Chapter 25 - Jeju Island (Part 3)

91 2 0
                                    

COURTNEY'S POV

Nagising ako sa mainit na sinag ng araw na tumatama sa aking mukha. Kahit sobrang antok na antok pa ako ay pinilit kong bumangon dahil ayaw ko naman magsayang ng araw habang nandito kami sa Jeju.

Bumangon ako at kinusot kusot pa ang aking mata. Hinanap bigla ng aking mga mata si Kurt at nawala bigla ang antok ko ng makitang wala na siya sa tabi ko. Agad ko naman chineck ang relo na nasa lamesa na katabi ng kama. 7:30 pa lang naman ng umaga. Saan naman kaya nagpunta yun?

Pero napansin ko naman kaagad ang note na nakapatong din sa lamesa. Kinuha ko kaagad yun at binasa.

Good morning, sleepy head! Didn't bother to wake you up. I'll just take my morning exercise. Meet you at the restaurant later for break fast. I love you.

Kurt

Napangiti naman ako ng mabasa ko ang iniwan niyang note. Kahit minsan hindi siya sweet, nakakatuwa pa rin isipin na gumagawa pa rin siya ng way para mapangiti ako. Simple things like this will do.

"I love you, too." Para akong baliw na sinagot ang sinabi ni Kurt sa note. Hahahaha. Nakakabaliw naman talaga ang pagibi! Hay naku! Makaligo na nga para makababa na ako. Baka mamaya naghihintay na si Kurt sa akin.

Mabilis lang naman ako nagshower at nagbihis kaagad ako ng simple loose white shirt at pants. Tinali ko lang din ang buhok ko para maaliwalas tignan.

Pagkatapos kong magayos ay bumaba na kaagad ako sa restaurant ng hotel para puntahan si Kurt. Nang makababa ako sa lobby ay nagmadali na akong maglakad papunta sa restaurant dahil miss ko na si Kurt. Hehehehe.

Pero nawala naman ang ngiti ko ng makitang may kausap siyang babae na mukhang empleyado pa ata ng hotel na ito.

Naglakad pa rin ako patungo sa kinauupuan niya at mukhang napansin niya ang presensya ko kaya napatingin ito sa akin. Napansin niya sigurong nakasimangot ako kaya tumayo siya para salubungin ako.

"Akala ko mamaya ka pa magigising eh. Tagal mo naman." Ngumiti ito sa akin at hahalikan sana ako sa pisngi pero umiwas naman ako kaagad.

"Bakit? Dahil gusto mo pa siya makausap?" Inis kong usal sa kanya. Tinignan ko naman ang babaeng kinakausap ni Kurt at mas lalo akong nainis ng nagpapacute ito kay Kurt.

"Babe, don't make a scene." -Kurt

"I am not! Kinakahiya mo ba ako, ha?" Naiinis na talaga ako! At talagang ayaw pa niya na sinisigawan ko siya sa harap ng babae niya.

A Love to Eternity (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon