Chapter 28

26.6K 717 107
                                    

Lorenzo

"HAYUP KA! Demonyo! Napakawalang hiya mo! Pati anak ko hindi mo na pinalampas! Baboy! Baboy ka! Mabulok ka sa kulungan!" Nanginginig sa galit na tungayaw ng ginang na pigil pigil nila Jefferson at Anjo mula sa lalaking dinakip namin. Habang kami naman ni Elmer ay hawak sa braso ang suspek na nirereklamo ng pang aabuso at panghahalay sa anak anakan.

"Huminahon ho muna kayo misis." Ani chief na pinapakalma ang ginang. Inutusan nya ang isang kasamahan namin na bigyan ng tubig ang ginang.

Nagpunta kahapon dito sa istasyon ang ginang para isuplong ang kinakasama na lulong sa droga, pangbubugbog sa kanya at panghahalay pa sa anak tuwing wala sya sa bahay. Kaya agad kaming nagkasa ng operasyon para dakpin ang suspek. Pero wala sya kahapon sa bahay na tinutuluyan. Kanina ay binalikan namin ang bahay nila at saktong nakasalubong namin sya sa eskinata, may dalang bag at nagmamadali. Paniguradong tatakas. Hinahabol pa nga sya ng ginang. Ng makita nya kami ay bumalik papasok sa eskinita at nakipag habulan pa sa amin. Pero agad ko din syang nadakip at pinadapa sa lupa saka pinosasan at dinala dito sa istasyon.

"Paano po ako kakalma ser? Sagad hanggang buto ang galit ko sa hayop na yan dahil sa ginawa nya sa anak ko. Kaya ser, ikulong nyo na po yang hayop na yan! Jusko! Kawawa naman ang anak ko." Naiiyak ng sabi ng ginang. Halata ang sakit at pagod sa kanya. Nangangalumata din sya at may mga pasa pa sa mga braso. Meron pa nga sa gilid ng mata na pagaling na. Tanda ng paghihirap na dinanas nya sa abusadong asawa. Inabutan sya ng tubig kasamahan namin.

Napatiim bagang naman ako at sa galit ko ay sinikmuraan ko ang suspek. Napaluhod sya sa sahig habang inuubo at namimilipit sa sakit. Gusto ko pa nga syang tadyakan kung hindi lang ako inawat ni Elmer.

"Villegas!" Sita sa akin ni chief.

"Pasensya na chief hindi ko matiis na saktan tong gagong to eh. Kulang pa yan sa mga ginawa nya sa asawa nya at anak anakan nya." Nangangalit ang bagang na sabi ko.

Bumuntong hininga si chief. "Sige na, ipasok nyo na yan sa loob ng selda at wag mo ng sasaktan Villegas baka pati ikaw makasuhan."

"W-Wag po ser! Ayoko pong makulong. Belinda parang awa mo na wag mo akong ipakulong! P-Patawarin mo ko. Magbabagong buhay na ako!" Pagmamakaawa ng supek sa asawa na nakaluhod pa rin sa sahig.

"Gago! Kung sana hindi mo dinamay sa kababuyan mo ang anak ko baka mapatawad pa kita. Ibang usapan na ang ginawa mo sa anak ko. Kaya mabulok ka sa kulungan! Sige na po mga ser! Ikulong nyo po yan!" Galit na sabi ng ginang.

Hinawakan ko sa braso ang lalaki at hinila patayo. "Lakad!" Singhal ko sa lalaki. Kung ako nga lang ang masusunod gusto ko syang patayin sa bugbog eh. Walang kapatawaran ang ginawa nyang pambubugbog sa asawa nya lalo na sa panghahalay sa bata.

"S-Ser parang awa nyo na.. Ayoko po sa loob. M-Magbabagong buhay na po ako." Naiiyak na sabi ng lalaki.

"Ngayon nagmamakaawa ka? Eh di sana naisip mo yan bago mo ginawa ang mga katarantaduhan mo. Hala! Lakad na! Baka sikmuraan din kita dyan eh!" Asik ni Elmer.

Wala ng nagawa ang lalaki kundi ang lumakad na habang umiiyak. Dapat talaga sa mga rapist na tulad nya ay sinisilya elektrika para di tularan ng iba. Kawawa ang mga nabibiktima nila.


"Hindi naman po sya dating ganun ser. Mabait po yang si Junior. Pero simula po noong namasukan sya sa factory ng mga plastic at styro ay nagiba na po sya. Doon ko nga po natuklasan na nagsashabu na po sya. Noong una ay naawat ko pa po sya. Pero dahil lagi nyang kasama ang mga kaibigan na katrabaho din nya ay pabalik balik lang po sya sa ganoong gawain. Hanggang sa lagi na kaming nag aaway dahil wala na syang naiintrega sa aking sahod dahil nauubos sa mga bisyo nya. Sinasaktan na rin nya ako. Noong una sampal lang at sabunot, ngayon s-sinusuntok na nya ako at m-minsan pinapalo ng dos por dos. Pati mga anak namin sinasaktan na rin nya. Pero nagtiis pa rin po ako ser. Ayokong maghiwalay kaming mag asawa. Umaasa akong mapapabago ko sya. Hanggang sa isang araw nakita ko syang h-hinihipuan ang dalagita kong anak habang tulog. Doon na po ako tuluyang humulagpos. Nagising ang anak ko at umiiyak na yumakap sa akin. Tinanong ko po sya at sinabi nya na ilang beses na syang h-hinihipuan at h-hinahalay ng demonyong amain nya." Humagulhol ang ginang habang nagbibigay ng salaysay.

DG Series #1: Captive HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon