27

936 55 13
                                    

THE POSSESSIVE HUSBAND

"Mr. President, nakahanda na ang lahat."

Walang emosyon ang mga matang nakatitig sa sahig ang lalake. Kasalukuyan itong naghahatid ng mga impormasyon na kanilang nakalap. At base, narin sa mga impormasyon na ito. Hindi mapigilan ng mga tao ni Andrus na makadama ng awa sa mga taong walang utak na gumawa ng ikasisira ng sarili nilang buhay. Nababatid ng lahat kung gaano katakot-takot ang isang Andrus Saavedra, pero may mga tao parin ang may lakas ng loob upang labanan ng harapan ang isang Cold Blooded Young President na ito.

Ngayon palang ay damang-dama na ng mga tao ni Andrus ang katakot-takot na kahihinatnan ng mga ito.

Malamlam ang mga matang ibinaling ni Andrus ang paningin sa direksiyon ng silid kung saan naroroon si Alexis bago walang emosyon na muling nagsalita.

"Good. Oras na para makipaglaro ako sa kanila."

Mabilis at mariin na napatango ang lalake bago walang lingon-lingon na tinahak ang pinto. Akmang lalabas ito ng pinto nang muling magsalita si Andrus Saavedra dahilan para manigas ng bahagya ang katawan ng lalake.

Sinong hindi? Kung gaano ka walang emosyon o reaction ang makikita sa mukha ng isang Andrus Saavedra ay siya rin namang katakot-takot ang aurang bumabalot sa buong katawan nito.

"Tawagin si Sebastian."

"Masusunod. "

Ilang Sandali rin ay isang nagmamadaling mga yapak ang maririnig palapit sa kanilang silid. At mula sa pinto ay dumungaw ang mukha ni Sebastian at kasama nito ang may katandaang butler na walang iba kundi si Butler Wu.

"Sir."

"Ihanda ang lahat. Makikipaglaro lamang ako sa mga taong nanakit sa gher wife ko."

Nag-aalab na mga mata. Sa bawat salitang nagmumutawi sa labi ni Andrus Saavedra ay siya rin namang malaking takot ang bumabalot sa puso ng mga taong nakakakita sa kaniya.

Magkasabay na tumango ang dalawa bago mabilis na yumuko si Sebastian at tinungo ang pinto. Naiwan namang nakatayo si Butler Wu ng nakayuko at nasa sahig ang paningin.

"Young Master. Gustong malaman ni Lolo mo kung ano na ang nangyayari."

"Butler Wu, Ikaw na muna ang bahala sa gher wife ko. At ang tungkol naman sa family ko. Ako na ang bahala."

"Masusunod."

Magalang at makikita sa tindig ng matandang Butler ang respeto sa lalakeng nakatayo sa kaniyang harapan. Alam niya at nasisiguro niyang magbabayad ang sinomang nagnais manakit sa Young Madam ng Saavedra family.

Walang emosyon parin ang mga matang tinungo ni Andrus ang kanilang silid. At mula roon ay naratnan niya ang munting Gher na mahimbing na natutulog sa kama. Maamo ang mukha at mala-anghel na ganda ang siyang kaniyang nakikita.

Mataman niyang pinagmasdan si Alexis ng may pag-aangkin sa mga mata.

"Vincent Logan? "Isang mabigat na ngiti ang sumilay sa mga mata ni Andrus bago muling nagpatuloy,
"He can't have you." The words ripped free of him again, rough and raw.

"Hinding-hindi."

Mga matang ngayon ay nakatitig sa isang tulog na gher. Matang napupuno ng pagnanais, pag-angkin at pagmamahal sa nasabing Gher wife nito.

"Let me rephrase." Sa loob ng tahimik na silid at ang tulog na si Alexis. Nababalot na ng magkahalong emosyon ang mata ni Andrus Saavedra. Mga emosyong tanging si Andrus lamang ang nakaaalam. Ngayon kung may makakita man sa kaniya. Masasabi nitong hindi lang katakot-takot ang lalake kundi higit sa salitang nakatatakot ang mababanaag sa buong mukha nito.
"When it comes to you, Alexis, I don't like to share."

The Possessive Husband (BL)Where stories live. Discover now