CRISIS

549 41 12
                                    

CRISIS

                ➰➰➰➰➰➰

Sa loob ng sasakyan ay mababanaag ang katakotakot na aurang bumabalot sa katawan ni Andrus kaya maging ang taohan nitong si Sebastian ay hindi mapigilan ang mapalunok at mag-iwas ng paningin sa pagnanais na mabawasan ang sariling  presensya nito.

"Sebastian." Walang emosyon na turan ng kanina lang ay tahimik na si Andrus at siyang rason din  para mabilis na mapaayos ng kaniyang pagkakaupo si Sebastian at walang emosyon rin na tumugon sa kaniyang Boss.

"Yes sir."

"Maghanda ka. Ngayon na ang araw."tipid at ngayon ay nababalot ng nakapalamig na aurang saad ni Andrus rason para maghatid ito  ng buong detereminadong emosyon sa puso ng taohan niyang si Sebastian. Ito na ang araw na pinakaaabangan nila ng Boss niya kung kaya ay hindi maaring magkamali.

Sa isipan naman ni Andrus. Hindi lang ang Saavedra ngayon ang pasan-pasan niya sa balikat. Buhay at kinabukasan narin ng  munti niyang pamilya ang  nakasalalay sa lahat-lahat ng bawat desisyon at mga hakbangin na gagawin niya, para kay Alexis at sa magiging anak nila, hindi siya maaring magkamali.

"Sisimulan na natin ang  paglilitis at aantabayanan ang paglabas ng taong nasa likoran ng lahat ng ito. Ang taong matagal na panahon ring  nanatili sa kailaliman ng lupa at ngayon ay nagnanais na muling  hukayin ang panibagong tirahan na paglalagyan ko nito. Sa mga oras ding ito ay nasisigurado kong kumikilos na ngayon si Cleo Montefalco at ang mga taong katulong nito. Sa pagkakataon na ito ay interesado na akong makilala  nilalang  na ito ang paulit-ulit na inuubos ang  pasensya ko."

"Masusunod Young Master Andrus."buong detereminadong saad rin ni Sebastian bago walang alinlangan na pinaharorot ang sasakyan patungo sa lugar na kanilang paroroonan.

At mga ilang oras lamang ay isang malaking balita ang marahas na bumalot sa lahat. Ang isang malaking balitang patungkol  sa katakotakot na Crisis na kinakaharap ng Saavedra Empire. Balitang bumunga ng samo't-saring speculation at atensyon. Sinong mag-aakala na ang bigating Kumpanya na ito ay mararanasan ang malaking kalamidad na ito.

Isang seryosong pagtagas ang naganap sa mga subsidiary na kumpanya ng Saavedra Group, na nagresulta sa maraming patent at trademark na inagaw ng mga kalabang kumpanya. Kung ang mga benta ng mga patent at trademark ay matagumpay, ang Saavedra Group ay mawawalan ng kalahati ng teritoryo nito, na katumbas ng pagyanig sa pundasyon ng Saavedra Group na nasa loob ng henerasyon.

Ang lahat ay binalot ng takot at pagkataranta habang ang kanilang domineering Presidente na si Andrus Saavedra ay hindi maapuhap kung nasaan ang lokasyon at kung ito ba ay buhay pa. Maraming  kababaihan ang nagtirik ng kandila at nanalangin para sa kaligtasan nito.

Mayroon ding mga sabik na naghihintay ng kasawian na dumating sa mayayamang pamilya tulad ng Saavedra Family. Gusto nilang makita ang mataas at makapangyarihang pamilyang Saavedra na masisipa sa mortal na mundo. Sa mundong ito, walang pagkukulang sa mga taong nasiyahan sa kasawian ng ibang tao at sabik na manood ng palabas, pagkatapos ng lahat. Isa sa mga uri ng mga taong ito ay ang Third branch ng Saavedra na tila ba binalot ng napakalaking  kaligayahan sa kanilang mga puso sa nakikitang pagbagsak ng nasabing pamangkin at First branch. Para sa kanila ay mahalagang bahagi na ito  ng kanilang mga plano para sa pagnanais na maagaw ang trono sa posisyon ng mag-amang Andrus at Ambrosio. Hindi naman nila binigyang tuon ng  pansin ang Second branch dahil noon pa man ay nag-iwan na ang  mga ito ng pagsasabing walang balak ang pangalawang branch na maangkin ang posisyon na meron ang mag-amang Andrus at Ambrosio.

Malapad naman ang mga ngiting magkayakap kamay ang Tontawan Family at ang binatang si Cleo Montefalco sa nasabing malaking  Crisis na kinakaharap ngayon ng Saavedra Family. Naniniwala  na nga si Cleo Montefalco na hindi pagkakamali ang naging hakbang niya sa pakikipagkasundo sa nasabing nakatatandang kapatid ng Grandpa Saavedra. Tama. Ang nakatatandang sariling kapatid mismo ng Old Saavedra ang  nasa likoran ng lahat ng ito. Ang inaakala ng karamihan na matagal ng tinalikoran at kinalimotan na kapatid at ng buong angkan ng Saavedra Family ngayon ay nagnanais namang muling makabalik upang mabawi ang nararapat na para rito. Sa isipan ni Cleo Montefalco tila magiging masaya at tunay ngang magiging makulay ang buhay ngayon ng tinuturing niyang mortal na kalaban at karibal na si Andrus Saavedra.

The Possessive Husband (BL)Where stories live. Discover now