CHAPTER 4

31K 1.6K 1.7K
                                    


-

Isang linggo ang nakalipas matapos ang ganap sa restaurant. Lahat ginawa ko maiwasan lang sila at hindi makita liban nalang kay miss Kate, yung professor ko.

Naging successful din ang operasyon ng aking kapatid na ngayon nagpapagaling sa hospital. Kailangan ko parin ng pera para sa gamot kaya tuloy parin ako sa mga sidelines ko.

Sabado ngayon, bagong sideline sa isang lesfem bar na puro babae lang ang tanging makakapasok. Si Rhea ang nag alok sa akin kasi kulang daw sila ng mga tao, isa rin to sa trabaho nya kaya nagulat ako nang malaman na may ganitong bar pala sa lugar namin.

So far naging tahimik naman ang buong linggo ko, siguro sumuko na sila kaya payapa na ulit ang buhay ko.

Ngayon lang ako nakakita ng mga babae na naghalikan. Hindi naman ako nakaramdam ng pandidiri bagkus ay naging curious pa ako kung ano ang pakiramdam kapag nahalikan mo ang isang tulad mo na babae.

"Kris!" tawag ni Rhea sa akin, tapos na ba break ko?

"Rhea, bakit?"

"Pinapatawag ka ni boss," boss? bakit ako pinapatawag? may nagawa ba akong pagkakamali?

"Dali na, kanina ka pa nya hinahanap kaya puntahan mo na." kahit kinakabahan naglakad na ako patungo kung saan ang aming boss na babae.

"Ma'am, pinapatawag nyo raw ako?"

"Kris, pwede ka na mag out." sabi na ikinapagtataka ko. Wala pa akong tatlong oras na nagsisimula pero tapos na trabaho ko?

"Eh, mamaya pa po 11 ang out ko bossing?" tanong ko.

"Basta, sila na ang bahala sa trabaho mo. Pumunta ka sa vip section, room 11." sabi nito.

Kung hindi ko lang talaga kailangan ng pera ay hindi talaga ako susunod sa sinabi nya.

"Sige po,"

Naalala ko ang sinabi ni Rhea na kapag natipuhan ka ng customer ay iti-table ka nila. Ito na siguro yung sinasabi nya kaya ako pinatawag ni boss.

Nagbihis muna ako bago umakyat sa second floor at nagtungo sa vip section.

Ano nga ulit yung number?

12?

Tanong ko sa aking sarili habang naglalakad at hinanap ang room 12.

"Ito na yata?"

Inayos ko muna ang gusot na damit bago magpasya na kumatok. Pagpihit ko sa pinto at silip ay wala akong makita dahil sa madilim ito at nakapatay ang ilaw.

"Walang tao? Akala ko ba pinatawag ako?" bulong ko sa aking sarili at isasara na sana ito kaso biglang tuluyan bumukas ang pinto at naramdaman ko nalang na may humila sa akin papasok ng madilim na silid.

"T-Teka po" sabi ko, kinakapa ang sahig dahil sa natisod ako at napaluhod.

Yung tibok ng puso ko nagsimula na bumilis, paano kapag nadakip ako ng sindikato?

Kahit madilim napalinga-linga ako matapos maramdaman ang mga kamay na inipit ang braso ko sa sahig.

"Sandali lang naman! Ano ba ang kailangan nyo? Nag tatrabaho ako ng maayos, ano po ba ang gusto nyo sa akin?" mas lalo pa dumiin ang ginawa nila pati mga binti ko may nakahawak na.

"Jusko po, may balak ba kayo ipako ako sa krus?!" sigaw ko.

Gusto ko sumigaw pero ang sabi soundproof ang bawat silid kaya hindi ko na inaksaya ang laway ko.

"Maawa na kayo, kahit ano po gagawin ko wag nyo lang ako saktan. Ako lang inaasahan ng pamilya ko," naiiyak na ako sa sobrang dilim at takot, may phobia pa naman ako sa madilim.

ᴘᴏʟʏᴀᴍᴏʀʏ : ꜰᴏᴜʀ ᴡɪᴠᴇꜱ | ᴋʀɪꜱ ᴀꜱᴛᴏʀ ᴄᴀᴅᴇʟʟ Место, где живут истории. Откройте их для себя