WYA | 4

316 16 2
                                    

Day's went well and mukha namang okay na ako after that incident sa pinuntahan namin. Akala ko mamatay ako. OA man pakinggan pero feeling ko talaga mamatay na ako. Sumabog lang naman yung kung ano man na yun sa harap ko. It's a machine na inaayos, masyadong malakas kaya nagkagulo ang mga tao. Mabuti na lang at nakita ko agad si Freen. Akala ko hindi ko na siya makikita ulit. 


"You okay, Becky?" Napalingon ako sa nag-tanong It's Non, it's my off today and I invited Irin and him. Well I miss hanging out with them. Pumayag naman si Freen dahil may aasikasuhin din daw siya. Susunduin niya na lang daw ako after.


"Ikaw ba naman masabugan sa harap, magiging okay ka kaya?" Pabalang na sabi ni Irin, para talaga silang aso't pusa. Kung hindi lang si Noey at Irin iisipin kong gusto nila isa't isa. And as far as I know, Non is seeing someone na din. 


"Kayo kaya pasabugan ko diyan?" Napatigil silang dalawa sa sinabi ko. Minsan talaga naiisip ko kung paano ko sila napagtsa-tsagaan. Ang gulo kaya nilang dalawa. Parang aso't pusa palagi, bibihira na nga lang nila ako makasama away pa ng away.


"Oh chill. Kamusta pala kayo ni Freen? Sabi ni Irin luma-love life ka na ah?" Walangya talaga tong babaeng to kahit kailan. Hinampas ko siya sa balikat niya at sinamaan ng tingin pero tinawanan niya lang ako. Lakas talaga mang-asar. 


"Naniwala ka naman diyan? Tsaka wala akong panahon diyan." Nag-boo naman si Non. Sarap nila pagbuhulin talaga.


"Becky, alam mo namang kilalang-kilala ka namin ni Irin. Halata namang gusto mo siya. Sige ka, maunahan ka pa diyan. Ganda pa naman ni Freen. Balita ko nga sobrang daming gusto mag-invest sa company niya." Napahinga naman ako ng malalim. Hindi naman pwede, sobrang layo ko kay Freen. Malayong malayo. Sure naman ako na wala lang sa kaniya yung mga ginagawa namin. 


"Oo nga. Girlfriend material pa naman yan si Sarocha, nako Becky maunahan ka niyan." 


"Edi mauna sila. Ano namang gagawin ko?" Irap ko sa kanilang dalawa na naging dahilan ng pagtawa nila. Iisa talaga sila ng takbo ng utak, hays.


"Oh bakit galit ka?" Inirapan ko lang ulit si Irin kaya lalo silang tumawa. Ewan ko ba sa dalawang to, kung alam ko lang na aasarin lang nila ako hindi na ako  pumayag na mag-bonding kaming tatlo. 


"Anyways, it'a almost 5 na pala. Anong oras ka ba susunduin ni Freen? Medyo madilim na din oh?" She messaged me kanina na nasa daan na siya. 


"She's on her way, mga 10 minutes pa daw. Pwede naman na kayo maunang umuwi if gusto niyo. Medyo malayo-layo din naman kayo dito." Well malapit to sa place ni Freen and they decided na dito na lang daw para less hassle for me.


"No it's fine. Let's just wait for Freen na dumating. Just to make sure na you're safe na din. Baka ano na namang sayo kapag mag-isa ka lang." Napatango na lang ako sa sinabi ni Irin. Lumabas na din kami para doon na mag-intay kay Freen. Malapit na din kasi talaga siya so para mabilis na lang, lumabas na kami. 


"Feeling ko siya na yan. Grabe ganda talaga ng sasakyan niya. Becky ako muna kaya ikaw? Ako muna sa passenger seat ni Freen." Sabi pa ni Non, asa siya no. Ako lang sinasakay at pinagd-drive niya.

With You, Again | FreenBecky ( ON-GOING )Where stories live. Discover now