CHAPTER 13

32.8K 1.6K 2.2K
                                    


-

"Binigyan ko kayo ng isang linggo to prepare your reports! Pinag aralan nyo ba ng mabuti ang topic ninyo?! Ni hindi n'yo maintindihan ang problemang napakadali solusyonan!" sigaw ng pinaka terror naming guro sa accounting.

"You just need to find the total amount of fixed costs, hindi nyo magawa?!" naaawa ako sa mga kaklase ko na pinapagalitan sa gitna.

"Cadell! What is the total amount of fixed costs?!" tanong nito sa akin ang hindi masagot ng reporters.

"60,000 po." agad na sagot ko.

"Show them the solution." bakit ako na naman ang tinawag nya, sa dami namin dito ako nalang palagi.

Agad akong tumungo sa harap at nagsimulang magsulat.

"If the break even point is at 5000 units and the price per unit is $30 then break even sales = 150,000. Contribution margin is 40% applied to the sales number = $60,000. Break even means zero profits therefore Fixed cost must be 60,000…" pagpapaliwanag ko habang sinasagutan ang problema. Hindi rin ako sigurado kung tama ba tong solution ko basta ay ginagawa ko lang kung ano ang naintindihan ko.

"150,000 x .40 = 60,000. Fixed Cost 60,000. Net Income 00000 or break even—"

"Enough, go back to your seat." kaya agad akong bumalik sa aking upuan.

"Sinasayang nyo lang ang perang pinapaaral ng magulang ninyo! mga walang utak." hindi ko nagustuhan ang sinabi ni ma'am at nakita ang pagpatak ng mga luha ng kaklase kong reporters.

Huminga ako ng malalim bago tumayo at nilingon si ma'am na nasa likuran.

"Ma'am, I guess that's below the belt na po. Wag nyo po itulad ang mindset namin sa inyo na guro. Ahead po kayo, professor at marami ng alam kumpara sa amin na estudyante pa lang at marami pang kailangan matutunan. Kaya nga po kayo nagturo upang maturuan kaming mga walang alam. Okay lang naman kung pagalitan ninyo sila kasi normal lang yun para ma motivate at magsikap ang students pero sana wag naman po insultuhin. Advance po kayo kumpara sa amin, kumbaga papunta pa lang kami pabalik na kayo." nahimasmasan ako bigla dahil sa paghatak ni Gwen ng braso ko paupo.

"Babae, bakit sinagot mo si ma'am ng ganyan pero proud ako sayo, ikaw lang nakagawa nyan." bulong nito.

Ang awkward ng pakiramdam ko, paano ko nagawa pagsalitaan si ma'am ng ganun? Paano kapag dahil sa ginawa ko mapahamak ang grades ko?

Paulit-ulit akong nanalangin na sana tumunog na ang bell at makalipas ang ilang segundo ay agad natupad ang aking dasal.

Hindi na nagpaalam si ma'am, agad nito kinuha ang mga gamit at lumabas ng classroom.

"Grabe ka Kris! Salamat naman at may isang matapang na tanga ang lakas loob pag salitaan si ma'am ng ganun." mukhang proud pa si Quid sa ginawa ko samantalang ako kinakabahan na dito.

Yung ibang mga classmates ko rin nagpasalamat sa akin, problema talaga ng block namin si ma'am lalo na at madalas njto insultuhin ang klase.

Nagpasalamat din sa akin yung reportors kong classmates kahit wala naman dapat ipagpasalamat sa akin. Kinakabahan talaga ako, bakit ko ba ginawa yun.

"Nandito ba si Kris?" isang babae na taga kabilang block ang biglang tinawag ang pangalan ko mula sa pinto.

"Nandito, bakit?" tanong ni Gwen.

"Pinatawag ka ng dean." pagbigkas nito ng dean ay halos sumabog puso ko sa kaba. Dahil ba ito sa ginawa kong pagsagot kanina?

"Patay ka ngayon Kris, siguro dahil kanina sa sinabi mo kay ma'am." pananakot ni Genevieve.

ᴘᴏʟʏᴀᴍᴏʀʏ : ꜰᴏᴜʀ ᴡɪᴠᴇꜱ | ᴋʀɪꜱ ᴀꜱᴛᴏʀ ᴄᴀᴅᴇʟʟ Where stories live. Discover now