Prologue

57.3K 2K 1.5K
                                    


-

Naalimpungatan ako dahil sa mga malambot na bagay na nakadampi sa magkabilang pisngi at kamay ko. Nakikiliti ako sa nangyayari kaya nagmulat na ako ng mga mata.

Biglang nanlaki ang mga mata ko at kaagad na napabangon saka gapang paatras nang makita ang apat na babaeng nakapalibot sa akin.

Sa sobrang kaba at pagmamadali ko'y nahulog ako sa kama. Sino ang hindi kakabahan kapag nakita mo silang apat na naka bra at panties lang?

"Kris!" sabay na tawag nila pagkahulog.

"A-Aray, masakit ang ulo ko." sambit ko pagkatapos himasin ang likod ko.

"Baby, are you okay?"

"Babe, you look so pale."

"Are you sick honey?"

"Sweety, stop crawling back."

Sunod-sunod na salita nilang apat. T-Teka bakit ba nasa kwarto ko sila? Paano sila nakapasok kung locked naman ang pintuan ko?

"B-Bakit kayo nandito? Paano po kayo nakapasok?" ang lakas ng tibok ng puso ko dahil sa nakikita ko ngayon.

Hindi nila pinansin ang tanong ko bagkus ay nagtitigan lang silang apat panandalian bago muli akong hinarap at binigyan ng pilyang mga ngiti.

"B-Bata pa po ako, kung may binabalak kayo wag nyo na po balakin." sabi ko at muling nagpatuloy sa pag gapang palayo sa kanila.

"Baby, tinawagan ka namin ng ilang beses pero hindi mo sinasagot ang tawag kaya pinuntahan ka na namin." anong konek non sa paghuhubad nila?

"Maiintindihan ko naman po, pero b-bakit kayo nakahubad? nagising ako dahil sa mga halik nyo." sabi ko kasabay ang isang malalim na paglunok.

"We missed you so much honey, aren't you happy to see us?" masaya naman kaso nga lang bakit kasi nakahubad!

"Masaya naman po pero hindi sa ganitong sitwasyon, may balak yata kayo gangbangin ako." agad na sagot ko at natawa nalang sila dahil sa sinabi ko.

"Come here, we won't bite babe." scam yan!

Kaya mas lalo akong lumayo sa kanila.

"Stay right there, sweety!"

Nag unahan silang tumayo at nilapitan ako kaya nagmadali narin akong tumayo upang tumakbo palabas ng kwarto kaso pagpihit ko ayaw bumukas ng pintuan.

"Kris,"

Lihim nalang ako napalunok at mura sa aking sarili bago dahan-dahan na hinarap sila. Napasinghap nalang ako dahil kaagad nila ako inambagan ng mahigpit na yakap at hirap sa paghinga.

"T-Tulong!"

Sila yata papatay sa akin jusko.

"Kris Cadell!"

Biglang nawala sa paningin ko ang apat na babaeng nakahubad at kaharap ngayon ang apat na abala sa kanilang mga kape at laptops.

"Stop daydreaming, jesus!" sabi ni professor sa akin at binigyan ako ng meryenda.

Panaginip?

Isa-isa ko silang pinagmasdan at totoo nga, panaginip lang ang lahat kaya nakahinga ako ng maluwag.

"Baby, what's wrong? puyat ka ba at kahit kasama mo kaming apat tinutulugan mo lang?" puyat ako kasi midterm na!

Sinundo nga pala nila ako kanina sa boarding house ko at dinala dito sa isang sikat na restaurant. Required ba na apat ang susundo?

"Pasensya na po at puyat lang, malapit na kasi midterm at kailangan ko mag focus." sabi ko at nagpasalamat sa kapeng ibinigay ng waiter.

"Not because of other girls?" biglang tanong ni miss model.

ᴘᴏʟʏᴀᴍᴏʀʏ : ꜰᴏᴜʀ ᴡɪᴠᴇꜱ | ᴋʀɪꜱ ᴀꜱᴛᴏʀ ᴄᴀᴅᴇʟʟ Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt