CHAPTER 14

29.4K 1.6K 2.4K
                                    


-

Kris Cadell
I'm sorry na po, galit ka pa rin ba?

Arleth Jenkins
Yes and Yes.

Napabuga nalang ako ng malalim na hininga matapos mabasa ang sagot nya. Hindi pa rin ba kami bati pagkatapos ko ibigay ang peace offering sa kanya? Hindi pa rin ba ito sapat upang patawarin ako?

Apat na araw na ang nagdaan, akala ko sa kanilang apat sa kanya ako agad magiging okay na pero kabaliktaran ang nangyari.

Ang hirap ni Jenkins suyuin.

Nadagdagan kasi yung tampo dahil nakita nya ang marka na nilagay ni miss Turner, bigla ko sya nakasalubong sa hagdan kaya ayun galit na naman sya. Hindi lang yun dahil narinig nya rin ang pagtawag ko ng honey nong naghuhugas ako ng pinggan, hays.

"Hays, mukhang isa lang ang paraan."

Kris Cadell
Sweety, sorry na po. ☺️

Agad niya itong na seen at ngayon typing na. Naghintay ako pero nawala yung typing tapos bigla ulit lumitaw. Mga sampung minuto ko na tinititigan tong conversation namin dahil hinihintay ko sya matapos pero hanggang ngayon typing pa rin ito.

Arleth Jenkins
K.

"Jusko, sampung minuto nya pinag isipan ang isang letra?" malalim na buntong hininga ang pinakawalan ko.

"Cadell." nakapasok na pala sya ng kotse, hindi ko man lang namalayan.

"Nandito ka na po pala ma'am, hindi kita napansin."

"Paano mo ako mapapansin kung sa phone mo lahat ng atensyon?" sumakto ang pag ikot ng kanyang mga mata paglingon ko sa kanya.

Sabado ngayon at isang subject lang meron ako. Nagpasama sya sa akin dahil may kikitain na naman syang tao, hindi ko alam kung sino pero gusto nya isama ako.

"Miss K—"

"Baby." una nya ibinaling ang ulo bago ang pamatay tingin nito.

Napahilot ako ng aking noo habang nakapikit ang mga mata. Hindi pa nga ako sanay sa honey tapos ngayon may baby. Paano nalang kaya kapag narinig na naman ni Jenkins yan. Magwawala na talaga yun ng tuluyan.

Subukan ko nalang ulit kausapin sya mamaya. Malapit na rin ang birthday ko kaya sana magkaayos na kami bago pa mag 12.

"Saan po pala tayo mi–b-baby?" dapat sanayin ko na sarili ko e, nag practice pa ako paulit-ulit kagabi bago matulog pero tameme pa rin talaga kapag kaharap ko sila.

"E.K" awtomatiko ako lumingon. E.K? Enchanted Kingdom ba ang tinutukoy nya?

"Enchanted kingdom?" tumango ito baho pinaandar ang sasakyan.

"Have you been there?" umiling ako, namamahalan kasi ako sa rides do'n kaya imbes sayangin ang pera iniipon ko nalang para may maipadala.

"Pero akala ko po may kikitain kayong tao?" favorite niya siguro si Taylor, puro kanta nya kasi ang lagi ko naririnig sa tuwing sumasakay sa kanya.

"Yes, bago tayo pumunta ng EK." kaya pala gusto nya ako isama kasi mag E-EK kami.

"You look excited."

"Ou naman, sa mga movies ko lang kasi napanood ang mga ganun. Meron ba do'n yung ano miss—baby, yung malaking barko na lumilipad—ay yung basta… hindi ko alam ang tawag pero gusto ko subukan yun. Tapos may motorcycle rollercoaster ba? Ang ganda no'n, pangarap ko lang dati pero ngayon mapupuntahan ko na." hindi ko maitago ang excitement na nadarama pero mas maganda kung magkasama kaming lahat, sa susunod na lang sila total busy mga babae na yun.

ᴘᴏʟʏᴀᴍᴏʀʏ : ꜰᴏᴜʀ ᴡɪᴠᴇꜱ | ᴋʀɪꜱ ᴀꜱᴛᴏʀ ᴄᴀᴅᴇʟʟ Where stories live. Discover now