CHAPTER 25

32.5K 1.7K 3.8K
                                    


AN: aatat nyo, sarap nyo sakmalin sa noo. 🙂

-

Patungo ako ngayon sa office ni Olivia upang sunduin sya at mag dinner sa labas. Isang linggo ang nakalipas ng isapubliko nya ang relasyon naming dalawa sa opening ng isla.

Natawa nalang ako lalo na sa reaksyon ng kambal ko nang makita kung paano siya kabahan. Hindi na rin ito pumasok sa kumpanya at inaasahan ko na talagang mangyayari yun.

Paglabas ko palang ng elevator may nakita na akong kausap ni Eve sa secretary desk nya. Himala nalampasan nya ang ugali ng boss at nagtagal sya. Pamilyar ang babae, sa tingin ko nakita ko na sya noon. Kung hindi ako nagkakamali ay pareho kami ng paaralang pinasukan noon.

"Good evening." sabay silang napalingon sa pagbati ko sa kanila.

"Good evening ma'am, may bisita pa po si boss na kausap sa loob." magalang na sagot nito, hindi nya nga pala ako kilala ngayon.

"Ikaw si Kcee, diba?" napatitig ako sa kanya ng matagal dahil pilit kong inaalala ang kanyang pangalan.

Tumango nalang ako bilang tugon. "Iris, Iris Albrecht Ponferrada." pakilala nito sa akin at lahad ng kanyang kamay. Ah, naaalala ko na, sya yung isang member ng council noon.

Nakipagkamay ako sa kanya at ngumiti. "Kcee Arnault." pakilala ko.

"Luh, related ba kayo ni Cindy?" tanong nyang muli kaya tumango ako.

"Pinsan ko." pinsan ko sa pamilyang Arnault.

Anong ginagawa nya ngayon dito?

"Si Olivia ba ang pakay mo–" nagulat ako sa bigla nyang pag akbay sa anin na parang tropa lang kung makakilos.

"Balita ko kayo ni Olivia? akala ko patay na patay sya kay Cadell tapos malalaman ko may iba na. Anong gayuma gamit mo?" bulong nya sa aking tenga at paglingon ko sa kanya ay nagtaas baba pa sya ng mga kilay habang nakangisi. Anong pinagsasabi nyang gayuma?

"Kagandahan ko." diretsong sagot ko dahilan upang humagalpak sya ng tawa.

"Pft HAHAHAHAHAHAHAHAHAAHAHA." hindi kami close pero kung makahampas sa likod ko parang nananampal lang.

Ikinulong nya ang leeg ko sa isa nyang braso at mas idinikit sa kanya habang ngumingisi. "Actually, kilala kita." nanlaki ang mata ko sa kanyang sinabi.

"Ou, tinawag mo nga akong Kcee?" sagot ko.

"HAHAHAHAHAHA ou tama, pero kilala kita sa totoong buhay." awang ang labi kong napatitig sa kanya, paano niya nalaman?

"Paano mo na–"

Biglang bumukas ang pinto ni Olivia at lumabas ang dalawang magandang dilag ngunit sabay nagtaas ang mga kilay nilang dalawa nang makita ang ginagawa nitong katabi ko na yakap ako sa leeg.

Pero kilala ko ang babaeng kasama nya.

"Ops." agad nya akong binitawan at ako naman lumayo sa kanya dahil masama ang tingin ni Olivia.

Agad siyang lumapit sa babaeng kasama ni Olivia, "Uno, tapos na kayo–aray aray!" kawawa naman at piningot sa tenga, mukhang masakit pa naman.

"Why are you still flirting with someone if you are already married to me? Really? in front of me?" buti nalang hindi nananakit si Olivia sa akin.

Kasal sila? Sabagay at sino ba naman ako upang magulat kung ako nga college pa lang noon kinasal din sa apat.

Agad akong lumapit sa kanya at binigyan ng halik sa kanyang pisngi para hindi na sya mag selos o kung ano man ang nararamdaman ngayon.

ᴘᴏʟʏᴀᴍᴏʀʏ : ꜰᴏᴜʀ ᴡɪᴠᴇꜱ | ᴋʀɪꜱ ᴀꜱᴛᴏʀ ᴄᴀᴅᴇʟʟ Where stories live. Discover now