Chapter 52 (I Do)

926 25 0
                                    

Chapter 52

Sheids' POV

Hindi na lumabas ng bahay si Elle nang magpaalam kaming aalis na ni Kareem. I refrained from turning around and running back to where the car had just started moving.

Masakit man sa loob na umalis ako pero kailangan...

Magkahiwalay ulit kaming nag-flight ni Kareem. Umuwi siya ng Amerika at ako naman sa dakong Turkey. I promised her that I would go there after two days. She agreed and even said she would wait for me there.

Nang makauwi ako rito sa bahay, office kaagad ni Dad ang pinuntahan ko. Nakaamoy si Mom kaya sinundan niya ako hanggang sa labas ng pinto ng office. Naramdaman ko pang nagtago siya roon. It's good that she's there too, so she can hear everything I have to say.

"Yes, Noah? Kumusta ang honeymoon ninyo ni Kareem? Magkaka-apo na ba kami?" aniya, seryoso, pagkatapos niyang paikutin ang swivel chair paharap sa akin.

"I will be divorcing Kareem as soon as possible, Dad..."

He let out a heavy sigh, seemingly unsurprised by what I said. However, he also didn't seem pleased. Nakatiim ang mga labi at mga mata niya habang nakatitig sa mukha ako.

"We didn't go on a honeymoon, Dad. I visited the woman I love and our child..."

Narinig ko ang pagsinghap ni Mommy sa labas.

His eyebrows and forehead furrowed in a perplexed expression. He was taken aback by what I said, but I could tell he quickly regained control.

Ito naman ang gusto niya, iyong walang paliguy-ligoy.

Kapag nakapasok ka na ng opisina niya, sabihin mo na agad ang mga gusto mong sabihin dahil tumatakbo ang oras niya, hahatakin siya nito at iiwan ka na lang basta.

"Pero sayang lang at hindi ko naabutan ang apo mo..."

"Oh? Really, Noah? Then bring him here and explain it to your wife. Kareem is more than capable of accepting your illegitimate child... I don't care about his mother!" medyo galit niyang buwelta. "Hindi tayo nakikipagbiruan dito, Noah! Hindi larong racing at motocross ang pagpapakasal at pag-aasawa!"

"I know that, Dad. Kaya ko ito sinasabi sa inyo dahil hindi rin ako nakikipagbiro... Kauusapin ko si Kareem para maipaliwanag ko sa kaniya lahat. Gusto ko nang makipaghiwalay sa kaniya. Kailangan ako ng mag-ina ko, Dad..."

"Kailangan ka ng mistress mo ang sabihin mo!"

"She's not..."

"Well, she is! Kabit mo iyan! Hindi siya magiging parte ng pamilyang ito kahit kailan!"

"Kaya kong ibigay sa kaniya ang pamilyang sinasabi mo, Dad... Hindi rin niya ipipilit ang sarili sa inyo kung ayaw ninyo sa kaniya."

"You truly have no shame, my son!" punung-puno ng pagkairita, uyam at pigil na galit niyang sinabi. "All you've given me is a constant headache and a heavy heart! Bu aile için bir utançsın!"

Halos mapatayo na siya nang galit na galit niyang ibulyaw sa akin iyon. Nabitiwan na niya ang ginagapos niya kaninang pagpipigil. His chest and shoulders undulated like waves, reflecting the storm of emotions within, while his eyes flickered with fiery contempt, fueling his deep-seated resentment towards me.

You are a disgrace to this family! Iyon ang sinabi niya.

Sinasakal ang lalamunan at dibdib ko. Umiinit ang mga sulok ng mga mata.

Hindi ko alam kung bakit hindi kailanman nagkatugma ang mga bagay na makapagpapasaya sa amin bilang mag-ama... Lagi na lang kaming ganito...

"O-Octavio!"

My Professor's Little Tease (Fallen Temptation Series One)Where stories live. Discover now