Chapter 11 (Hug)

1.9K 42 0
                                    

Chapter 11

Astherielle's POV

Baby? As in sanggol ba? Pero ako lang itong kasama niyang dumating dito. Ang mga tao na rito ay puros lalaki na.

"Hmmm..." mahinang usal ko habang busy sa paglilibot itong mga mata ko.

Pinaglalaban ko si Marites kanina pa rito kaya hindi ko napansin na napadpad na kami sa lugar na ito. May magarang sasakya sa gitna, dito sa mismong tabi ng tinigilan namin. Motorbike ito at hindi lang basta-basta ordinaryong sasakyan.

"Oh..." manghang usal ko matapos kong makita ang mga detalye nito na nagpapakita ng kamahalan, katibayan at tila pagiging limited edition nito.

Marami na akong nakita na motorbike sa buong buhay ko pero iba ang isang ito, sobrang laki, kintab at mukhang walang parte itong hindi matibay at mahal. Best in skin care ito sa sobrang kintab. Pati mga pores ko sa mukha nakikita ko na rito sa sobrang kinis. Kung wala lang ito rito, iisipin ko nang kagagawa lang ito at kalalabas mula sa manufacturing company kung saan ito binili.

Hangang-hanga ako rito, halos maglaway na yata sa pagkamangha, pero itong mga kasama ko rito ay sa direksiyon ko yata nakatingin at hindi sa bagay na ito. Instead of focusing on this guy calling me "baby", I'm just going to focus on this motorbike, right?

Ugh! Alam ko talaga sa akin niya sinabi iyon, eh. Wala namang ibang babae rito, eh, bukod sa akin. Alangan namang itong si Manong iyong ika niya na "baby" niya? Pero iniisip ko rin, hindi kaya... itong magarang motorbike na ito iyon? May mga tao namang ginagawa nilang anak-anakan iyong mga gamit na mahahalaga sa kanila.

Pero additional wait din... kay Professor Fawzi nga ba ito?

"Gaga! Nagtanong ka pa, eh, nakasuot na sa iyo iyang helmet sa ulo mo! Sino ba nagsuot sa iyo niyan, ha?" soplak naman sa akin ng isip ko.

Just now I felt that my head was heavy, seriously. How, I'm still hunting who he called "baby"!

"Mag-ingat ka sa pagsakay."

Umakyat itong isang kilay ko hanggang sa kalahati ng noo ko nang marinig na magsalita uli itong lalaking ito na nasa harapan ko.

Nang igala ko muli ang mga mata ay nakangiti habang nakatingin na sa amin ang mga tao rito. Totoo nga ang napansin ko kanina, lahat sila ay lalaki rito. Nasa isang mamahaling talyer kami. Nasabi ko dahil kahit na ang daming sasakyang naka-park at kasalukuyang kinukumpuning mga sasakyan at mga accessories pang-sasakyan dito, mabango pa rin ang hangin na umiikot. Halos naka-uniform ang lahat, mga trabahador siguro ang mga ito rito.

"Hanep ka talaga, Professor! Akala ko sisimulan mo nang magdala ng irereto sa mga single boys natin dito sa talyer... Eh, kinakabahan na ako sa mga 'to, eh. Baka amagin na lang bigla."

Malakas at aliw na sigaw iyon mula sa itaas ng talyer, sa second floor. Mula roon ay kitang-kita mo talaga ang mga bagay at nangyayari dito sa baba. May isang lalaki roon na naka-uniform din katulad ng iba at may nakapaskil sa mukha na nangangantiyaw na tingin.

"Hay naku... Ginawa pa ninyo akong hunter nito. Wala akong talent sa ganiyang, mga boss. Hindi tayo si kupido na nagpapamigay ng love life sa iba," tawa naman si sir pero sa akin nakatingin ang mga mata.

"Ack! Kinikilig na lang talaga kami sa love life ng iba! Sana all na lang muna, potek!" mas malakas naman na tawa nito habang umaarteng kinikilig.

Napapangiwi na lang ako sa loob-loob sa mga naririnig at nakikita ko. Malinaw na ako nga si "Baby" at ako ang ikinakantiyaw nila kay sir. Hindi naman magiging ganito ang mga taong 'to kung hindi sa mga pinapalabas ni sir.

"Pinakamaganda sa lahat kaya babakuran ko na," Aba't nag-echo pang muli iyon sa mismong loob ng mga tainga ko. May kaunting nginig na naman tuloy na nabubuo sa dibdib ko. There seemed to be small electric movements inside my stomach, roaming ang electrifying me quite sometimes... Ang hirap ipaliwanag kung bakit nangyayari iyon sa loob ko. First time kong maramdaman ang ganito sa tanang ng buhay ko. Nakakakaba pero parang masarap din sa pakiramdam.

My Professor's Little Tease (Fallen Temptation Series One)Where stories live. Discover now