Chapter 39

23.1K 699 101
                                    

Aitana

HINDI KO maitago ang tuwa sa magandang balita ni Benj at ni Macy. Magkakababy na sila. Hanggang ngayon ay hindi ako makapaniwala. Pati si Tiyang Meding ay hindi rin makapaniwala. Akala ko nga nagpaprank lang ang dalawa. Pero galing na raw sila kanina sa ob kaya pala half day si Macy at positive na buntis nga sya.

Tinawagan din namin si Tiyong Toto na nasa abroad para ibalita. Nakilala nya si Macy at hindi makapaniwala na girlfriend ito ni Benj. At mas lalong hindi sya makapaniwala na magkakaapo na sya. Naiiyak pa nga sya at lalaki na raw si Benj.  At nangako sya na uuwi na at magreretiro na rin. Pati nga ako naiiyak dahil namimiss ko na rin sya na parang pangalawang tatay ko na rin. Pinakilala ko pa nga sa kanya si Lorenzo at botong boto din sya dito at kuntodo puri pa na gwapong gwapo daw na parang sya. Natawa na lang kaming lahat.

"Akala ko talaga biru-biruan lang ang relasyon nyo eh. Aba'y totoo pala." Ani Tiyang Meding.

Dito na kami sa sala nagtipon tipon pagkatapos kumain ng hapunan. Sa two seater na sofa sa may bintana ay kami ni Lorenzo ang magkatabing nakaupo. Sa harap naman namin si Benj at si Macy. Si Tiyang Meding naman ang nasa single sofa.

"Eh di ngayon naniniwala ka na tiyang. Ikakasal na rin kami." Sabi ni Benj na hawak ang kamay ni Macy.

Masayang masaya ako para sa kanya. At kita naman na masaya din sya at excited pa. Alam kong magiging mabuti syang asawa kay Macy at magiging mabuting ina -- este ama sa magiging baby nila.

"Teka, alam na ba ng nanay mo baks?" Tanong ko kay Macy.

Nagtinginan naman si Benj at Macy at tipid na ngumiti. "Hindi pa baks, sasabihin pa lang namin." Sabi ni Macy.

Tumango ako. Pero nakikita ko ang pagkabahala sa mukha ni Macy. Alam kong kinakabahan at natatakot sya kung paano sasabihin sa nanay nya. Pero alam ko namang hindi sya pababayaan ni Benj.

Humilig ako sa balikat ni Lorenzo at yumakap sa braso nya habang pinagmamasdan si Benj at si Macy na nagkukulitan. Medyo nagtatalo pa nga sila kung anong gender ng baby ang gusto nila. Si Macy gusto nya ay lalaki. Si Benj naman ay babae ang gusto. Parang bigla tuloy akong nainggit. Naramdaman ko namang humalik si Lorenzo sa tuktok ng ulo ko. Tumingala ako sa kanya. Ngumiti naman sya sa akin..

"Ang galing no, magkakaanak na si Benj at si Macy. Ang bilis." Sabi ko kay Lorenzo. Nasa labas kami ng bahay dahil uuwi na sya. Medyo lumalalim na ang gabi at may pasok pa kami parehas bukas.

"Oo nga eh. Langya, naunahan pa ako." Aniya at ngumisi.

Nag init naman ang mukha ko. "Bakit? Gusto mo na rin bang magkababy?" Tanong ko.

Tumingin sya sa akin ng diretso. "Yes."

Kumagat labi ako. Mas lalong nag init ang mukha ko. Kitang kita ko sa mga mata nya na seryoso sya.

"But I don't want to pressure you.. Handa akong maghintay sweetheart." Hinawakan nya ang kamay ko at hinila ako padikit sa kanya sabay akbay sa akin. Hinalikan nya ang sentido ko. "Ako na ang pinaka masayang lalaki sa buong mundo kapag nabuntis ka." Anas nya.

Yumakap naman ako sa kanya at sinandig ang pisngi sa dibdib nya. Dinig ko ang malakas na kalabog ng puso nya. Damang dama ko ang kagustuhan nyang magkaanak na. Kayang kaya ko namang ibigay yun kung titigilan ko na ang paginom ng after pill pagkatapos naming magsiping. Pero ang tanong kaya ko na bang magkaanak?

Ipinatong ko ang baba sa dibdib nya at tumingala sa kanya. Nakatunghay din sya sa akin at hinaplos ang buhok ko. Kung magkakaroon man ako ng anak syempre gusto ko sa kanya lang. Darating din kami dyan.

samantala..

SA HINDI kalayuan ay may isang pares ng mata ang matalim ang tingin sa magkasintahan. Punong puno ng poot ang dibdib nya. Nagngingitngit sya na makitang masaya ang dalawa at halos ipagsigawan pa sa buong madla ang pag iibigan nila. Habang sya ay nagtatago, nilalamok at wanted sa batas.

DG Series #1: Captive HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon