Chapter 43 - Dealing with Him

78 2 0
                                    

COURTNEY'S POV

"About our son." Tumigil ang buong mundo ko ng marinig sa kanya ang tungkol sa anak namin. Paano niya nalaman ang tungkol kay Kevin. "Courtney?" Mahinang tawag niya sa akin. Huminga ako ng malalim at sinagot siya. Siguro ito na ang tamang panahon para ayusin ko naman ang problema ko kay Kurt.

"Where are you?" Mahinahong tanong ko sa kanya.

"Condo." Maikling sagot niya. I know we have to talk in privately kaya papayag ako na makipagkita sa condo niya. Sa pagkakakilala ko naman kay Kurt, wala itong gagawin na masama sa akin.

"Okay. I'll be there." At ibinaba ko na ang tawag. Tinawagan ko si Kuya para sabihin na may pupuntahan lang ako. Tumawag din ako kay Mommy at ibinilin si Kevin sa kanya. Nagmadali ako sa pagaayos ng gamit dahil na rin siguro sa taranta ko. Nilabas ko lang ang susi ng kotse at dumiretso na ako sa parking lot.

Habang nagmamaneho ay hindi ko maiwasang mapaisip kung papaano nalaman ni Kurt ang tungkol sa number ko lalo na ang tungkol sa anak ko. Binilisan ko ang pagmamaneho at sa loob lamang ng kalahating oras ay natunton ko ang condo ni Kurt.

Pinapark ko na lang sa vallet ang sasakyan ko dahil ramdam ko na nanghihina na ang mga tuhod ko. Sumakay na ako sa elevator at pinindot ang top floor. Habang nasa loob ng elevator ay lalo akong nakaramdam ng kaba. Para akong mahihimatay sa sobrang lakas ng kaba sa dibdib ko. Nang malapit ko ng marating ang top floor ay inaayos ko ang sarili ko. Hindi ko alam kung bakit pero ginawa ko na lamang magayos.

Naglalakad na ako sa hallway patungong unit ni Kurt. Lalong lumakas ang tibok ng puso ko ng nasa tapat na ako ng kanyang unit. Iniisip ko na lang na kailangan ko na siyang harapin. Kung lagi akong makakaramdam ng takot ay lalong hindi k po siya mahaharap. Nandito na rin naman ako kaya mas mabuti pang tapusin at harapin ko na lang ito. I pressed the door bell at ilang minuto lang ay bumukas na ito. Nagtama agad ang aming mga mata na mas lalong tumutunaw sa akin ngayon.

"Come in." Pagkasabi niya ng mga salitang iyon ay hindi na ako nagdalawang isip pa at tumuloy na rin ako. Pagpasok ko sa loob ay dumiretso ako sa kanyang sala. "Have a seat." Paanyaya niya. Umupo naman ako at umupo naman ito sa harap ko.

"Thank you for coming."

"So, anong kailangan mo sa akin?" Malamig pa sa yelo na tanong ko. Kailangan ko ipakita sa kanyang hindi ako apektado sa presensya niya. Inabot naman niya sa akin ang isang folder na nasa center table na hindi ko naman napansin dahil na rin siguro sa sobrang kaba ko. Binuksan ko ito at nagulat ako sa mga nakita ko. Mga litrato ko ito noong buntis pa ako, mga pictures noong nasa hospital pa ako, at mga pictures namin ni Kevin. "Kailan mo pa nalaman ang tungkol sa anak ko?"

"Alam kong buntis ka ilang linggo lang simula ng maghiwalay tayo." Sagot naman nito sa akin.

"Kung alam mo, bakit hindi mo sinasabi?" Naiinis kong tanong dito.

"It doesn't matter anymore. Ang importante ay malaman mong alam ko ang lahat noon pa."

"Anong gusto mong mangyari?" Alam kong may gusto siyang sabihin sa akin dahil hindi niya ako papupuntahin dito ng wala lang.

"My rights as the father of Kevin."

"Your rights? Nagpapatawa ka ba? Wala kang karapatan sa anak ko simula ng lokohin mo ako."

"Hindi ka naman nakinig sa kahit anong paliwanag ko noon, hindi ba?" Naaasar niyang sagot sa akin. At siya pa ang may ganang magalit ngayon.

"I don't need to. Malinaw pa sa tubig ang nakita ko, kaya bakit pa ako makikinig sayo noon?" Matigas kong sumbat dito.

"Okay. Hindi naman kita pinapunta dito para makipagtalo pa. Ang kailangan ko ay ang ibigay mo ang karapatan ko sa anak ko."

"No."

"And why?"

"Dahil wala kang karapatan."

"Kailangan bang magmatigas ka pa, Courtney? Anong gusto mo? Ang daanin pa natin sa legal ang bagay na ito?" Galit na galit niyang sigaw sa akin.

"Ang kapal din naman ng mukha mo, noh? Gusto mo pang pahirapan ang anak ko makuha mo lang ang gusto mo?"

"Oo! At kung kailangan kong gawin yun mabawi lang kayo gagawin ko!" Halos malaglag ang puso ko sa sinabi niyang yun.

"Hindi na kita kilala, Kurt. Hindi ganyan ang pagkakakilala ko sayo."

"Lahat gagawin ko makuha lang kayo, Courtney. Kilala mo ako, gagawin ko makuha ko lang ang gusto ko." Matigas niyang pahayag sa akin. Huminga ako ng malalim at tinignan siya sa mata.

"Itigil mo na yan. Hindi makakatulong sa atin pareho kung magtatalo tayo. Ang anak ko ang pinakamaaapektuhan sa lahat at alam kong ayaw mo din mangyari yun." Nakita ko naman ang paglamlam ng kanyang mga mata at alam kong lumambot na ang puso niya sa sinabi ko. "Let us do what we think is right. Not for the both of us, but for our son."

"Okay."

"Hindi ko ipagkakait sayo ang karapatan mo sa anak natin. Gawin mo ang mga bagay na alam mong tama bilang ama ng anak ko. Sana naman sa mahigit isang taon na nagkahiwalay tayo ay nabuo mo nang muli ang sarili mo ng panahong nasira tayo. Kurt, nabuo akong muli ng sirain at saktan mo ako dahil sa anak ko. Kaya bibigyan kita ng pagkakataon na makilala siya habang bata pa siya." Hindi ko alam kung namalikmata lang ako pero nakita ko sa kanyang mga mata ang luha na alam kong pinipigilan niya. "Magkita at magusap na lang tayo muli at hahayaan kong makita mo si Kevin. Mauna na ako."

Nang makalabas ako ng unit niya ay nakahinga ako ng maluwag. Alam kong tama ang naging desisyon ko na bigyan siya ng pagkakataon na magpakaama sa anak namin. Ayoko ring ipagkait sa anak ko ang buhay na walang ama.

KURT'S POV

"Hindi ko ipagkakait sayo ang karapatan mo sa anak natin. Gawin mo ang mga bagay na alam mong tama bilang ama ng anak ko. Sana naman sa mahigit isang taon na nagkahiwalay tayo ay nabuo mo nang muli ang sarili mo ng panahong nasira tayo."

Paulit ulit sa isip ko ang sinabi ni Courtney sa akin. Tama siya. Kailangan kong gawin ang mga bagay hindi para sa sarili ko kung hindi para sa anak ko. Anak ko. Sa wakas, makikita ko na siya. At ipinapangako ko sa sarili ko na magiging mabuti akong ama sa kanya.

Salamat, Courtney.

******

Vote, Comment, and Like for #ALovetoEternity ❤️❤️❤️

See you guys next update!!!

A Love to Eternity (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon