-Sa isang pribadong swimming pool sa isang hotel, lumalangoy si Arleth habang si Thalia naman ay nakaupo sa gilid, nilalaro ang kanyang mga paa sa tubig.
"Bitch, anong problema mo? Bakit ganyan ang itsura mo?" Tanong ni Arleth habang lumalapit sa kanya.
"What do you mean?" Kunot-noong sagot ni Thalia.
"Ilang araw ko nang napapansing iniiwasan mo si Kris. Anong meron sa inyo? Nag-away ba kayo? Bakit parang hindi na kayo nagkikibuan?" Sunod na tanong ni Arleth.
Umiling si Thalia bago kinuha ang baso ng alak at iniabot ang isa kay Arleth. "Nothing. Hindi kami nag-away, at mukhang mas silang dalawa ni Kate ang may problema. Huwag mo akong masyadong isipin, pagod lang ako sa trabaho. Ngayon lang ulit ako nagkaroon ng breaktime, kaya gusto ko lang mag-relax." Pagkasabi noon ay uminom siya ng alak at pumikit sandali, ninanamnam ang tahimik na gabi.
Magsasalita sana si Arleth nang bigla siyang natigilan, napako ang tingin niya sa isang babaeng pumasok sa pribadong pool area-isang lugar na dapat ay eksklusibo lang sa kanila ni Thalia.
Napansin ni Thalia ang pagbabago sa ekspresyon ni Arleth kaya agad niyang sinundan ang direksyon ng tingin nito. Nanlaki ang kanyang mga mata nang makita kung sino ang bagong dating-si Kcee, ang babaeng hindi niya inaasahang makikita rito... ang babaeng humalik sa kanya noong lasing ito.
"What the hell is she doing here? Akala ko ba pina-reserve mo 'to para sa atin? Alam mong ayaw kong may ibang tao." Mataray na tanong ni Arleth at bakas sa boses ang inis.
Napatingin si Thalia sa kanya at agad umiling. "Bakit ako ang tinatanong mo? Wala akong alam, okay? Malinaw ang utos ko kay Claire na dapat walang ibang tao liban sa atin." Sagot niya, halatang iritado rin.
Natahimik ang dalawa, tila biglang nawala ang kanilang tapang at matatalas na dila nang makita si Kcee na dahan-dahang hinubad ang suot na robe. Tumambad sa kanila ang maputi, makinis, at kaakit-akit nitong katawan na tila sinilawan ng ilaw ng langit sa kinis at hubog.
Napansin ni Kcee ang mga tingin nila, kaya't bahagyang ngumisi at sinipat sila isa-isa, punong-puno ng kumpiyansa. Agad namang iniwas ng dalawa ang kanilang mga mata-ang isa ay napatingin sa hawak niyang baso, ang isa nama'y inubos ang alak na hawak. Pero hindi maikakaila ang pulang namumuo sa kanilang mga pisngi.
Lalong lumalim ang ngiti ni Kcee habang unti-unting lumapit sa kanila. Ramdam na ramdam ang tensyon, para bang unti-unting nagiging makapal ang hangin sa pagitan nila.
"Oh, hindi ko alam na may ibang tao pala rito?" Salita ni Kcee, sapat lang para marinig nila. "Nagkita na naman tayo, right?" Mapanukso niyang ngiti sa dalawa.
Hindi makasagot ang dalawa at nagkatinginan sa isa't-isa.
Lumapit pa si Kcee, halos ilang pulgada na lang ang agwat. "Huwag kayong kabahan, hindi ko naman kayo lalapain... unless gusto niyo?" Dagdag niya saka umikot palayo na parang walang nangyari.
"What the hell was that? Why did she approach like that? And why did you suddenly go quiet? Where's that warfreak side of you now?" Kunot noong tanong ni Thalia kay Arleth habang naka krus ang mga braso.
"Stop it. Like I was the only one who froze? Look at yourself-you were practically gawking at her body. Don't tell me... you've been fantasizing about her?" Taas kilay na balik ni Arleth, hindi nagpapatalo.
"Pwede ba? Hindi ito oras para magbangayan tayo. Bakit hindi mo na lang siya lapitan at paalisin?" Sabay irap ni Thalia.
"Huh? Ako pa talaga? Bakit hindi ikaw? Go ahead, diba trip mo mga gano'ng aura?" Ganting sagot ni Arleth sabay taas ng isang kilay.
