Chapter 14 - Grand Alumni Homecoming (Part 3)

107 5 0
                                    

KURT'S POV

Hindi ako makapaniwala na ganun pala talaga kami kasaya noon ni Courtney. Nagkamali ba ako nung nagdesisyon ako umalis? Pero bakit ang sabi niya sa speech niya kanina ay sa Paris siya nagtapos. Ibig sabihin umalis din siya?

Ang daming tanong ang pumapasok sa isipan ko ngayon. Gusto ko siya makausap. Pero paano?

Patuloy ang video presentation na pinapanood halos lahat ng batch mates namin. Napatingin naman ako sa pwesto nila Courtney. Napansin kong napaluha siya. Kung hindi ba kita iniwan noon, magiging tayo kaya? Ano kaya ang nangyari kung hindi ako umalis papuntang New York?

Mababaliw na ako sa kakaisip. Hindi ko kaagad napansin na natapos na yung video na pinapanood namin. Halos karamihan ng nasa loob ng event ay napapaluha sa mga napanood nila. Kahit ako ay naapektuhan. Nalungkot ako sa kinahinatnan ng friendship namin ni Courtney. Sayang talaga.

Umakyat muli ang Emcee para magsalita sa harap. Napansin ko din na medyo naapektuhan ito sa napanood niya.

"It is so fulfilling to see all of your faces while watching the video presentation a while ago. And so am I, I am a bit sad because I miss those days when we were still young and happy and free, right?"

"Yeees!" Sagot naman ng crowd. They have a point. Nakakamiss nga. Kasi ngayon, may kanya kanya na kaming responsibilidad.

"So, let us proceed to the next part of the programme. We have another special guest to give share his experiences to all of us. And you will be happy to know who this guest is. I'll give you a clue." Panimula muli ng Emcee. Don't tell me ako na ang sinasabi niya? Kinabahan ako bigla.

"He was the captain of the basketball team 2 years ago." Nakita ko naman ang expression ng mga tao. Mukhang alam na nilang ako yun. Nang tignan ko naman si Courtney, medyo halata ang pagkagulat niya. Alam kong alam na niya na ako yung sinasabi nung Emcee. "I guess you know who I am talking about. Okay folks, let us all welcome, the richest bachelor of his generation, the youngest bachelor in the world in terms of business, the President and CEO of Lopez Financial, our very own Mr. Kurt Nathan Lopez!" Bakas sa kanilang lahat ang pagkagulat. Lalo na si Courtney. At ng marinig ang pangalan ko, tumayo ako sa kinauupuan ko sa likod, at nagsimulang maglakad.

A Love to Eternity (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon