CHAPTER 3

34.5K 1.6K 3.2K
                                    


-

"Kris! may delivery man na naman na naghahanap sa'yo. Ikatatlo na yan, ano ba ang laman ng mga kahon na yan?" ipinikit ko ang aking mga mata. Kanina pa kasi may pabalik-balik na kumakatok at hinahanap ako. Wala naman akong inorder na kahit ano, wala nga akong pera kahit piso.

"Hindi ko pa nabubuksan dahil inaalala ko ang sinabi ni nanay kagabi. Saan ako maghahanap ng malaking pera ngayon Rhea? Kailangan na operahan ang kapatid ko sa susunod na araw," naiiyak kong saad.

Nagulat nalang kasi ako nong tumawag ako kahapon kay nanay, tinanong ko kung may nangyari at ang sabi isinugod ang kapatid ko sa hospital. May appendicitis sya at kailangan na itong operahan sa linggong ito.

Natatakot ako sa kapatid ko kasi ang hospital ayaw pumayag na operahan ang kapatid ko hanggat wala kaming down payment sa operasyon. Sobrang delikado kapag hindi naagapan dahil baka ikamatay pa ng bunso kong kapatid.

"Saan ako maghahanap? Kukulangin pa rin naman ang allowance na matatanggap ko, kahit siguro ibenta ko ang katawan kulang pa rin. Saan ako maghahanap ng 160K?" dagdag ko kasabay ang pagpahid ng mga luha.

Niyakap nya ako ng mahigpit at hinaplos ang aking likuran.

"Shh tahan na Kris, tutulungan kita makahanap. May ipon naman ako, hindi ganun kalaki pero sapat na rin yun pandagdag para sa operasyon." umiling at pilit na ngumiti. Nagpapasalamat ako pero kailangan nya rin ang perang pinaghirapan mya.

"Kailangan mo rin yan Rhea para sa pamilya mo. Kahit siguro illegal activities gagawin ko para lang makakuha agad ng sapat na pera para sa kapatid ko." napasigaw ako sa sakit matapos nya hampasin ang ulo ko gamit ang tabo.

"Rhea naman, hindi pa nga ako tuluyan gumagaling sinasaktan mo pa." maktol kong salita.

"Aba Kris, subukan mo gumawa ng masama at ako mismo ang magpapadampot sayo sa mga pulis!" nagbibiro lang naman ako para gumaan kahit panandalian ang pakiramdam.

Hindi pa man nagtatagal may kumatok na naman sa labas ng pintuan kaya ako na mismo ang nagbukas.

"Ano po yun?" tanong ko pagbukas ng pintuan.

"Kris Cadell po miss?" tanong nito.

"Ako po, bakit?"

"Paki perma nalang po para ma receive nyo na ang item nyo." sabi nya kaya nagtaka ako.

"Kuya, wala naman po akong inorder sa shopee," naguguluhan na sagot ko.

"Hindi po ito shopee, bayad na po at perma nalang ang kailangan mo." bayad na? Naguguluhan man ay sumunod na lang din ako kasi sabi bayad na, sayang din naman kung hindi ko tatanggapin.

Umalis din ito kaagad at hindi ko pa nga naisasarado ang pinto may dumating na namang panibago. Ano bang meron dinadagsa ako ng mga delivery man ngayon? Lahat ng item na umabot sa akin ay bayad na raw.

"Tumae lang ako dalawang box na agad ang dumating sayo?" napatingin ako kay Rhea, ang bilis naman nya tumae.

"Ou may biglang dumating na naman kasi," nagtungo ako sa maliit na lamesa kung saan ko nilagay ang dalawang nauna kanina.

"Hoy baka bomba yan ha," natigil ako at kabadong tinignan sya at bigla itong tumawa.

"Nagbibiro lang ako Kris, ang bilis mo talaga matakot. Sige na buksan mo para matingnan ang nilalaman ng mga kahon na yan." tumango ako at una binuksan ang unang dumating kanina.

Alam ko naman nagbibiro lang si Rhea pero dinahan dahan ko ang pagbubukas dahil baka talaga bomba. Wala naman akong relatives dito sa syudad para padalhan ako ng mga kung ano.

ᴘᴏʟʏᴀᴍᴏʀʏ : ꜰᴏᴜʀ ᴡɪᴠᴇꜱ | ᴋʀɪꜱ ᴀꜱᴛᴏʀ ᴄᴀᴅᴇʟʟ Där berättelser lever. Upptäck nu