WYA | 5

189 12 0
                                    

Hindi na muna ulit nangyari samin ni Becky. Naging busy na din talaga ako dahil nga tinatapos ko ang mga kailangan kong gawin bago kami umalis para magbakasyon sa kanila. Nasa office lang kami ngayon habang si Becky ay busy naman sa paglalaro niya sa cellphone niya. Kakatapos lang din ng lunch time namin kaya ayan, nagpapahinga na lang siya. Hindi ko din naman siya binigyan ng gawain kasi ayoko din naman siyang pagurin.


Biglang bumukas ang pinto at kasabay non ang biglang pag-ingay ng office ko.


"Hello naman sayo kaibigan naming pinaglihi sa sama ng loob." Napahinga ako ng malalim ng makita kung sino ang mga dumating. Walang iba kundi ang bumitin samin ni Becky. Sinamaan ko naman siya agad ng tingin. Si Becky naman ay napatayo sa upuan niya at nag-bow sa kanila.


"Aba aba, sino tong magandang to?" 


"A-Ah, hello po. My name is Becky, Assitant po ni Lady Freen." Tss, alam ko namang kilala na nila si Becky. Si Noey ang salarin panigurado.


"Oy Oy Oy, maganda pala talaga. Ano ka ba, sis? Quite the formalities, we know you. And by the way, I'm Nam." Umiba ang ekspresyon ng mukha niya. Mukhang naalala niya ang nangyari nung gabi. Napa-irap na lang din ako ng maalala kung paano niya kami na-interrupt sa ginagawa namin.


"And my name is Baitoey." Nag-shake sila ng hands. Napahinga at napatikhim ako para mapunta ang atensyon nila sakin.


"Anong ginagawa niyo dito? At ikaw, mukha bang okay tayo?" Sabay lingon ko kay Nam.


"Alam mo tinawagan lang naman kita para ayain mag-bar tapos masama na agad ang loob mo? Hay nako." Inirapan ko lang siya. Naupo na silang dalawa at agad na dinaldal si Freen.


"Wag mong pansinin 'yang dalawa, Bec. May sapak yan sa utak parehas." Naupo na ulit ako at nagsimulang pumirma ulit. 


"Palibhasa ikaw pinaglihi sa sama ng loob." 


"Anyways, labas tayo. Nandito talaga kami para sunduin kayo. Papunta na sila Noey sa coffee shop." Mga paladesisyon talaga eh. Syempre wala naman na akong magagawa. Niyayakag na nga nila si Becky na ngingiti-ngiti lang.


"Oo na, nandito na kayo eh. Nakakahiya naman sa inyong dalawa." Irap ko ulit. Kairita talaga makita si Nam. 


"Gigil na gigil talaga siya sayo, beh. Ano ba kasing meron nung gabing yon?" Bago pa sila sumagot ay inaya ko na silang lumabas. Hawak hawak ko ang kamay ni Becky, hindi din sila matigil sa word na "kilig kami" walangya talaga tong dalawa. May dalang sasakyan si Punnisa kaya si Nam ang kasabay niya. Punnisa is Baitoey's real name. Screen name niya lang talaga yang Baitoey kaya ang tawag ko sa kaniya ay Punnisa. 


"Bilisan niyo ah?" Huling sabi ni Nam, di ko naman siya pinansin at diretsong sumakay sa kotse ko. Naiinis pa din ako. Alam ko kaya yung nafeel ni Becbec nung time na yon. 


Habang hinihintay ko siya ay napaisip ako. Gusto ko ng linawin kay Becky kung ano siya para sakin. Ayokong pag-isipan niya ako ng iba. I know na nag-iisip siya ng mga bagay bagay at ayokong dagdagan yon. Kung pwede ko lang madaliin ang araw, para masabi ko na sa kaniya lahat. Ayoko kasing pangunahan ang mga bagay. Bukas nga ay aalis din ako para kausapin ang parents niya. Gusto ko munang ipaalam sa kanila lahat. And kakausapin ko din sila about sa stay namin don and syempre, I want to ask them permission pa din naman.

With You, Again | FreenBecky ( ON-GOING )Where stories live. Discover now