Chapter 13

27.6K 885 184
                                    

Aitana

NATARANTA NG bumagsak ako sa kandungan ni Lorenzo. Akmang tatayo ako pero inikot nya ang braso nya sa bewang ko at kinuha ang dalawang hita ko at pinatong sa hita nya. Nakaupo na ako ngayon sa kandungan nya.

Sobrang dikit na ng katawan namin at isang dangkal na lang ang layo ng mukha namin. Nagiinit ang pisngi ko. Sobrang bilis na rin ng tibok ng puso ko.

"L-Lorenzo baka may biglang pumasok." Nauutal na sabi ko.

Tumawa naman sya. "Nilock mo ang pinto sweetheart kaya walang makakapasok. At kahit hindi nakalock hindi naman sila papasok ng walang permiso ko."

Napakagat labi ako. May isang linggo pa lang kaming magkasintahan at hawak sa kamay, akbay at peck kiss pa lang ang nagagawa namin.

"Hindi ka ba komportable hmm?" Malambing na tanong nya at hinahalik halikan na ang pisngi ko. Ang isang kamay nyang nakapatong sa hita ako ay humihimas doon. Kahit may nakaharang pang maong ay dama ko pa rin ang init ng kamay nya.

"Ano kasi.."

"Masasanay ka rin sweetheart dahil ikaw na ang baby ko." Natatawang sabi nya sabay kagat ng marahan sa panga ko.

"Aw." Daing ko kahit hindi naman masakit ang kagat nya. Napanguso pa ako sa sinabi nyang ako na ang baby nya. Corny man pero kinikilig ako.

"Pakiss naman ako sweetheart." Malambing na ungot nya na parang nanghihingi lang ng candy.

Ngumuso ako. "Ayan na ah, humahalik ka na."

"Pero gusto ko sa lips."

Naginit ang pisngi ko. "K-Kakakain ko lang at hindi pa ako nagtutoothbrush." Nakakahiya naman siguradong may naiwan pang amoy ng tortang talong at daing na bangus sa bibig ko.

So kung nakapagtoothbrush ka na papahalik ka rin sa kanya? Singit ng isang boses sa kabilang bahagi ng utak ko.

"Parehas lang tayo sweetheart." Nakangising sabi nya at hinawakan ang pisngi ko at pinaling paharap sa kanya. Ginala nya ang mata sa buong mukha ko at nagtagal sa labi ko. Gahibla na lang ang layo ng labi namin. Napalunok ako.

Sa huli ay wala na akong nagawa kundi hayaan syang halikan ako. Sobrang init ng mukha ko at pakiramdam ko nga ay nanginginig pa ang kamay kong nakahawak sa damit nya. Ang init ng labi nya at ang lambot. Maharot ang galaw ng labi nya. Ako naman ay ginagagaya lang sya. Nag aalangan pa nga ako eh dahil baka mali ang ginagawa ko pero wala naman syang reklamo.

"Aw!" Daing ko at tinulak ang mukha nya. Kinagat nya kasi ang labi ko.

Sinamaan ko sya ng tingin. Pero nginisihan lang nya ako.

"Bakit nangangagat ka pa?" Angal ko.

"Kasama talaga yun sweetheart." Natatawang sabi nya at hinaplos ng hinlalaki nya ang ibabang labi kong kinagat nya.

"Wala namang sugat ah, namula lang." Aniya sabay kabig muli sa batok ko at siniil ako ng halik. Mas malalim na ngayon, mas maharot at mapusok.

"Hmmph!" Daing ko dahil halos mapugto na ang hininga ko sa lalim ng halik nya. Hindi ako magkandatuto sa pagtugon. Para syang gutom. Mapangahas pa nyang ipinasok ang dila niya sa loob ng aking bibig at gumalugad doon. Tinudyo tudyo pa nya ang dila ko. Pakiramdam ko nagliliyab na sa init ang mukha ko. Pero unti unti natatangay na ako at nalulunod na sa halik nya na sinasabayan pa ng kamay nyang gumagala at pumipisil na sa katawan ko.

Ngunit napasinghap ako ng maramdaman ang kamay nyang nasa ibabaw na ng dibdib ko at pumipisil. Napadilat ako at humiwalay sa labi nya at tumingin sa kamay nyang nasa ibabaw ng dibdib ko. Naginit muli ang pisngi ko.

DG Series #1: Captive HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon