Chapter 43 (Let go)

793 37 1
                                    

Chapter 43

Astherielle's POV

After kong malaman na nakunan ako, para na rin akong namatay.

The feeling of not knowing anymore what each breath is for, as if everything feels lifeless within me. There is not a day that goes by without me crying. There is not a day that passes without blaming myself for why he is gone. Walang pagkakataon man lang na malaman ko kung lalaki ba siya o babae.

But no matter how much it hurts to lose him, I feel annoyed that I still love his father. Pagkatapos ng lahat-lahat, mahal na mahal ko pa rin siya. The most painful thing is, despite the pain caused by his father, I still want him to know about him, that he exists, na nagkaroon kami ng siya...

Pero pina-check niya kung buntis ako o hindi. Sinabi niyang hindi ako buntis. O baka alam naman talaga niya pero dahil hindi pa siya handang maging ama, ayaw niya sa bata at abot-abot langit na galit niya sa akin at sa mga magulang ko, nagawa niyang magsinungaling.

So, bakit ko pa siya pupuntahan para mag-abalang sabihin sa kaniya?

And he got married to Sadie after that night.

I stayed in the hospital for two weeks. And after being discharged, I rested for another week. Si Regan ay halos sa bahay na tumira sa sobrang pag-aalala niya sa akin. Ang laki ng tulong ng presensiya niya para masabi kong may pakiramdam pa rin ako. Sobra ko siyang na-appreciate, dalawa sila ni tita.

Sumugod sa ospital kung saan ako unang na-confined si tita. And since she saw my situation that night, she never spoke about my parents, the situation, or Sheids ever again. Niyakap niya lang ako nang mahigpit at iniyakan nang matagal na oras. Hindi niya ako pinagalitan, kuwenestiyon at hinusgahan. Ang sinabi niya lang, hindi niya ako iiwan kahit na ano pa'ng mangyari.

Monday nang payagan akong pumasok sa University para ayusin at alamin ang mga grades ko. I was called to the Dean's Office to discuss the news that reached them regarding my relationship with Professor Sheids. Iyon ang unang pagkakataon na narinig kong muli ang pangalan niya. Kinausap nila ako nang masinsinan at mahinahon kaya hindi ako nailang na sabihin ang side ko.

"Kung iyan ang nangyari, hija, may karapatan kang idemanda siya," seryosong sinabi ng dean namin, matandang babae in her fifties.

Pero umiling ako habang naluluha na naman.

Alam ko ang laki ng kasalanan niya sa akin. Alam kong sobra niya akong sinaktan at pinatay, pero hindi ko siya kayang ipakulong dahil sa dahilang minahal ko siya. Mahal ko siya kaya kami nagkaroon ng ganoong klaseng ugnayan.

"Pag-iisipan ko po, dean..."

"He is one of the professors that Polaris University takes pride in, dear, but he did wrong to you and violated the rules and regulations of the University. So if you decide to pursue the case, we have no choice but to do what is right... Ang tita mo, buo ang loob na magkaso at ipatanggal siya sa trabaho. She is also after his teaching license. Gusto niya itong mawala para hindi na makapagturo..."

Naalarma ako at nagulat sa nalaman. Tapos nang magdesisyon si tita pero wala siyang nabanggit sa akin.

"Alam ko rin ang mga ibang pinagdaanan mo, hija, kaya naiintindihan ka namin," patuloy niya, nakikisimpatya niya akong nginitian at hinawakan sa ibabaw ng kamay ko. "Tama ang sinabi mo. Kailangan mo ng panahon para mag-isip... And we are giving that time to you..."

"Puwede ko po ba siyang makausap?"

Nalukot ang noo nito sa pagkabigla sa ipinakiusap ko.

"You are not allowed, hija. Kabilin-bilinan ng tita mo 'yan. At kinausap na rin namin si Professor. Hindi namin siya pinapayagang makalapit sa iyo... I'm sorry."

My Professor's Little Tease (Fallen Temptation Series One)Where stories live. Discover now