A/N: Hi everyone! Just a quick reminder please, no spoilers in the comments. I don't know if I'm the one who's missing something or if some readers are just having a hard time understanding, but it's getting really tiring to constantly remind everyone. I've had to block so many accounts already, and honestly, it's frustrating. Let's all try to be a bit more mindful and respectful. Thanks!-
Maaga akong nagising o baka mas tama sabihing hindi talaga ako nakatulog. Magdamag kong iniisip ang gumugulo sa aking isipan. Alas-singko pa lang ng umaga, pero narito na ako sa labas ng kwarto ni Olivia. Hindi ko na maalala kung kailan kami huling magkatabi sa pagtulog... Sobrang miss ko na siya.
Huminga ako ng malalim bago kumatok sa kanyang pinto. Naghintay ako ng ilang minuto, at nang walang tugon ay tuluyan ko na itong binuksan. Laking gulat ko nang makita ang loob ng kwarto na malinis, maayos, walang bakas ng kahit anong ginamit. Tiningnan ko ang kama at base sa ayos nito, halatang hindi siya rito natulog kagabi.
"Umalis ba siya ulit?" Mahina kong tanong sa sarili at agad kong kinuha ang cellphone para tawagan siya.
Nag-ring agad ang tawag, pero ilang beses pa bago niya tuluyang sinagot.
"Hon, nasaan ka? Hindi ka ba rito sa bahay natulog?" Diretsong tanong ko.
"No. I left last night, there was an emergency at the office. I didn't say goodbye because you were already asleep." Paliwanag niya tila ba kaswal lang ang lahat.
"I see... Kumain ka mamaya, ha? Hindi ka na kumain kagabi." Paalala ko, pilit inaabot ang dating lambing sa pagitan namin.
"I will. Thank you." Maikling sagot niya, at bago pa ako makapagsalita muli ay bigla na lang naputol ang tawag.
Napabuntong-hininga ako, napailing. Gano'n na ba talaga siya ka-busy? Kahit kaunting oras ay hindi na niya maibigay?
Lalabas na sana ako ng kwarto nang biglang may pumasok na notification mula sa aking Gmail. Kumunot ang noo ko, curious kung ano 'yun kaya agad ko itong binuksan.
Halos manginig ang buo kong katawan nang makita ang laman ng email. Isang litrato-si Olivia, kasama ang isang babae. Magkasama sila papasok sa isang suite. Hindi ko kita ang mukha ng babae dahil nakatalikod ito sa camera, pero hindi ako nagkakamali... kagabi 'yun kinunan.
Nanlamig ako. Hindi ko alam kung anong dapat maramdaman. Galit? Lungkot? Takot? Pinili kong huminga ng malalim, pilit kinakalma ang sarili. Hindi ako dapat magpadala sa bugso ng damdamin.
Tinitigan ko ang litrato sa screen. Paulit-ulit. Parang binubura ko sa isip ko ang posibilidad na may mali... na baka may ibang paliwanag. Pero sa bawat segundo, mas lalo lang akong kinain ng sakit at kaba. Umupo ako sa gilid ng kama, mariing pinisil ang cellphone na parang kusa na lang bibigay ang lahat ng hinahawakan ko... pati tiwala.
Dahan-dahan kong sinave ang litrato. Hindi pa ako sigurado kung anong gagawin ko, pero alam kong kailangan kong malaman ang totoo. Hindi ako pwedeng basta-basta magtanong. Kilala ko si Olivia at mabilis siyang umiwas kapag nahuhuli. Kailangan ko ng pruweba... ng sagot.
Pagbaba ko ay wala pa ring katao-tao. Tahimik. Tahimik na parang sinisigaw ang bigat sa dibdib ko. Pumunta ako sa kusina, nagtimpla ng kape, at habang pinagmamasdan ang umuusok nitong ibabaw, hindi ko napigilan ang sarili kong mapaluha. Hindi ko alam kung dahil ba sa selos, sa sakit, o sa takot na baka tama ang hinala ko. Pero isa lang ang malinaw... may kailangang harapin at hindi ko na kayang magbulag-bulagan pa.
