Chapter 6 - Her Past

128 4 0
                                    

COURTNEY'S POV

"Gab/Courtney?" -Sabay naming naiusal ni Gab. Pero imbis na sa kanya ako mapatingin, napatingin ako sa babaeng kasama niya. And ang masasabi ko lang, ang ganda niya!

"Courtney?" -Gulat na nasabi nung babaeng kasama ni Gab. Sino siya? Yan ang gusto kong itanong kay Gab. Pero pakiramdam ko, wala naman akong karapatan. "You're Courtney?" -Malumanay na tanong saken ni girl. Kilala niya ako?

"Ye-yes. I'm Courtney. And you are?" -Nauutal kong tanong sa kanya. Bakit parang kinabahan ako sa sarili kong tanong? Dahil ba natatakot ako kung sino siya sa buhay ni Gab?

"I'm Sam, Samantha Kim, Gab's girlfriend. Nice to finally meet you." -Ihinaya niya ang kanyang kamay sa akin. Girlfriend? Siya ba ang dahilan Gab? Dahan-dahan naman akong napatingin kay Gab. Nakayuko lang siya at waring hindi makatingin sa akin. Binalik ko ang tingin ko kay Sam at inihaya ko din ang kamay ko sa kanya. "Gab told me so much about you."

"Wh-?" -Naputol naman ang sasabihin ko ng nagsalita si - Kurt? Kasama ko nga pala siya. Hindi ko man lang namalayan na katabi ko pala siya.

"Sorry. But we have to go. Hindi pa kasi kumakain si Courtney eh." -Napatingin naman ako sa kanya at binigyan siya ng isang nagtatakang expression. Nagulat naman ako ng tignan lang niya ako at binigyan ng blankong expression. Ano problema nito?

Binalik ko naman ang tingin ko kay Samantha at Gab. Nakatingin lang ng masama si Gab kay Kurt at parang naghahamon ang expression nito. Bakit ganyan ang tingin mo kay Kurt? Nagseselos ka ba sa kanya? Sabihin mo lang Gab. Para naman malaman ko talaga ang nasa isip mo.

"Sorry. Naabala pa ata namin kayo. And by the way, you are?" -Tanong naman ni Samantha kay Kurt.

"Kurt. Courtney's boyfriend." -Mahinahon ngunit may awtoridad sa tono ng boses niya. Ano? Boyfriend?

"Ano-" -Naputol naman ang pagsasalita ko ng akbayan niya ako.

"Sorry. But we really have to go. May class na rin kami maya-maya." -Tinignan ko muli siya at binigyan ng anong-sinasabi-mo look. Hindi naman nagbago ang blankong expression ng mukha niya simula kanina. "Let's go, Babe." -Hinawakan niya ang kamay ko at tuluyang umalis palayo kay Gab at Samantha.

Sinulyapan kong muli si Gab at nalungkot naman ako sa nakita ko. Inakbayan niya si Samantha at naglakad rin palayo na sa amin. Napayuko naman ako at inalis na ang tingin sa kanila. Bakit ganun? Napakasakit naman nito. Siya ba ang dahila kung bakit tayo nagkaganito, Gab? Sagutin mo naman ako. Mababaliw na ako sa kakahula ng bagay na dapat matagal ko ng kinalimutan.

"Are you okay?" -Bumalik ako sa reyalidad ng magsalitang muli si Kurt. "Do you want me to take you home instead?"

"No need. I'm okay. Let's go." Matamlay kong sagot sa kanya. Yes. I am okay. I'll be okay. Bulong ko sa isip ko.

--------------------
Sorry for the short update guys. Ang tagal hindi nakapagupdate. Sorry naman. Hehehe. Bawi ako sa inyo. Promise. :) Happy New Year everyone! :)

A Love to Eternity (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon