CHAPTER 34

3.7K 74 4
                                    

MARIA GABRIEL FAYE

"ANG ganda-ganda mo talaga girl. No, hindi ka pala maganda dahil isang kang dyosang kagaya ko kung hindi lang ako babae baka niligawan na kita, pero ewwsss hindi 'yon mangyayari gurl dahil 'di tayo talo." napatawa na lang ako kay Lea.

"Gosh! Ang ganda-ganda mo talaga gurl!" tili ni Lea. Napalingon naman lahat ng contestants sa pwesto namin kaya nahihiyang nginitian ko sila.

Nasa dressing room kami ngayon kasama ko si Miss Elie at Lea. Si Lea ang nag-makeup sa'kin habang si Miss Elie naman ang nag-ayos ng buhok at damit ko na susuotin.

Nang pinaliwanag sa'kin ni Lea ang tungkol sa pageant agad kong tinawagan si kuya Zam at kuya Zach na gusto kong sumali.

Sa una ayaw talaga nilang pumayag na sumali ako sa mga ganito pero matigas ang ulo ko 'di ko sila sinunod umattend ako sa rehearsal kahit hindi nila alam.

Isang linggo ko silang hindi pinansin dahil ayaw talaga nila ako pasalihin pero kalaunan pumayag na lang din sila.

Humingi naman ako ng sorry sa kanilang dalawa dahil sa hindi ko pagpansin sa kanila. Paano kasi gustong-gusto ko talaga sumali tapos ayaw nila akong payagan. Gustong-gusto kong maranasan ang pakiramdam na sumali sa pageant.

Hindi namin kasama ngayon si Alaisha dahil isa siya sa mga judges kahit gustong-gusto niya akong samahan sa dressing room wala siyang magawa dahil abala din siya.

Sabi niya siguradong ako daw ang magiging Miss GU, okay lang naman sa'kin matalo ang dahilan lang naman talaga kaya ako sumali dito kasi gusto kong maranasan na sumali sa pageant.

"30 minutes left magsisimula na ang program!" rinig naming sigaw ng isang staff.

"Kinakabahan ako and the same time na e-excite!" sabi ko.

"Aalis na po ako Miss MG," rinig kong paalam ni Miss Elie.

Si Miss Elie ang naghatid sa'kin sa GU. Sabi ni kuya Zach 'di sila makakasabay sa'kin pero pupunta daw sila University.

Tumango ako sa kaniya at sabi, "Manood po kayo Miss Elie, ha?" nguso kong sabi. Gusto kong manood din siya mamaya.

Yumukod lang siya sa'kin at lumabas na ng silid. Pagkalabas ni Miss Elie 'yon din ang pagpasok ni Kevin, si Kevin ang partner ko sa pageant.

Namamangha ang mata niyang nakatingin sa'kin. "Ang g-ganda mo MG," nahihiya niyang sabi sabay kamot sa batok.

Mas nakilala ko ng mabuti si Kevin sa rehearsal namin. Mahiyain siya at napilitan lang din siyang sumali sa pageant. Ayaw niya talaga sumali sa pageant dahil wala daw siyang experience sa ganito. Pareho lang naman kami kaya napilit ko siyang sumali dito.

Gwapo din siya at matipuno ang katawan pero para sa'kin mas gwapo pa rin si kuya Zam at kuya Zach.
"Halika na magsisimula na ang program," aya ni Kevin sa'kin kaya tumayo na'ko.

"Gurl, matalo man o manalo support ako sayo fighting!" sabi ni Lea at saka niyakap ako. Sabay kaming lumabas ng dressing room at saka naghiwalay na kami ni Lea, pumunta na siya sa frontage para manood habang kami ni Kevin nasa backstage kasama ang iba pang contestants.

Napalingon ako kay Trisha kasali din pala siya. Ang ganda ng suot niyang black gown bumagay iyon sa maputi niya balat. Bigla siyang napatingin sa pwesto ko, tinignan niya ang suot ko tapos inikutan niya ko ng mata.

Mafias' Innocent Angel (UNDER REVISION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon