WYA | 3

178 18 2
                                    

Becky's 

Hindi ko maalis sa isip ko ang mga nangyayari nitong mga nakakaraang araw. Hindi ko alam kung anong meron samin. We do kiss and we almost did "it". Lagi kasing may iistorbo, hindi sa nagrereklamo ako pero parang ganon na nga. Lagi na lang kasi. Masakit kaya? 


"Okay ka lang ba? Para kasing salo mo lahat ng problema sa mundo eh." Napatingin naman ako kay Irin, may importante kasing pinag-uusapan si Noey at Freen, sinama ako ni Freen dahil hindi niya daw gusto na maiwan ako sa office. Sabi ko naman sa bahay na lang pero ayaw din daw niya ma-feel na mag-isa ako. Ayaw na lang sabihin na gusto ako kasama, chos.


"Wala, madami lang iniisip." Nginitian niya naman ako ng mapang-asar. Alam ko na ang nasa isip niya. Yan pa ba si Irin? Ang takbo ng utak niyan.


"Ikaw ha? Anong meron sa inyo ni Freen? Sows! Ang BFF ko lumalove-life na!" Kilig na kilig niyang sabi. Lovelife na ba to? Eh parang hindi naman siya mac-consider as lovelife. Lovelife na ba meron kang ka-make out everyday? Not everyday pero parang ganon na nga.


"Wala! Masyado kang ma-issue." Inis kong sabi sa kaniya. Pero hindi niya talaga inaalis ang mapang-asar niyang ngiti. Ang tagal naman kasi nila Freen para matigil na tong bwisit na to sa kaka-asar sa akin. 


Sumubo na lang ako sa cheesecake na in-order ni Freen kanina. And ofcourse, mawawala ba ang favorite kong milktea? Minsan nga ay nagugulat ako na alam niya ang iilang favorite ko. Pero lagi naman niya akong ngingingitian lang. Never niyang sinagot yun.


"Oh iniisip na naman niya si Freen, oh? Chill ka lang, andiyan na yon." Sinamaan ko ng tingin si Irin. Sumama ata ako dito para lang asarin ni Irin.


"As I said, I hope you do acknowledge the idea of my team." Dinig kong sabi ni Noey, sabay pa kaming napalingon ni Irin. Kainis, paano nagagawang maging maganda at pogi at the same time ni Freen? Huhu.


"Yes, titignan ko. I actually like it. Pero you know naman na we are working on something pa. Hey, kumain ka na ba?" Tinanong niya ako kaagad pagka-upo niya. I nodded at her and smile. 


"You should eat. Hindi ka kumain kanina." Inilapit ko sa kaniya yung plate para maka-kain na din siya.


"Ay grabe! Iba din talaga!" Muling pang-aasar ni Irin.  


"Stop teasing them, Becky looks so red." Mag-jowa nga talaga sila, iisa ang utak. Parehas silang may mapang-asar na ngiti. Nakakayamot sila parehas.


"Stop teasing her, bawiin ko kaya yung sinabi ko, Noey?" 


"Eto na, di ka talaga mabiro. Masyadong seryoso eh." Tawa pa ni Noey.


"Kain ka na." Binulong sa kaniya dahil hindi talaga ako tatantanan ni Irin. Hay nako. 


Inabot niya naman ang spoon na ginagamit ko tsaka kumain. Nag-uusap pa din sila ni Noey, mukhang madami silang balak sa parehas nilang company. Actually kasama na din si Irin sa usapan nila, nag-invest din kasi ang family ni Irin sa company ni Freen. Tahimik lang akong nakikinig sa kanila dahil di ko naman alam kung anong pinag-uusapan nila. Siguro kung tinuloy ko yung pag-aaral ko before, naka-graduate na din ako. 

With You, Again | FreenBecky ( ON-GOING )Where stories live. Discover now