Chapter 14 (Pageant)

2.1K 52 12
                                    

Chapter 14

Astherielle's POV

Kalma, Asthe, medyo malaman ang statement niyang iyan pero hindi naman siguro para sa lahat, hindi para sa atin na hindi naman nakahu-hook up ang itsura.

Pero sa pagkakaintindi ko, parang sinabi niyang pumapatol siya sa kahit sino basta gusto niya at gusto siya nito, kahit pa estudyante iyon.

Nag-kissed kami, pero aksidente lang iyon. Malabong magkagusto ito sa akin kasi hindi ko rin naman gusto ang sarili ko para dito. At sa nakita kong tipo nitong babae, isa na iyong babaeng naghihintay kuno sa kaniya sa parking area, tila sinusuka ako ng standard niya na nasa isip ko.

"Hindi po ba...bawal iyon? Student and professor's affair na tinatawag..."

"Yeah," agaran naman nitong tango. "Totoo. Bawal nga. Talagang bawal sa mga passionate teachers, pero..." Tumigil ito at tinulungan ang sarili nitong makapasok dito sa pintuan kaya medyo nagkabanggaan ang mga noo namin. "Marites ka talaga, 'no? So, interested about me or the topic?"

Pinabilis ko ang pagkurap. "Hindi naman po... N-Nasabi ko lang... Iyon ang alam ko, eh..."

"Hindi nga? Bakit binabantayan mo ako rito? Chini-chika mo ako rito sa labas ng bahay ninyo... Hindi mo man lang ba ako papapasukin?" tawa nito sabay pinagdikit ang mga kilay. "Kahit ano pang gusto mong itanong sa 'kin, sasagutin ko, Miss Zuluetevo... Pero sana naman... may kaunting comfortable space tayo while talking about that."

"Hindi po ako interesado, pero ginawa ninyong interesting ang sarili ninyo..." pandedepensa ko sa naging reaction ko. "And... pasensiya ka na kung na-curious po ako, sir... Huwag na lang po ninyo akong sagutin or kausapin about diyan kasi marami pa naman pong magandang pag-uusapan, eh... Sige..." Tinalikuran ko na ito at lumakad na patungo sa sala.

Hilo ba siya? Hindi ba siya natatakot na mawalan ng trabaho kung sakali? Pinaghirapan niya kung nasaan siya ngayon. Sa hirap ba naman ng subject na Calculus, idamay na lahat ng mga Math subjects! Pero ano nga kaya ang dahilan kaya niya nasabi iyon? Kaya ba niyang mabuhay nang walang trabaho?

Kunsabay, may itsura siya. Magagamit niya ang katawan at pagmumukha niya para makahanap pa ng ibang trabaho. But come on, halos lahat ng mga nangangarap na maging guro, sinasabing iyon ang "calling" nila. Sa kaniya ba ay hindi?

"Alam mo... I'm not afraid of loosing anything... Well, except my family and sanity, of course... During my young days... confident akong nagawa ko na lahat ng mga kalokohan sa buhay..."

Well... mukha nga naman. May mga bisyo ito, naninigarilyo at nagbi-bilyar.

"Well, just save it, sir... Hindi ko na po panghihimasukan iyan. Masyado nang personal, but thank you for riding it somehow..."

Ayon, natauhan din ako!

"Hmmm... Sige ho."

Marahan naman nitong tinango-tango ang ulo, tila naninimbang pa rin ang mga mata.

Oo na... Gusto ko talagang alamin pa ang mga iyon, kung hanggang saan ang pinupunto ng mga sinabi niya, pero baka mas lalo ko lang palalalahin itong kakaibang nararamdaman sa kaniya. I can feel it, he's different... Kung sinu-sinong lalaki na rin ang nakasasalubong, nakatititigan at nakakikitaan ko ng kagandahang katawan at pag-uugali sa campus, pero iba talaga ang professor na ito sa kanilang lahat.

"Anyways... This is our living room-"

Natigilan ako sa bumungad na bago at malaking display rito sa sala, a giant picture frame with a genuine portrait of me. Nakapuwesto ito right before the stair papunta sa second-floor nitong bahay. Ito iyong isa sa mga kuha sa akin ni tita after kong magpagupit. Si tita iyong taong hindi ka mahihiyang pakitaan agad ng totoong pagkatao mo dahil sobrang bait nito, masayahin at maingay. Yeah, kabaliktarang-kabaliktaran ko siya.

My Professor's Little Tease (Fallen Temptation Series One)Where stories live. Discover now