43장: Unexpected Visitor While I'm Sick

10 1 12
                                        


My eyes grew wider as I recognized the person who was caught off guard while leaning forward in front of me. Kapuna-puna ang nagulantang niyang reaksyon sa ginawa ko. Para siyang nakakita ng multo na hindi ko maintindihan. Gusto kong magsalita, pero walang boses na lumabas sa bibig ko.

"Ah... le-let me explain," her terrified voice is almost inaudible while our stares are intertwined with each other.

Gusto kong marinig ang paliwanag niya nang mabigyan ng sagot ang mga tanong na nasa utak ko. Pero hindi ko magawang magpokus habang pinagmamasdan ko ang mukha niya na halos kadangkal lang ang agwat namin sa isa't-isa. My lips suddenly parted when my eyes found her trembling lips. Tila nakaramdam ako ng pananabik na matikman ang mga labi niya. I can't help but my mind drifted away into my wild imagination. Ewan ko kung bakit may may imahe na nabuo sa isip na naghahalikan kami habang may sakit ako at nakahiga dito sa couch. I guess... I'm really in need of a kisspirin from her? Tsk!

Abruptly, I snapped back to reality. Then I gulped.

"I-it's not what you think. O-ouch!" daing niya nang maramdaman kong nakahawak pa pala ako ng sa palapulsuhan niya.

"O-oh... I'm so-sorry." I mumbled in hoarse voice and averted her gaze. Saka ko binitawan ang pagkakahawak ko sa kanya. Hindi niya maiwasang hapulisin ang nasaktan niyang palapulsuhan.

Sinubukan kong ibalik ang mga tingin ko sa kanya nang hindi sinasadyang muling nagtama ang mga mata namin. Mabilis niyang iniwasan ang mga titig ko na halatang sobrang na-conscious siya sa nangyari. Saka palang niya napagtanto na nakasalampak pa rin siya sa akin at sobrang lapit lang ng mukha niya sa akin.

She gathered her strength to stand up but all of a sudden, the light in the living room was totally blocked out. Marahil nawalan na naman ng kuryente kagaya ng nangyari kagabi. "A-aray ko." Ako naman ang dumaing ngayon nang makaramdam ako na parang may dumaganan sa bandang bahagi ng tiyan ko.

"O-oh my, I'm sorry. I couldn't see anything now. Why the emergency light didn't turn on?" Siya pala ang mabigat na dumaganan sa akin. Akala ko nakatayo na siya? Bakit bigla siyang dumikit sa akin? "Aisshhh! I hate the darkness. Why did I forgot my phone in my unit?" tuloy-tuloy pa rin siya sa pagrereklamo na parang may pinaghuhugutan.

Then, I realized that it was my fault why the emergency light didn't emit a light in the room. Pinindot ko pala ang buton nito para i-turn off dahil sa inis ko kahapon habang kausap ko si Gela sa phone. Ayan tuloy, wala kaming ilaw ngayon. Ang ganda na ng view kanina eh. Wrong timing naman ng brown out na ito!

"What are you doing at the top of my belly?" pag-uusisa ko nang hindi pa rin siya kumikilos sa pwesto niya at naramdaman kong nanatili siyang nakahawak sa ibabaw ng tiyan ko. Wala man akong makita sa paligid pero ramdam ko ang presensya niya sa tabi ko.

"I need to stay here for a while until the light returned." Rason niya na hindi ko alam kung siryoso siya o binibiro lang niya ako. "Where is your cellphone? Let me borrow it for flashlight purposes." dugtog pa niya na mahinahong nakikiusap.

Napangisi ako nang ma-gets ko na kung bakit ayaw niyang umalis sa tabi ko. She must be afraid in the dark. Kaya pala sinabi niya kanina na ayaw niya sa dilim. Why I didn't realize it sooner? Anyway, it's not too late. I can still take advantage of the situation, right? Tsk.

"Hmmn... I don't know where I put my phone." Matamlay na tugon ko habang pilyong nakangisi pa rin. Pakiramdam ko para akong antagonist sa isang movie habang nababalutan ng kadiliman ang paligid ko. Mabuti na lang hindi niya nakikita ang ekspresyon sa mukha ko ngayon. Kung hindi, baka nayari na naman ako sa babaeng ito. "I can't remember the exact place. I think I misplaced it somewhere." Pagsisinungaling ko, pero alam kong nasa ilalim lang siya ng sofa na hinihigaan ko. Doon ko lang iyon nilagay.

OUR TIMELINE (우리의타임라인)Where stories live. Discover now