CHAPTER 18

4.2K 110 8
                                    


SABAY na bumaba sina MG, Zach at Zam patungo sa dining room para mag-agahan. Pagkarating nila doon nakita nila si Nanay Cecilia na abala sa pag-aayos ng mga pinggan sa mesa.

"Good morning, Nanay Cecilia," masayang bati ng dalaga sa matanda at saka siyang lumapit dito at binigyan ng halik sa pisngi.

"Good morning, Nanay Cecilia," sabay naman na bati ng dalawang binata.
Ngumiti pabalik si Nanay Cecilia at saka binati rin sila,"Maganda umaga din sa inyo."

"Wow! Nanay Cecilia, did you cook all of these?" nagningning ang mata ni Zach habang sinasabi 'yon.

Kahit grade three lamang ang natapos ni Nanay Cecilia nakakaintindi naman siya ng ingles dahil sa tagal niyang paninilbihan sa pamilyang Brin natutunan niya ang lingguwaheng iyon dahil araw-araw niyang naririnig ang mga ito na nag i-ingles.

"Oo, gumising ako kanina ng maaga para ma-ipagluto kayo ng masarap. "Halina kayo't umupo na," pagkatapos sabihin iyon ni Nanay Cecilia sabay nang umupo ang tatlo.

"Nanay Cecilia sana ginising niyo po ako kanina para natulungan ko kayo. Ang dami pa naman ng niluto niyo," naka ngusong ani ng dalaga.

"Hay! Ano ka ba MG kaunti nga lang ang naluto ko dahil naubusan na tayo ng stocks sa ref," sabi ni Nanay Cecilia at saka umupo.

"Mamamalengke pala ako mamaya sa bayan, kaya ikaw muna ang bahala sa dalawa nating bisita," dagdag pa nito.

"Sige po," sagot ng dalaga at nagsimula na silang kumain.

Tahimik lang na nagmamasid ang dalawang binata sa dalaga habang kumakain sila sumasagi sa kanilang isipan ang mga katanungan na gusto nilang malaman ang kasagutan. At narinig nilang mamalengke ang matanda saan sila kukuha ng pera pambili?

Hindi na napigilan ni Zach na magtanong sa matanda, "Paano po kayo mamalengke? I mean paano po kayo bibili? Saan kayo kumukuha ng pambili niyo Nanay Cecilia? Ilang years na po kayo ditong naninirahan sa isla?" sunod-sunod na tanong ng binata.

Tumigil si Nanay Cecilia sa pagkain at tumingin sa dalaga na parang humihingi ng permiso kung sasagutin niya ba ang tanong ng binata ayaw ni Nanay Cecilia na pangunahan ang dalaga.

Ngumiti naman ang dalaga sa matanda na nagpapahiwatig na okay lang na sagutin niya ang tanong ng binata.

'Di alam ng dalaga kung bakit ang gaan nang pakiramdam niya sa dalawang binata. Ang alam lang niya ay ligtas siya pagkasama ang mga ito kaya handa na siyang buksan at papasukin ang dalawang binata sa buhay niya.

Sa tagal ng panahon na paghihintay ng dalaga, sa tingin niya ang dalawang binata na ang taong magliligtas at magpoprotekta sa kanila ni Nanay Cecilia.

Sana nga sila na ang hinihintay nila.

Nagsimula nang magkwento si Nanay Cecilia habang malalim ang iniisip ng dalaga.

Tahimik namang nakikinig ang dalawang binata sa kwento ni Nanay Cecilia, halatang interesado silang malaman ang sasabihin ng matanda.

Sobra ang pag-alalang nararamdaman ni Nanay Cecilia, kanina pa umiiyak ang pitong taong gulang na si MG dahil sa gutom. Tarantang-taranta ang matanda dahil wala na siyang pera para ipambili ng pagkain nila dahil ibinayad niya ang natitira niyang pera sa bangka na sinakyan nila.

Mafias' Innocent Angel (UNDER REVISION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon