Chapter 7 - Moving On

123 5 0
                                    

COURTNEY'S POV

Pagkatapos namin kumain ni Kurt ay pumunta na kami sa next class namin. Pero wala ako sa mood para makinig sa mga lecture. Samantha? Sino siya sa buhay ni Kurt?

Bigla naman ako bumalik sa reyalidad ng maramdaman kong may nakatingin sa akin. At tama nga ako, lumingon ako sa katabi ko at napansing kanina pa niya ako tinitignan.

"Ba- bakit?" Nauutal kong tanong kay Kurt. Pero malungkot na umiling na lang ito at binalik ang tingin niya sa Prof.

Hindi ko napansing natapos na ang klase ko sa buong araw. Ano ba nangyayari sa'yo Courtney? Ang tagal niyo ng wala ni Gab. Nakita mo na ngang may kasamang iba, naaapektuhan ka pa rin? Hindi ko napansing may pumatak na luha mula sa aking mga mata. Bago ko pa mapunasan ang luha ko, ay meron ng gumawa noon para saken. "Ku-kurt?"

KURT'S POV

Kanina ko pa napapansin ang malungkot na mga mata ni Courtney simula nung nakita niya si Gab at yung girlfriend niya. Ganun ba niya kamahal si Gab at sobrang nasasaktan pa rin siya hanggang ngayon? Gusto ko malaman kung ano talaga ang nangyari kay Courtney at Gab dahil ako mismo hindi ko kayang makita siya na nasasaktan.

Mabilis na natapos ang klase namin ngayong araw at naguuwian na ang ibang mga students. Napansin kong nakaupo pa rin si Courtney sa classroom. Nilagay ko muna kasi ang mga gamit ko sa locker at para mabalikan ko na rin si Courtney sa classroom. Pinagmasdan ko muna siya. At hindi nagtagal, may tumulo ng luha mula sa kanyang mga mata. Mabilis akong nakalapit sa kanya upang punasan ang mga iyon para sa kanya.

"Ku-kurt?" -Hindi makapaniwalang tawag niya sa akin. Gusto ko iparamdam sa kanya na nandito lang ako para sa kanya.

"Courtney, I do not know what happened between you and Gab. But I just want to let you know that I am here."

"Th-thank you, Kurt."

"Come on. I'll drive you home." Paganyaya ko sa kanya.

"But how about my car?"

"I will call my Mom's driver so he can get your car here and send it to your home. Is that okay with you?" Tanong ko sa kanya.

"Okay."

COURTNEY'S POV

Nakarating na kami sa parking lot ng campus kung saan nandun ang kotse ni Kurt. Mabuti na lang at nagsiuwian na ang karamihan ng mga students kaya wala nakakita sa amin.

Hindi naman sa ayaw ko makita ng mga students na kasama ko si Kurt. Ayoko lang na masyado pagtsismisan. Lalo pa at kakasimula lang ng school year.

Nasa loob na kami ng kanyang kotse. At isa sa napatunayan ko about kay Kurt, napakagentleman niya. Napangiti ako ng maisip ko iyon.

"Why are you smiling?" Nagulat ako ng bigla niya akong tanungin.

"Nothing."

"Are you okay now?" Nakita ko sa kanyang mata ang pagaalala.

"Yes. Thank you, Kurt."

"Don't mention it." Sagot niya sa akin. Bigla naman siyang ngumiti. Ang gwapo pala talaga niya sa malapitan. At ang bait pa niya saken. Dahil dun, nawala pansamantala ang sakit na nararamdaman ko.

Ang sarap sa pakiramdam na may nagaalala sa'yo. Thank you, Kurt. At napangiti na lang ulit ako.

A Love to Eternity (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon