Special Chapter

40.9K 1K 218
                                    

Benj

"PAPA, BILI mo ko ng ribbon na ipet." Ungot ng apat na taong gulang kong anak na si Bree o Brianna Mira.

Ako ang nagbigay ng pangalang Brianna sa kanya dahil yun ang pet name ko noong mga kasagsagang aktibo pa ako sa federasyon namin. Ang Mira naman ay galing kay Macy. Natalo pa nga kami habang pinifill-up-an ang birth certificate sa hospital dahil gusto ko Brianna talaga ang pangalan. Sya naman ay nagpupumilit na Mira. Pero para wala ng pagtatalo sinuhestiyon na lang ni Tiyang Meding na pagsamahin na lang ang dalawang pangalan.

"Yes bebegurl, bibilhin natin lahat ng magagandang klaseng ipet pati hairband." Sabi ko habang marahang binabanat ang buhok nyang tinali ko ng papigtail.

Hinarap ko sya sa akin para makita ang hitsura nya.

Napangiti ako.

Ang ganda ganda talaga ng anak ko mana sa akin syempre mana din kay Macy. Pero feeling ko talaga ako ang mas kamukha nya.

"Ang pretty pretty naman ng bebegurl ko." Sabi ko at marahang pinisil ang malaman nyang pisngi.

Ngumiti naman sya. Lumabas tuloy ang maliliit at pantay pantay nyang mapuputing ngipin. Kapag ganitong ngumingiti sya kamukhang kamukha naman nya si Macy.

"Kiss mo nga si papa." Lambing ko at ngumuso.

Ngumuso din sya at nilapat ang labi sa labi ko. May tunog pa sabay hagikgik.

"Ang sweet sweet naman ng bebegurl ni papa mana kay mama." Yun ang namana nya kay Macy ang pagiging malambing.

"Syempre po lab ka namin ni mama eh." Aniya at malambing na yumakap pa sa akin.

Niyakap ko rin sya at iniupo sa kandungan ko saka pinanggilang halik halikan sa pisngi at leeg. Tawa naman sya ng tawa.

"Lab na lab ni papa tong bebegurl namin ni mama eh kahit makulit." Nanggigigil na pinisil ko ang pisngi nya na namumula na. Tawa pa rin sya ng tawa habang nilalayo ang mukha ko.

Akala ko noon hindi na ako magkakaasawa at magkakaanak. Eh kasi naman iba ang gusto ko noon. Iba ang focus ko. Nagiipon na nga ako noon para sa IVF. Para kahit sa ganoong paraan ay magkaanak pa rin ako. Dahil di ko talaga bet noon ang sumiping sa babae. Isipin ko pa nga lang yan noon ay diring diri na ako.

Tapos biglang dumating si Macy sa buhay ko na walang ibang ginawa kundi ang magpapansin sa akin. Kahit anong pagtataray ko sa kanya wa epek. Makapal talaga ang apog ng babaeng yun. Gandang ganda sa sarili. Oh well, maganda naman talaga sya. Unang kita ko pa lang sa kanya nagandahan na ako sa kanya. Kaya naiinis ako sa kanya. Kumokoryana kasi ang beauty nya. Eh ganun ang mga type kong beauty. Medyo naaattract na rin ako sa kanya. Tinatablan na ako sa pangaakit nya. For the first time tinigasan ako sa babae. At ng gabing yun sa salon shop ko nangyari ang hindi ko inaasahan. May nangyari sa amin. Pero doon na nagsimula ang lahat. Dahil sa nangyaring yun hinahanap hanap ko na sya. Ewan ko ba, para akong naadik sa kanya noon kahit hanggang ngayon naman. Ang sarap sarap naman kasi ng babaeng yun. Hanggang sa di ko namamalayan hulog na hulog na ako sa kanya at nagising na lang ako kinabukasan mahal ko na sya. Tuwang tuwa nga ako ng malamang buntis sya at heto na nga ang bunga ng mga kalandian naming dalawa. Isang cute na cute na chikiting na kamukha naming dalawa.

"Anong gusto ng bebegurl ni papa kapag big girl na sya?" Pangungulit ko pa sa anak ko.

"Gusto ko maging miss universe pag big girl na ako." Bibong sagot nya.

"Owh." Medyo nasurpresa ako sa sagot nya. Siguro natuwa sya sa mga pinapanood naming beaucon. Paglaki naman nya ay magbabago pa naman ang mga gusto nya.

"Bet ni papa yan bebe gurl. Pero alam mo ba si Tita Ai mo gusto din nya maging miss universe kaya lang kinulang sa height. Kaya ikaw, lagi ka matutulog sa hapon at lagi kang iinom ng milk para tatangkad ka at maging miss universe paglaki mo." Panguuto ko pa sa kanya. Tumango tango naman sya.

DG Series #1: Captive HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon