26

728 45 3
                                    

THE POSSESSIVE HUSBAND 26

Sorry for the late update.

   

➿➿➿➿➿➿

"Wife--"

Hindi pa natatapos ang sasabihin ni Andrus ay isang seryosong mukha ni Sebastian ang umagaw sa kanilang atensyon. May ngiting yumukod at nagbigay galang ito kay Alexis bago bumaling kay Andrus bumulong sa taenga nito.

Hindi man naririnig ang tinig at maingat ang bawat galaw ng tauhan ng husband niya. Nakikilala na ni Alexis ang bawat galaw ng bawat tauhan ni Andrus. At sa mga oras na ito, mariin niyang pinakatitigan ang walang pagbabago na mukha ni Andrus, pasimpleng bumaling ito sa kaniya ng may ngiti sa labi.

Sa puntong iyon ay nadama ni Alexis ang naiibang aurang bumalot sa katawan ng husband niya. Dahil dito ay minabuti niyang ibaling ang atensyon sa mga kaibigan at pamilyang Saavedra. At sa pagkakataong iyon ay doon niya rin napagtanto na hindi lamang siya ang nakadarama sa mabigat na aurang bumabalot sa paligid.

May masama bang nangyari?

Hindi makikitaan ng pagkabahala ni pag-aalala sa mga mukha ng magulang ni Andrus ngunit maaninag sa mata ng Ina nito ang naiibang emosyon. Marahan niyang ibinaling ang mga mata sa matandang Saavedra, tulad rin ng mga magulang ni Andrus. Wala ni katiting na kakaiba sa mukha ng matandang lalake. Ngunit bakit pakiramdam niya ay may mahalagang bagay ang nangyayari sa Araw na ito?


Dahil sa nagsisimulang mabigat na emosyon sa kaniyang puso. Hindi mapigilan ni Alexis ang mabalot ng pag-aalala.

Marahang lumayo si Sebastian kay Andrus bago muling yumukod bilang pagbibigay galang kay Alexis. At sa gilid ng kaniyang mata, kitang-kita niya sa kung paano sinenyasan ni Ambrose Saavedra (Ama ni Andrus) ang dalawang tauhan nito at walang salitang bumalik sa kinauupuan na tila walang kakaibang nangyayari.

"Wife, may kinakailangan akong ayosin. Iiwanan muna kita sa pangangalaga ng pamilya at mga kaibigan ko okay?" Malamlam ang mga matang sabi  ni Andrus bago humalik sa pisngi.


Ngunit gaano man ang pag-iwas ni Alexis sa kabang bumabalot sa puso niya. Hindi niya parin maunawaan kung anong bagay ang nag-uumapaw sa kaniyang dibdib.

"Don't worry, everything's going to okay,kay" nakangiting saad ni Andrus bago mabilis na lumayo sa kaniya. At mula sa kinatatayoan ni Sebastian ay mabilis na sumunod ang lalake ng walang lingon-lingon sa kaniyang paligid.

Ano bang nangyayari?

"Alright! Simulan na natin ang sayawan!" Malakas na saad ng Host, at maririnig ang malakas na tugtog na sumaliw sa buong paligid.

Ngunit wala sa nangyayari ang atensyon ni Alexis. Nanatiling nakatuon ang kaniyang mga mata sa papalayong anino ng husband niya.

May pag-aalalang ibinaling ni Alexis ang atensyon sa tatlong kaibigan ni Andrus ngunit taliwas sa nararamdaman niya. Nanatiling nakaupo ang tatlong lalake, habang masayang nakikipag-usap sa mga bisitang katabi nito.

'Wala naman sigurong problema, tama?'

Sa sobrang kabang nag-uumapaw sa kaniyang dibdib. Hindi namalayan ni Alexis ang pagpakawala niya ng malalim na hininga na siyang dahilan para mapansin ito ng babaeng server na nasa tabi niya.

"Madam, may problema po ba?"

"Okay lang ako. Tara na at nang makapagpalit na ako ng kasuotan ko."

Marahan muna siyang tumayo sa harapan ng mga magulang at Grandpa ni Andrus, na sinuklian naman ng mga ito ng isang may pang-unawang ngiti.

The Possessive Husband (BL)Where stories live. Discover now