17장: I'm Getting Closer to My Dream

13 1 2
                                        


Nagpalit-palit muli ang iba't-ibang season ng makailang ulit. Halos di ko na naramdaman kung gaano kabilis ang paglipas ng panahon dahil na rin sa sobrang busy ko sa trabaho. I almost lost count in the remaining months of my stay here in Korea. Ginugol ko nang husto ang mga huling nalalabing buwan ko sa Korea sa paghahanda ko sa pagbalik ko ng Pilipinas bago matapos ang kontrata ko.

Hindi ko ma-contain ang sayang nararamdaman ko habang pinagmamasdan ko ang mga naka-imprenta sa mga passbook ko. At the same time, sabik na sabik na kong i-pull out ang naka-time deposit at ang regular na savings account ko sa banko. Nagbunga talaga ang sakripisyo at paghihirap ko dito sa Korea bilang isang OFW. I can't wait to go back home soon.

"Pillipine doraomyon mwo hal konya? (What will you do when you come back to the Philippines?) What will you do after Korea?" Mister Jeong asked me in a not so usual serious tone of voice.

At ang nakakabilib sa kanya, over the years nag-improve talaga ang English language niya ngayon dahil siningit talaga niya ang pag-aaral nito pati na rin daw ang wikang Filipino. He really seems fond of Philippine language and culture. To the point na gusto rin niya talagang makapunta ng Pinas one day. Nakakatuwa lang na may kilala akong Koreano na gustong maging Pinoy.

Ngayon, balik tayo sa katanungan niya. Sa katunayan, ang tanong na yan ang naging cause ng ilang sleepless nights ko lately. Hindi ko pa rin alam kung ano ang plano ko talaga. Oo nga, planong magnegosyo pag-uwi ko - pero hindi ko sigurado kung anong klaseng negosyo ang tatahakin ko. Let's say... may konting background at knowledge ako sa pagbi-business - pero hindi sapat ang experience na meron ako sa pagtitinda namin ng lutong ulam ni mama.

"To be honest, I want to put a business but I don't know yet what kind of business." Malungkot na pahayag ko. Nakita kong kumislap ang ngipin niya nang ngumiti siya nang nakakaloko sa harapan ko. Grabe siya, ako na nga ang halos mabaliw na sa kakaisip dito, tinatawanan pa niya ako.

"Keureom munje isseo. That was a big pu-rob-lem! (problem)" Sabi niya habang pinapatunog ang kanyang dila na dismayado ang mukha. "Jega ad-ba-i-seu julke. (I will give you a piece of advice)." dugtong niya na medyo na-curious pa ako at hindi na mahintay ang kanyang sasabihin.

"What advice Mister Jeong?" I asked intently.

Nakita kong pinatong niya ang kanang kamay sa ibabaw ng kanyang kaliwang dibdib, saka nag-salita. "Isagani, follow your heart." Sunod naman niyang itinaas ang kanyang kamay at itinuro ang kanyang kanang sentido. "Think of something... you enjoy the most. Your yeoljong (passion). Pa-ssi-yon. Don't follow the money, but let the money follow you." pahabol niya na para bang isinaulo na ang kanyang sasabihin.

Pansamantala akong natameme sa isang iglap at pinagmasdan ko siya ng maigi habang nakailang pagkurap.

"Aissh, jinjja inglishi nomo himdoro. (Arg! Speaking English is really hard)" side comment agad niya sa nasabi niya. "Do you understand? Sorry, my English is bad." Sabay takip sa bibig na parang biglang nahiya sa harapan ko.

"Aniyo! Mister Jeong yongo hwanjeon jal-haeyo. (No, Your English is really good)" mabilis na sagot ko sabay kaway ng dalawang kamay bago siya madismaya. "I understand what you said." Then I smiled at him.

He nodded twice. "Araso. Then, think carefully. Cheoncheonhi saegak haebwa. (Think slowly.)"

Totoong na-gets ko ang pagsasalita niya ng English, pero ang hindi ko maintindihan ang ibig niyang sabihin sa huling statement niya. Sundin ko ang kung anong nasa puso ko. Umisip ng bagay na talagang nag-e-enjoy akong gawin, tama ba? My passion in life. Paano naman yung 'don't follow the money, but let the money follow you'? What's that means? Hindi ko alam kung pinagtitripan lang niya ako, o seryoso talaga siya dito? Sobrang na-confused ako sa ibinigay niyang last advice.

OUR TIMELINE (우리의타임라인)Место, где живут истории. Откройте их для себя