Chapter 41 - James Ford of Agatha

72 2 0
                                    

KURT'S POV

Friends? Nagpapatawa ba 'tong si Courtney? Anong akala niya sa akin? Wala akong alam? Tignan na Lang natin.

"Sir, ano na pong gagawin natin?"

"Sundan niyo pa rin si Courtney Lee." Maikling sagot ko sa sekretarya ko.

Sa loob ng isang taon, pinasusundan ko si Courtney. Alam ko ang tungkol sa anak niya, sa anak namin. Hindi ako papayag na hindi ko makuha ang anak ko. Binigyan ko siya ng pagkakataon at panahon para sabihin sa akin ang tungkol sa anak namin. Pero, hindi man lang niya sinabi sa akin. Noong nakita ko sila ni Gab sa restaurant, namuo muli ang galit sa puso ko. Nakipaghiwalay ako kay Abigail dahil kailangan ko ng makuha sa kanila ang dapat na sa akin.

Kailangan kong mabawi si Courtney at ang anak ko. Ako ang dahilan kung bakit lumabas ang issue tungkol sa pagbabalik ni Courtney. Ako ang may pakana ng lahat, at ang lahat ng ito ay matagal ko ng naplano. Ang pagpayag sa Business Proposal ng mga Lee ay isa lamang palabas. Alam ko ang galit ng mga Lee sa akin dahil sa nangyari noon sa amin ni Courtney. Pero hindi nila ako pinayagang magpaliwanag.

Kaya ako naman ngayon ang magsasagawa ng plano. Mababawi din kita, Courtney. Maghintay ka lang.

COURTNEY'S POV

Sa ilang araw na nagdaan, nakuha ko ang sagot ng Agatha sa business proposal na binigay ko sa kanila. Nakakatuwang isipin na ang matagal kong kaibigan na si James Ford ang bagong may ari ng Agatha. Agatha is a French Jewelry brand that showcases different designs of jewelries all over the world. James Ford, my best friend when I studied in Paris, owns the Agatha. Every jewelry design is made from France and I'm planning to work with Agatha as I launch the CL Jewelry Collection under their name.

James Ford will be here today for our contract signing tomorrow. I was able to talk to him yesterday and I was shocked when he accepted my proposal in that instant. The company is now preparing for the big event tomorrow.

Nasa conference room na ang lahat pati na rin si Kuya para sa pagdating ni James. Nandito ako ngayon sa lobby at inaabangan siya dahil natanggap ko ang kanyang tawag na ngayon siya dadating galing pang Paris.

"They're here, Ma'am." Mabilis kaming lumabas ng lobby para salubungin siya.

Nakita ko ang magagarang kotse na tumigil sa aming harapan. Bumaba naman si James sa kotse na mismong nasa harapan ko. Ngumiti ito ng makita ako at mabilis na naglakad sa harap ko.

"Long time no see, my dear CL." Sabi niya ng yakapin ako sa harap ng maraming tao. Natawa naman ako sa inasal niya kaya sinakyan ko na lamang ito.

"Long time, dear JF."

"How are you?" He asked me.

"I'm good. And please, let's not do the talking here." Sagot ko naman sa kanya.

"Right. Let's go."

Umakyat kami papuntang conference room para ipakilala si James sa buong board of directors. Tawa lang kami ng tawa ni James habang papunta sa conference room kaya pinagtitinginan kami ng mga taong nakakasalubong namin.

"Let's have dinner later, Courtney. Okay?"

"Okay. It's been a long time when I last saw you."

Nandito na kami sa tapat ng conference room at pinagbuksan naman kami ng mga staff ko.

"Let us all welcome, Mr. James Ford, President and CEO of Agatha." Pagpapakilala sa kanya. Pumalakpak naman ang mga taong nasa loob habang papunta kami sa harap.

"May we call on Ms. Courtney Lee to introduce to us our very special guest for today."

"I am very pleased to introduce you my dear friend, Mr. James Ford. He is the owner of Agatha, the famous French Jewelry Brand, and we will work with them as we launch our first ever jewelry collection." Pagpapakilala ko sa kanya. "I personally design the first collection of jewelries that we will launch. With the help of Agatha, people will easily recognize us. I also suggest that a famous celebrity will promote and endorse our jewelry collection."

"How about you do the promotion personally?" James suggested.

"Me?"

"Yes, why not? You personally designed that first collection, you are also a celebrity. You are once a famous model, so why not endorse it personally? Many people will recognize the product easily."

"I agree." My brother said. Same reaction are given by the board of directors.

I sighed and nodded. "Okay. If this will help the company, I will gladly accept it." I smiled.

Tinignan ko naman si Kuya at nakangiti lang ito sa akin. Tinignan ko din si James at kumindat naman ito.

"Anyway, we will have a big event tomorrow. A lot of reporters are expected to come so we have to do it as smoothly as we can." Pagpapatuloy ko. "Okay. Meeting adjourned."

Kinamayan muna nila ako at si James bago lumabas ang lahat sa conference room. Huli namang bumati si Kuya sa amin.

"Congratulations, Courtney. I can't believe you'll do this kind of work in just a short period of time. I'm proud of you."

"Thank you, Kuya."

"It is nice o finally meet you in person, Mr. James Ford. I've heard a lot about you from my sister."

"I hope everything that she said about me is positive." Natawa naman si Kuya sa sinabi ni James sa kanya. Nagkamayan muna ang dalawa at sabay sabay na kaming lumabas.

Pagkatapos ng naging meeting, nagpaalam ako kay Kuya na magdidinner lang kami ni James katulad ng pangako ko sa kanya kanina. Pumunta kami sa isang Italian Restaurant na madalas kong kainan.

"Kamusta ka na?" Tanong ni James sa akin habang kumakain.

"Okay lang ako. You?"

"I'm good. How's my inaanak?" Tanong naman niya tungkol kay Kevin. Yes. Alam niya ang tungkol kay Kevin.

"Okay naman. Lumalaki na. Ang bilis ng panahon, malapit na rin siyang magisang taon." Excited kong sagot sa kanya.

"Really? Wow. Gusto ko na rin magkapamilya."

"Bakit kasi hindi ka pa magpakasal?" Natatawang asar ko sa kanya.

"Ikaw lang naman kasi hinihintay ko." Biro naman niya sa akin.

"Stop it, James. Sige ka, iiwan kita dito."

"Okay, okay. I'll stop. By the way, how are you and Kurt?" Nagulat ako sa tinanong niya.

"Let-let's not talk about him."

*****

KURT'S POV

"Mr. James Ford of Agatha came here in the Philippines for an important project with the Lee Corporation. Ms. Courtney Lee has said in her previous interview that her company will have a new project to launch and that is the CL Jewelry Collection with the partnership of Agatha Paris. The first jewelry collection to be made by Agatha Paris were personally designed by Ms. Courtney deal Vega Lee. Tomorrow is a big event for the Lee Corporation as they will have the contract signing with Mr. James Ford of Agatha..."

Pinatay ko ang tv sa sobrang galit sa narinig kong balita. Talagang gagawin ni Courtney ang lahat para sa pinakamamahal nilang kumpanya. Pagdating sa pagpapatakbo ng kumpanya, bilib ako sa kanya. Mabilis siyang magtrabaho at talagang detalyado. Ito ang unang pagkakataon na magbabago ang takbo ng Lee Corporation. Nakafocus sila sa hotels and restaurants and I can't believe Courtney will take a risk in turning the Lee Corporation upside down. Good luck to you, my dear Courtney.

******

A Love to Eternity (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon