Prologue

7.2K 122 9
                                    

This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events, locales, and incidents are either the products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.

No part of this story may be reproduced, distributed, or transmitted in any form or by any means, including photocopying, recording, or other electronic or mechanical methods, without the prior written permission of the author, except in the case of brief quotations embodied in critical reviews and certain other noncommercial uses permitted by copyright law.

Plagiarism is a CRIME!

❗WARNING: Contained mature contents.

I am not a perfect writer, just like my characters. If you are looking for perfection, then this may not be the right place for you. I will write everything I want.

My imaginary characters:
🖤Sheids Noah Fawzi- Nick Bateman
🖤Astherielle Zuluetevo- Brooke Shields (Her face during 1980's)

My imaginary characters:🖤Sheids Noah Fawzi- Nick Bateman🖤Astherielle Zuluetevo- Brooke Shields (Her face during 1980's)

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Prologue

aiiyak akong ibinagsak ang tingin sa mga nangangatog kong mga binti. Isang mahinang hikbi ang hindi ko na napigilang kumawala sa lalamunan ko nang maramdaman ko hindi na lang ito ang tila nagva-vibrate, buong katawan ko na. Ang mga luhang kumakawala sa mga mata ay simbolo nang kawalang pag-asa, takot, kaba at marami pang negotibong enerhiya. Oo, tinatalo ako nang minsanan ng mga ito.

Heto na naman ito... Dumating para pahirapan na naman ako...

Nag-uunahan ang mga paghinga ko. Halos mabaliw na ako kung papaano bobombahin ng hangin ang dibdib ko. Hindi ito nakagagaan sa nararamdaman ko kung hindi nagpapalala lalo. Matatakip-silip na. Malapit nang matakpan ang natitirang liwanag na pinanghuhugutan ko ng lakas at pag-asa sa labas.

"Tita..." impit kong iyak. "Tita... I need you n-now..." hagulgol ko habang lumuluhang nakatingin sa labas ng bintana, sa mismong kalangitan na naubusan na ng sigla at kulay dahil sa dilim. Ni isang butuin ay walang naligaw roon...

Maaari naman na akong tumayo at lumakad palabas ng classroom na ito ngunit pinanatili ako ng mga napagtanto ko ngayon lang.

"Kahit ano pa ang gawin kong pag-iingat at paghahanda, darating talaga ang mga dagok ko sa buhay dahil sa sakit na ito..." diretso kong sinabi kahit naninikip na ang lalamunan ko.

"Kailangan ko na talagang tanggapin na kahit ano pa ang gawin ko, talunan at wala pa rin akong silbi sa sakit na ito... Hindi na kailanman magiging normal ang buhay ko..."

Itinuloy ko na sa pamamagitan ng bibig ang nais sabihin ng aking isip.

Pinilit kong tumayo ngunit nabitin ako sa kinatatayuan nang may marinig akong mga yapak, palakas nang palakas dahil palapit din nang palapit din rito sa classroom. Sana ay isa lang sa mga estudyanteng napadaan. Kahit imposible ay iyon ang ipinapaniwala ko sa sarili. Usually, sa ganitong oras ay wala nang nagkaklase rito sa Terifania Building. Lumang building ito at bali-balitang pinamumugaran ng mga multo at engkanto.

My Professor's Little Tease (Fallen Temptation Series One)Where stories live. Discover now