The next day in Hang-Noy Restaurant, pagpasok palang namin sa lobby area itong si Mister Jeong ay hindi pa rin ako tinitigilan sa pang-aasar. Mula nang makita niya ako sa stockroom na nakakorteng hugis puso ang mga darili ko at narinig niya ang sinambit ko ay tila nag-assume na siya na may magandang nangyari sa akin kahapon. Kahit sinabi ko na sa kanya na ginagaya ko lang ang napanood kong eksena sa kdrama, ayaw pa rin niyang maniwala. Sinabi pa niyang nakita niyang nanggaling ang anak niya at si Gela sa stock room bago siya pumasok na sa tingin daw niya ay may kinalaman iyon kung bakit punong-puno ako ng galak nang datnan niya ko.
"You've probably found out the person who have cooked and prepared you a dakguk when you were sick yesterday, huh?" maintrigang tanong niya sa akin habang hindi mawala-wala ang mga ngisi sa kanyang mga labi.
Hindi ako sumagot. I purposely avoided his question which I'm sure is where this topic is going. Pero may pahabol pa siyang hirit na mas lalo akong hindi naging kumportable.
"May I know who that person was?" Nauna sa aming paglalakad ang mga kasamahan namin habang nasa aisle kami ng lobby. Nagsisisi tuloy ako nagpahuli pa ako at sumabay sa matandang Koreano. "Siya ba iyon?" dugtong pa niya na sinamahan niya ng pagnguso para ituro ang direksyon ng koreanang snorlax.
Napabuga ako ng hininga sa ginawa niya. "Chef, will you stop teasing me?" pagsusumamo ko habang nakakunot ang noo. Agad naman siyang nag-behave na parang batang napagalitan. Kinagat niya ang ilalim ng kanyang labi sabay angat ng mga balikat habang nakayuko. "Okay sige, aaminin ko. I didn't expect she will do those things for me. Until now, I don't understand what was that mean. By chance, may kinalaman ba kayo sa nangyari? Did you instruct her to do those things?" I told him cautiously while my gaze was tailing with the subject of our conversation.
"Oh-oh. Don't accuse me chef for the things which I don't even know." Depensa niya habang winawagay ang mga kamay. Mukhang nagsasabi naman siya ng totoo base sa ekspresyon ng mukha niya. Ibig sabihin ba nito kusang ginawa iyon ng koreanang snorlax at walang sino man ang nag-uutos sa kanya? "Hmmn... you didn't ask her why she did those things? I thought you already found out it was her? But anyway, I'm glad that you and my daughter are now getting along well. I hope this will continue going." Dagdag niya at saka binilisan ang paghakbang. Saglit akong natigilan sa sinabi niya at napaisip. Totoo ba iyon? May development ba sa aso't pusa namin turingan sa isa'-isa? Are we really getting along well now?
"Chef, this is for you!" nabalik naman ako mula sa pagmumuni-muni nang tawagin ako ng matanda na nandoon na pala malapit sa front counter area. Akala ko kung anong tinutukoy niya pero nang makita kong naka-finger heart sign ang dalawa niyang kamay habang nakatayo ang koreana doon sa workstation niya at tila naghahanda sa kanyang duty - hindi ko mapigilan mapapitlag sa gulat. Nailang tuloy ako dahil napatingin sa akin ang anak niya, kaya mabilis akong napaiwas ng tingin. "Hey, don't just stand there! Give me a response!" hirit pa niya na mas lalo kong naramdaman ang pag-init ng mukha ko.
Aisshhh! Bwisitin ba naman ako sa harapan pa ng anak niya.
Alam kong hindi ako titigilan ni Mister Jeong sa kakulitan niya, kaya para matapos na ay pinagbigyan ko na lang siya. Kinorte ko na rin ang mga darili ko sa isang kamay nang hindi ko siya tinatapunan ng mga tingin. Medyo na naiilang pa ako nang gawin ko iyon dahil ramdam ko pa rin ang mga mata ng koreana na nakamasid sa direksyon ko.
Pagbaling ko sa pwesto ng matanda para makita kung kuntento na siya sa ginawa ko, tila nanlaki ang mga mata ko at nanigas ang buong katawan sa hindi ko inaasahan nangyari. Wala na pala ang taong nakikipagbiruan sa akin sa spot niya - bagkus ang koreanang snorlax na lang ang nakita kong nakatayo na lang roon na nakalaglag ang panga. Mabilis ko tinago ang kamay ko sa likuran ko sabay tingin sa ibang direksyon.
YOU ARE READING
OUR TIMELINE (우리의타임라인)
RomanceIn a twist of fate, Isagani Manansala and Ha Yoon Jeong-two strangers from different worlds-cross paths in South Korea through a misunderstanding that sparks an unexpected connection. Years later, they meet again in the Philippines, both accomplishe...
