pumuntang kusina para kumuha ng kape.

Napapapalatak ako habang nakatingin sa salamin. Pano ba naman ay namumula ang leeg ko at bakat ang mga daliri ni Lorenzo. At hindi lang sa leeg ko bakat ang mga kamay nya kundi sa halos buong katawan ko. Lalo na sa parteng dibdib at mga hita ko. Pati nga dalawang pulso ko may bakat din ng posas. Pumapalatak na dinampot ko ang concealer at tinakpan ang bakat na kamay sa leeg ko at sa pulso. Masyado naman kasing extreme sa kama ang lalaking yun. Hanggang ngayon nga parang nararamdaman ko pa rin ang mahigpit nyang hawak sa mga hita ko, dibdib at leeg ko. Medyo ngalay nga rin ang katawan ko.

Sus! Makareklamo ka naman Aitana eh nag enjoy ka naman. Singit ng isang boses sa kabilang bahagi ng utak ko.

Nag iinit ang pisnging pinilig pilig ko ang ulo. Nag concentrate na lang ako sa paglagay ng concealer. Pagkatapos ay nagsuklay na ako at lumabas na ng kwarto para mag almusal kasalo si Lorenzo.

"HOY ACLA, bakit umaga ka na umuwi kanina ha?" Sita sa akin ni Benj sabay hila sa buhok ko. Nalaglag tuloy ang sinusubo kong tsistirya.

"Aray ko naman!" Angal ko at sinamaan sya ng tingin. Dinampot ko ang nalaglag na tsitsirya at tinapon sa labas ng bintana. Sinundan ko ng tingin ang pinsan kong tumabi ng upo sa akin at inagaw pa ang tsitsirya ko. Sinipsip ko naman ang dulo ng dalawang daliri kong may nakadikit na mugmog ng tsitsirya.

"Nagkajowa ka lang natuto ka ng matulog sa ibang bahay ha. So anong ganap nyo ng jowa mong yummy na police kagabi?" Nakataas ang kilay na tanong nya habang sumusubo ng tsitsirya.

"Wala, natulog lang kami." Nanghahaba ang ngusong sabi ko at nagiwas ng tingin sa kanya. Pero nag iinit naman ang pisngi ko.

"Tulog lang talaga?"

DG Series #1: Captive HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon