WYA | 6

102 4 0
                                    

Ilang oras din ang byahe namin papunta sa hometown ko. Kaya hindi rin talaga ako basta basta nakaka-uwi sa bahay. Kaya ko namang umuwi pero mas gusto kong i-save yung pera. And alam naman nila Mama yung purpose kung bakit ako nagt-trabaho. They stopped me pa nga at sinabing mag-aral na lang. My Mama is a teacher sa isang school, at ang Papa ko naman ay may maliit na business. Kaya talaga nila akong pag-aralin pero sobrang mahal kasi talaga sa Law School. 


"Familiar yung daan?" Comment ko. If hindi ako nagkakamali, pauwi ata kami? As in sa mismong bahay namin to? 


"Yes. I messaged your Mom. And don't worry, wala akong binigay or anything. Alam kong magagalit ka. Besides, we have a lot of things to discuss kaya maganda din na dito tayo. And bonding din ng parents mo kasama ka. I know how you miss them and how they miss you too." Minsan talaga hindi ko maiwasang kiligin sa mga sinasabi niya. Sobrang thoughtful niya kasi, hindi ko nga maisip na iisa yung Freen na nasa office at yung Freen na nakakasama ko sa bahay. Freen is different sa Lady Boss tala


"You must be close with my Mom. Sila Non at Irin nga hindi nakakapag-stay sa bahay dahil akala nila masungit si Mama."


"Well." Sabay kindat niya pa, ang yabang talaga.


Inirapan ko lang siya. Pero kinikilig talaga ako.


Ilang minuto lang ay huminto na kami. Alam niya nga kung saan ang bahay namin? Grabe? Si Mama nauto ata ni Freen. Nauna siyang bumaba para kuhanin ang mga dala namin. Iisang luggage lang ang dala namin dahil nga may gamit naman ako dito. Hindi niya na ako hinayaang magdala ng mga gamit. Kahit nga yung paper bag na may laman na pagkain di niya pinadala sakin.


Nag-doorbell na ako para malaman nila Mama na nandito na kami. Bumukas ang pinto at nakita ko na sila Mama. Pagbukas palang ng gate ay gad nila akong sinalubong ng yakap. Syempre niyakap ko din sila pabalik. Pinapasok na din nila kami agad. Grabe, it's been a year simula din nung umalis ako dito. Hindi ko nga naisip na makakabalik ako dito ng ganito ganito lang.


"Anak! Na-miss ka namin ng Papa mo!" Napa-tingin ako kay Freen, naka-ngiti lang siya sakin.


Para bang alam niya lahat ng bagay tungkol sa akin, alam niya din na matagal ko na din na hindi nakikita sila Mama at Papa.


"Goodmorning po, Tita. Pasensya na po na medyo anong oras na kami dumating. May dala din po kaming foods ni Becky, baka po gutom po kayo." Inangat niya ang paper bag na dala niya kasama ng maleta na dala namin. Hindi na ako nagdala ng gamit dahil inaya na pala siya dito ni Mama. Hindi ko talaga alam paano at kung kailan sila nagkakilala. Kung tama ang mga iniisip ko, eh baka iyon din ang dahilan kung bakit kami nandito ngayon.


"Ano ka ba, anak? Okay lang yun. At tsaka busog pa kami. Kumain din kami kanina. Mabuti pa at maupo na lang din kayong dalawa. Alam kong madami kang kailangan sabihin, lalo na kay Becky." They seemed so close. Mukhang tama nga ang iniisip ko.


"Ano bang meron, Ma?" Hindi ko mapigilang tanong. I'm very eager to know everything.


"Mamaya na namin sasabihin lahat, anak. Mabuti pang umakyat muna kayo para makapag-pahinga kayo." Ngumiti lang si Freen sa kanila. Parang mas anak na siya ni Mama huhu, nagse-selos na ako.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Apr 13 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

With You, Again | FreenBecky ( ON-GOING )Where stories live. Discover now