Chapter 28 (Pageant Night)

1K 34 0
                                    

Chapter 28

Astherielle's POV

Namatay ang co-founder ng Polaris University na si Mr. Cheng sa edad na ninety-eight. Dahil sa katandaan ang pagkamatay nito. Sa nangyari ay nagluksa ang lahat. Pansamantalang natigil ang mga activities sa University, kabilang na ang mga activities sa week of Biochemistry Department.

Isang buwan din ang inabot ng pakikipagluksa at pagbibigay pugay namin sa yumaong businessman and philanthropist na si Mr. Cheng. Ramdam iyon sa hangin everytime na papasok ka sa University. Sa bungad ng museum ay makikita at mababasa lahat ng mga naiambag, awards, history at iba pang may kinalaman dito na nagbigay ng malaking impact sa narating ng University ngayon. Ang naging layunin nito ay para bigyan nang maganda edukasyon ang bawat kabataan dito sa Pilipinas sa kabila nang pagiging purong Chinese nito.

Nakalulungkot ang nangyari iyon, pero nagbigay rin nang additional na panahon para mapaghandaan namin ang week sa department namin. Ginugol ko ang bakante ng panahon sa pag-eensayo sa pagrampa at pagre-review ng mga ilang possible na tanong na ibabato sa amin sa gabi ng pageant. Isinasabay-sabay iyon sa paminsan-minsan pagpunta-punta sa clinic ni nurse Betty. Isa siya sa mga nurses na nag-alaga sa akin noon sa facility. Pero walang pagkakataon na nagkadatnan kami dahil lagi akong umaatras tuwing nasa bungad na ako ng clinic nito.

Ngayon narito na naman ako para ulitin na naman iyon... I breathe hopelessly. Gusto ko lang namang sanang magtanong dito, eh. Gusto ko lang malaman kung bakit kahit na dalawang taon akong tumira sa facility, parang may mali pa rin sa akin. Parang may ilang parte sa akin na hindi pa naghi-heal. Iyon ang alam kong dahilan din kung bakit pakiramdam ko, hindi pa ako totally gumagaling.

Kailangan ko ng tamang taong mapagtatanungan. Kailangan ko ang opinyon niya. Kailangan ko ang tulong niya. Tama kaya ang ginagawa ko? Tama ba itong pag-inom-inom ko ng mga gamot na dati ko nang iniinom nang walang current prescription at medical diagnosis mula sa doctor?

"Yes, Miss?"

Napalingon ko sa lalaking nagsalita sa likuran ko. Napalunok nang makilala ko siya sa mukha. Ito iyong lalaking laging sumusundo kay nurse Betty noon sa facility.

"Ikaw pala, Asthe... Si Betty ba ang pakay mo? Bakit hindi ka pa pumasok? Nandiyan siya ngayon sa clinic..."

Kilala lang namin ang isa't isa sa mukha pero hindi sa pangalan at sa personal sa alam ko. Siguro naku-kuwento na ako rati ni Ma'am Betty sa kaniya.

"Halika... Pumasok ka na... Ngayon ka lang napadpad dito, ah... Kumusta ka?"

Gusto kong tumanggi at magpaalam na rito pero nahihiya at nag-aalinlangan ako. Ang tagal kong pinagdebate ang isip at ang puso ko kaya hindi ko na napansin ang pagtigil ng sasakyan nito sa gilid ng kalsada, which is ilang dipa lang mula sa likuran ko.

"Naku... Matutuwa si Betty kapag nalaman niyang nandito ka ngayon..."

Magandang lalaki rin ito. Matangkad, professional manamit, magsalita at kumilos, malinis ang gupit at nang-aanyaya at mabait ang aura. Parang si Professor Fawzi rin pero mas malambot ang isang ito dahil may pagkamaamo ang mukha at pananalita. Seems like a nice guy.

"Bronze! Kanina pa kita hinahanap, ah. Bakit ang tagal mo naman ya-"

Naawat ang biglang lumabas na si Ma'am Betty nang makita ako. Shocked ang mukha at napatutop ng palad sa bibig.

"Astherielle, is that really you?"

At ang nagawa ko na lang ay ang mapatango at mapangiti nang basag dito. Imbis na iyong nagngangalang Bronze ang iakomuda nito ay ako na. Masayang-masaya niya akong winelcome at kinumusta nang kinumusta. Hanggang sa makarating na nga kami rito sa office niya.

My Professor's Little Tease (Fallen Temptation Series One)Where stories live. Discover now