51.2

481 40 8
                                    

ANG PAGPAPATULOY

SOMEONE'S POV

Inabot ng Limang buwan para maisaayos ni Alexis ang posisyon niya sa loob ng Saavedra Corp. Nagsagawa rin siya ng masiyasat na pagpili sa magiging sekretarya niya. Sa kauna-unahang pagkakataon ng history ng Saavedra Corp.Ang CEO mismo ang personal na nagsagawa ng pagtatanong at naghired ng 2 sekretarya. At ang pinaka-nakakagulat sa desisyon ni Alexis ay naghanap siya ng mga sekretarya na hindi tataas ang gulang sa 30. Sa pagtataka ng karamihan at sa kanilang isipan. Hindi ba't napakabata ng CEO kung kaya ay normal lang na pumili ito ng mas may kaalaman at experience sa ganoon trabaho pero bakit ang lahat ng pinili niya ay pawang mga baguhan? Isang desisyon na siyang naghatid ng iba't-ibang speculation sa puso't-isipan ng mga taong nasa loob ng Saavedra Corp.

At bakit ginawa ito ni Alexis? Dahil sa madaling imanipula at mapanghawakan ang mga taong ito kaysa sa mga taong sanay na sa kalakalan ng mundong kinabibilangan ng mga aristocrat.

Samantala.

Sa loob ng opisina ni Alexis ay dalawang sekretarya niya ang ngayon ay kinakausap niya.

"Miss Lantao. Napagtanto mo na ba sa kung bakit isa ka sa mga napili ko?"
Makahulugan niyang sabi dahilan upang makitaan ng kaunting pagbabago ang mga expression ng dalawang babae.

"Maybe, Sir....dahil may kakayanan ako?" Nanginginig na tugon ng bagong secretary habang ang isa namang babae ay mabilis na napasinghap nang malalim sa sobrang kabang nag-uumapaw sa puso nito.

"No. Dahil sa boss mo na nagpapasok sa'yo rito at maging espiya nito."

Sa mga salitang ito ay tigagal na napatitig ang babaeng nagngangalang Miss Lantao bago nanginginig ang hiningang yumukod kay Alexis. Hindi pagkapaniwala ang maaninag sa buong mukha nito. Ito ang kauna-unahang araw niya bilang sekretarya ni Alexis pero bakit napag-alaman kaagad nito sa kung Sino talaga ang Boss niyang totoo.
"Madam..."



"Alam mo ba kung anong pagkakamali ang nagawa mo?"


Lalong nag-umigting ang kabang nanalaytay sa puso ni Miss Lantao at siyang pamumutla naman ng mukha ng inosenteng babaeng katabi nito. Yes inosente siya dahil ito ang kauna-unahang araw niya sa pagtatrabaho. At inosente rin ang puso niya dahil ang ninanais lang naman ng babaeng ito ay mabuhay ng marangal at normal. Pero sinong mag-aakala na sa mga oras na ito ay masasaksihan niya ang isang insedenteng Kung saan ay ang pagtanggap ng kabayaran ng isa niyang kasama.


"Madam... Ang kasalanan ko ay... Ang kasalanan ko ay..." Nanginginig na turan ni Miss Lantao na tila ba ay walang maapuhap na salita.



Sa pagkakataon na ito ay isang marahang pagtawa ang pinakawalan ni Alexis na siyang dahilan upang mapatigil ang dalawang sekretarya saka alanganin ang mga matang napatitig sa kaniya.

"Miss Lantao. Hindi ko sinasabing kabahan ka ngayon sa harapan ko. At hindi ko rin ninanais ang putulin mo ang connection mo sa taong ito. Ang nais ko ay..."

Pigil ang hiningang naikuyom ni Miss Lantao ang kaniyang kamao habang Pilit na kinakalma ang pusong naghaharumintado sa takot.

"...Ang nais ko ay magpatuloy kang tumanggap ng suhol at bumalik ka sa akin ng may mga sapat at nararapat na impormasyon ukol sa binabalak o plano ng boss mo. At kapag nagkamali ka o hindi tumupad sa usapan? Makikilala mo sa kung sino talaga ako. Nagkakaintindihan ba tayo?"

Paulit-paulit at magkakasunod na paglunok ang pinakawalan ni Miss Lantao habang si Miss Alek ay namimilog ang mga matang nakatitig sa CEO. Ang tanong na nag-uumigting sa kaniyang isipan ay sa kung bakit siya naririto?

"Madam..."

"And for you Miss Alek. Alam mo ba kung bakit isa ka sa mga napili kong maging sekretarya ko?"

The Possessive Husband (BL)Where stories live. Discover now