ANG PAGPAPATULOY
Neglected wife sana namin update ko next pero mas okay kung Possessive muna.
ALEXIS POV
Pagmasdan lang siya, pakiramdam ko ay nag-uumapaw na sa tuwa ang puso ko. Para bang ninanais nitong tumalon palabas ng aking dibdib at isigaw ang pangalan ng lalakeng ngayon ay nasa harapan ko.
Hindi ko batid kung paano ko kinakaya ito. Hindi ko alam sa kung bakit ganun na lamang kung manginig ang mga tuhod ko. Sa mga sandaling iyon ay hindi ko magawang maihakbang ang aking mga paa palapit sa kinaroroonan niya. Dahil ang alam ko, namiss ko na ang taong ito.
"Alexis." Dinig kong sabi niya sa kabilang linya. Hawak-hawak parin ang Cellphone at nakatuon ito sa aking taenga. Unti-unting bumagsak ang mga luha ko sa aking mata. Sa mga sandaling iyon ay para bang tumigil sa pag-ikot ang oras sa aking paligid. At ang tanging mukha ni Andrus ang aking nakikita.
Gustong-gusto kong sigawan siya. Gusto kong magalit sa kaniya. Gustong-gusto kong sabihin ang lahat-lahat ng mga hinanakit ko pero kahit anomang pagnanais ko na maibuka ang aking labi, walang salitang nagnanais kumawala dito.
Nagsimulaang humakbang si Andrus palapit sa aking kinatatayoan. Habang ako naman ay nanatiling nakatayo at tila walang pakialam sa aking paligid. Sa bawat hakbang ng kaniyang mga paa. Ang puso ko ay nagkukumawala na sa samo't-saring emosyon. Mga emosyon na hindi ko magawang itago sa kaniya.
Hanggang sa tuluyan na ngang natahak ni Andrus ang maliit na espasyo naming dalawa. Hawak-hawak ang Cellphone sa kaniyang kanang kamay, maingat nitong hinaplos ang luhaan kong mukha sa kaliwa naman nitong kamay at nagsabing,
"Huwag kang umiyak mahal ko. Nagdurugo ang puso ko."Corny, pero napabilis nito ang pagtibok ng puso ko.
Sa puntong iyon ay lalong nag-umapaw ang mga emosyon sa puso ko. Hindi ko malaman sa kung alin ba sa mga ito ang mauuna. Ang tanging alam ko ngayon ay gustong-gusto kong umiyak at paghahampasin sa balikat ang lalakeng ngayon ay kaharap ko na. At ito nga ang aking ginawa.
Hinampas ko ang balikat ni Andrus nang paulit-ulit habang paulit-ulit rin naman nitong pinupunasan ang mga luhang bumubuhos sa aking mukha.
"Sigi lang wifey. Ilabas mo ang lahat-lahat ng hinanakit mo sa walang kuwentang Husband mong ito."nakangiting sabi nito at may pag-aayo sa tinig bagay na lalong ikinainis ko.
"May lakas ka pang magbiro?" Lumuluha kong tugon bago muling hinampas siya sa balikat at hinawakan ang kuwelyo nito at muling nagsalita,
"Hindi mo ba alam kung gaano ako nahirapan sa pag-alis mo? Hindi mo manlang ba naisip sa kung anong madarama ko sa pagkawala mo? Andrus! Pinaglaroan mo ang damdamin ko!"Sa pagkakataon na ito ay wala na akong pakialam pa sa kung anong iisipin sa akin ng mga taong makakakita. Wala narin akong pakialam sa kung anoman ang isipin ni Andrus sa akin ngayon. Ang nais ko ay maglabas ng lahat-lahat ng hinanakit sa puso ko. Sa bawat salitang nagmumutawi sa labi ko ay siya rin naman na pagpunas ni Andrus ng mga luha ko.
"Andrus bakit?! Bakit mo ako iniwan at sinaktan ng ganito? Ang buong akala ko ay patay ka na! Hindi mo ba alam na dinurog mo nang pinung-pinu itong puso ko! Pinung-pinu Andrus! Ang sakit lang e, akala ko, Ikaw na sandalan ko ay iniwan narin ako. Sa sobrang sakit ay pakiramdam ko ay para bang tumigil sa pagtibok itong puso ko. Takot na takot ako Andrus! Ta-takot na takot ako! Iwanan na ako ng lahat-lahat pero huwag lang Ikaw! Naiintindihan mo ba ako? Na-naiintindihan mo ba ako?Alam mo ba kung anong iniisip ko sa mga oras nang iniwan mo ako? Nang mga oras na akala ko ay nawala ka sa piling ko? Iniisip ko na, S-someone made a promise to me pero iiwan lang pala ako. Nasaktan ako punyemas! Ang sakit-sakit Andrus!"
YOU ARE READING
The Possessive Husband (BL)
FanfictionTitle: THE POSSESSIVE HUSBAND (BOYSLOVE/ MEN TO MEN LOVESTORY) Edited ang book. Upang makaiwas sa sakit at kahihinatnan na malaking kahihiyan. Isang desisyon ang nabuo sa isip ni Alexis Mendes. Ang magpakasal sa taong hindi kilala. "Pakasalan mo ak...