KRYSTAL'S FINALE REVENGE 3

339 27 7
                                    

ANG PAGPAPATULOY

                

                  ;------------------;

Isa-isang isinaayos ni Krystal ang mga malalapad na kurtenang puti sa buong silid bago binuhusan ito ng gasolina saka nangingiting hinaplos ang bawat sulok ng pader ng silid. Kasalukuyan silang nasa loob ng isang bakanteng silid ng pangalawang mansion ng Saavedra. At makikita rito ang iba't-ibang nakasabit na mga larawan ng namayapang kabiyak ng Old Saavedra. Ang male conceiver wife nito noon at siyang Ger Grandma ni Andrus Saavedra.

"Ayos ka lang ba Alexis? Hindi mo ba namiss ang ex-sister mo? Ah-- tignan mo ang silid na ito. Punung-puno ng mga larawan ng katulad mong salot sa mundo. Sayang lang din ito dahil kasamang matutupok ito sa apoy"

Malapad ang ngiting pinakatitigan ni Krystal ang male conceiver na kapatid habang unti-unting ninamnam ang galit at poot sa kaniyang dibdib. Ang ger na ito ang sumira sa lahat ng meron siya. Sa tuwing naalala niya ang tunay na pagkatao niya, mabilis na nag-uumapaw ang galit at matinding hinanakit sa kaniyang puso. Ano bang meron ang kapatid niyang si Alexis na wala Siya? Bakit ganoon nalang kasuwerte ang buhay nito samantalang ang tulad niyang magandang babae ay dahan-dahang naglalaho ang tinuturing na kaniya.

"Krystal ano itong ginagawa mo? Hindi ka parin ba napapagod?"nanginginig  ang tinig na pagtatanong ni Alexis Sa mga oras na ito, gaanoman itago ni Alexis ang takot sa puso nito. Nahihinuha ni Krystal ang kabang nag-uumapaw sa kaibutuuran ng puso nito.

"Hindi ba ako napapagod?"tumatawang sagot ni Krystal bago mabilis na lumuhod sa harapan ng kapatid at paulit-ulit na hinaplos ang maamo na mukha nito.
"Pagod na pagod na ako Lexie. Sa totoo nga ay nagsasawa na ako sa pagmumukha mo. Natatandaan mo nung unang pagtapak mo sa Mendes family? 'Yun ang kauna-unahang naramdaman ko ang pagkamuhi sa isang tao." Sinong hindi mamumuhi sa murang gulang ay malalaman mong anak sa labas ang Mom mo at isang gher pa ito?

Paulit-ulit na hinaplos ni Krystal ang mukha ni Alexis. Sa una ay marahan ito hanggang sa pakiramdam ni Alexis ay humahapdi na ang kaniyang balat sa marahas na pagkakahawak at haplos nito. At ng dahil sa gamot na itinarak sa kaniya ng babaeng maid ay hindi niya  magalaw ang buong katawan, walang magawa si Alexis kundi ang pabayaan ang pinagagawa sa kaniya ni Krystal.
"Sa mga oras na 'yon ay winasak mo ang buhay ko."

Flashbacks;

Masayang pinaglalaroan ni Krystal ang maliit na asong kabibili lamang sa kaniya ng Ama. Madirinig ang malakas na pagtangis ng munting aso dahil sa paulit-ulit na paghabas ng mahabang stick sa katawan nito habang ito ay nakatali.

Pagkatuwa ang mababanaag sa mukha ng munting batang babae sa tuwing madirinig ang paghagulgol ng munting nilalang, panakanakang sasayaw pa ito at sumasaliw sa magandang tugtog ng pangbatang musika.

"Sumigaw ka ng aw aw! Dali sigaw na!"humahagikhik na sabi nito sa kaawang-awang aso sabay hampas sa katawan nito rason upang higit na mapaiyak ito ng todo.

Nag-iwas naman ng paningin ang mga bantay nito at kahit ang mga ito ay hindi  makayanan ang kawalang awa ng munting batang nasa harapan nila. Akmang muling ihahampas ng walong taong gulang na si Krystal ang mahabang stick na hawak nito nang biglang pumasok ang Butler Sang at sinasabing, pinatatawag ang batang si Krystal ng Grandpa Alfonso bagay na nagbigay ngiti naman sa batang si Krystal.

The Possessive Husband (BL)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora