WYA | 1

1.3K 27 10
                                    

"Are you sure about working? I mean, Becky, Non, and I are here to help you. Just so you know. Hindi ka nag-iisa okay? Para saan pa na magka-kaibigan tayo kung hindi rin naman tayo magtu-tulungan diba?" I sighed with Irin, she's right. Pero ayoko naman iasa na lang sa kanila lahat.

"Irin naman, we've talked about this already diba? Ang dami niyo na kayang tulong sa akin ni Non, ito ngang tinutuluyan ko palang sobra sobra na. Tapos gusto niyo pa na wag na akong mag-trabaho? Irin naman." She sighed as well. Kasi naman, ilang beses na namin napag-usapan to. Di pa din talaga niya ako tinitigilan. 

Nakakahiya na din kasi sa family nilang dalawa. They should spend their money on their own, not on me. Mababait naman ang family nila, pero yun nga, nakakahiya talaga. And isa pa kaya nga ako nandito para mag-trabaho. Kasi hindi lang naman para sa sarili ko, para na din kila Mama. Well hindi naman talaga dapat dahil kaya naman pero gusto ko pa din maka-tulong sa kanila. 

"Hays, ewan ko sayo. Ganito na lang, may nabanggit sa akin si Noey na may friend siya na nagha-hanap ng assistant ata? I forgot about it, maybe I'll ask her again." Naalala ko naman si Noey. She's courting my friend, at hanggang ngayon hindi pa sinsagot ni Irin.

"Wala pa din ba kayong progress? Irin she's been courting you since you graduated." Sabay sabay kasi talaga kaming ga-graduate, pero hindi ko na natapos ang last year ko sa Law School dahil medyo mahal, kaya naman namin pero madami din kasing babayaran sa bahay at baka hindi namin kayanin ang expenses kapag sinabayan ko ng pag-aaral sa law school. Kaya nga malayo ako ngayon sa kanila, dahil nagbabakasakali ako dito kila Irin na magkaroon ng trabaho.

"Nagpapakipot lang yan! Sabi niya kaya gusto niya na sagutin yang si Noey!" Singit naman ni Nop. Ito talagang lalaking to, sulpot nang sulpot.

"Epal ka talaga. Anyways Becky, una na kami ni Non. Hinahanap na din ako ni Mommy! Visit ka soon sa bahay, and yung work na sinasabi ko sayo. I'll update you once I have the details already! Bye Becky! Ingat ka, okay? Don't forget to call us kapag may problema!"

"Yes! Thank you Irin! Ingat sa pagd-drive, Non!" I waved at them at hinantay na makaalis ang sasakyan ni Non. Sinundo niya kasi si Irin para daw sabay silang pupunta dito. Mga trip talaga nung dalawa. 

Naglakad na din ako pauwi, iniisip ko naman yung possible work na ibibigay ni Noey, sana naman hindi mahirap. Pero okay lang, as long as maganda siguro yung sahod ko? Para makapag-bigay pa din ako kila Mama.

Napatigil ako sa pag-iisip ng mayroong humila sa akin.

"YAH!" Sigaw ko sa sobrang gulat at mas lalo akong nagulat ng makitang isang babae ang humila sakin. 

Nakatitig lamang ako sa mukha niya. It feels likes everything stop when I saw her.  Ang ganda niya.

"Miss? Hey? Are you okay?" Napabalik ako sa reyalidad ng tapikin niya ako ng bahagya.

"A-Ah s-sorry!"

"Are you planning to kill yourself or something?" Nakataas na kilay niyang sabi. 

"H-Hindi, masyado lang talagang madaming iniisip." She has this serious face that scares me a little. Para kasing hindi maganda timpla niya ngayon. Baka naman ganito talaga siya?

"Just take care. Hindi sa lahat ng oras may hihila sayo." With that, tinalikuran na niya ako. Fuck! Hindi man lang ako nakapag-thank you sa kaniya! And her name, I didn't get the chance to ask her name. Sayang. Ganda pa naman.

Tinuloy ko na ang pagla-lakad pauwi. Iniisip ko pa din lahat ng mga dapat kong isipin. Sana lang available pa yung trabaho. Sa panahon ngayon madaming naghahanap din ng trabaho, kaya hindi malabong maunahan ako.

With You, Again | FreenBecky ( ON-GOING )Where stories live. Discover now