THE POSSESSIVE HUSBAND 47.1
Note: Maraming maling gramatika at spelling kaya please lang sa mga perfectionist dito ay iwanan niyo nalang ang book na ito. Libre lang po' ito kaya kaunting respect naman sa mga salitang bibitawan.
➿➿➿➿➿➿➿➿
~ALEXIS~Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala sa nangyayari. Isinama ako ni Andrus sa lugar na pupuntahan nito. Sa una ay hindi ko maunawaan kung bakit ganoon kaseryoso ang expression sa mukha nito habang nakatitig sa direksyon ko. Kasama ang magkapatid na sina Enzo at George Alfonso kitang-kita ko sa mukha ng husband ko ang pag-aalinlangan at kaunting pag-aalala na pilit nitong itinatago sa aking paningin. Bagay na nagbigay ng pagtataka sa part ko, kaya't minabuti kong alamin mula sa bibig nito ang kakaibang kinikilos nito at ng mga kaibigan.
Sa una ay hindi ko maintindihan pero nung sinabi ni Andrus na ito ang pinag-usapan nila ng Dad niyang si Mr. Ambrosio Saavedra, doon ko na napagtanto na hindi ganon kasimpleng bagay ang sitwasyon. Nais ng mga magulang ni Andrus ang ihanda ako sa kung anomang buhay ang kinamulatan ng husband ko. Katulad ng ibang asawa ay ginusto ni Andrus ang manatili akong walang nalalaman, inosente at manatiling tahimik ang mundong kinasusuongan ko. Pero mali ito, bilang kabiyak ng isang Saavedra at katuwang sa gampanin ni Andrus sa Saavedra Empire. Kinakailangan kong mapatunayan sa Tatlong Branch ng Saavedra na karapat-dapat ako sa posisyon na siyang ngayon ay hawak-hawak ko; Ang maging Madam ng Saavedra Corporation.
"So, Ikaw talaga ang Gher wife ng pinsan kong si Andrus. To be honest, hindi ko minamaliit ang pagiging Gher mo o ang kakayanan mo. Hindi ko lang magawang isipin na ikaw ang mapapangasawa ng pinsan ko."
May ngiting sabi ni Zshantall Jade Saavedra, ang babaeng pinsan ni Andrus na naratnan ko sa loob ng office nito.Maaring sa iba ay maiirita sa mga salitang magmumutawi sa labi ng dalagang kausap ko. At ito rin ang marahil na tatakbo sa utak ko, kung hindi ko pa nagagawang pag-aralan ang ugali nito. Walang-tabil ang dila kung magsalita si Zshantall Jade, pero alam ko, at nauunawaan ko na katotohanan ang lahat ng sinasabi nito. Ito ay ayon narin kay Sebastian at Enzo Alfonso.
Isang pilit na ngiti ang ipinukol ko sa kaniya dahilan para bahagyang mapahagikhik ito sabay batok sa balikat ko.
The fck---?!
Masakit iyon ah! Batukan ko rin kaya ito?
At nang napansin nitong napangiwi ako sa sakit ay imbes na maawa sa akin ang babaeng kausap ko ay lalong humagikhik pa talaga ito bago paulit-paulit na batok ng palad sa balikat ko ang natanggap ko mula rito, habang tumatawa na animoy tuwang-tuwa pa sa nagiging reaction ko?
Aba't may krungkrung yata ang babaeng ito, tama ba ako? O sadyang may mga babaeng tulad nito?
"Hahahaha. Ang cute mo."
Sabay kurot sa tagiliran ko.
Oppss...
Kaunting-kaunti nalang talaga, babatokan ko na ito.
Kung hindi lang pinsan ito ni Andrus ay binatokan ko narin ang kanina pa.
"Ang cute mo hahaha... kung hindi ka lang Gher at walang Sebastian sa puso ko. Liligawan talaga kita!"
Susmeryosip!
Ano daw? Babae na pala ngayon ang nanliligaw?
"Ano iyang pilit na ngiti mo? Alam mo, Alexis. Seryoso na ako, kaya makinig ka. Hindi ko sinasabing hindi kita gusto bilang brother-in-law. Mas nanaisin ko pang ikaw ang napangasawa ni Pinsan kaysa sa Tontawan na'yon. Babaeng atribida, antipatika at plastic ang mukha. Well so damn, yeah... Balik tayo sa topic. Hindi sa hindi kita gusto para kay Andrus pero sa tuwing nakikita ko ang mukha mo at ang nalaman kong katayoan mo sa buhay ng Mendes Family. Naisip kong hindi magiging madali para sa iyo ang posisyon bilang Wife ni pinsan. Ang maging asawa ni Andrus Saavedra ay parang matatalim na punyal na anomang oras ay maaaring sumaksak sa iyong katawan at maaari mong ikamatay ito anomang oras. Ito na marahil ang dahilan sa kung bakit ganoon ka-protektado sa iyo ang Cousin ko. Maybe hindi mo alam, maraming mga mata ang ngayon ay nakaabang sa posisyon ng husband mo. Sa una ay iniisip ko talagang hindi seryoso sa iyo ang Cousin ko. Pero nung makita ko sa kung paano ka nito protektahan laban sa sariling opinion ng parents nito. Doon ko na napagtanto na magmula ngayon ay hindi magiging madali ang buhay na sasapitin ni Andrus para lang mapanatili ang posisyon nito at manatiling mamuhay bilang mabuting asawa sa'yo. "
YOU ARE READING
The Possessive Husband (BL)
FanfictionTitle: THE POSSESSIVE HUSBAND (BOYSLOVE/ MEN TO MEN LOVESTORY) Edited ang book. Upang makaiwas sa sakit at kahihinatnan na malaking kahihiyan. Isang desisyon ang nabuo sa isip ni Alexis Mendes. Ang magpakasal sa taong hindi kilala. "Pakasalan mo ak...