CHAPTER 36

5.2K 83 6
                                    

NAGISING ang dalaga nang maramdaman niyang parang may nakatitig sa kaniya kaya kahit pagod ang buong katawan iminulat niya ang kaniyang mata.

Napabaligwas siya ng bangon nang makita ang isang matandang lalaki habang nakangisi itong nakatingin sa kaniya, nakakatakot ang mukha nito. May malaking peklat ito sa pisngi.

"S-Sino kayo?" kinakabahan na tanong ng dalaga. Hindi siya sinagot ng matanda sa halip ngumiti lang ito sa kaniya.

Natatakot ang dalaga sa klase ng tingin na binibigay nito sa kaniya para itong may masamang binabalak.

"Don't be afraid dear. Let's have a little talk," malambing na sabi nito ngunit iba ang dating nito sa pandinig ng dalaga. Nanindig ang kaniyang balahibo.

"B-Bakit po ako nandito? G-Gusto ko na pong umuwi," nagmamakaawang usal ng dalaga.

"I love your eyes," diretsahang usal nito.

Inalis ni Elie ang contact lens na suot ng dalaga kaya malayang nakikita ng matanda ang kulay gintong mata ng dalaga. Sobra-sobra ang saya na nararamdaman ngayon ng matanda dahil nasa harap na niya ngayon ang matagal na niyang hinahanap.

"Makakauwi ka lang kung susundin mo lahat ng gusto ko." Nagliwanag naman ang mukha ng dalaga nang marinig iyon.

Gagawin niya ang lahat na gusto ng matanda makauwi lang siya.

Namimiss na niya ang dalawang binata at sigurado siyang nag-alala na ngayon si Nanay Cecilia dahil hindi pa siya nakakauwi.

Tumango-tango ang dalaga bilang sagot sa matanda. "Good girl, isa lang naman ang gusto kong gawin mo. . . ang ibigay sa'kin ang mga mata. Iyon lang tapos makakauwi ka na." Hindi makasagot ang dalaga.

'Kung ibibigay ko 'yong mata ko sa kaniya hindi na'ko makakakita. Hindi ko na makikita si kuya Zam, kuya Zach, si Nanay Cecilia pati sila Alaisha at Lea. Hindi ayoko. . . ayokong ibigay ang mata ko, ayoko!' isip ng dalaga.
Umiling-iling ang dalaga at sunod-sunod na tumutulo ang niya.

"A-ayoko!" hikbing sigaw ng dalaga.
Dahil sa pagtanggi ng dalaga nagdilim ang ekspresyon ng matanda. "Pumayag ka man o hindi kukunin at kukunin ko pa rin 'yang mga mata mo!"

"Matagal ko nang hinihintay ang pagkakataon na ito at hindi ako papayag na di 'ko 'yan makuha!" Nanginig sa takot ang dalaga.

"Maswerte lang ang mga magulang mo dahil nagawa ka pa nilang itakas, pwes! Ngayon hindi ka na makakatakas pa sa'kin." Nagproseso sa isip ng dalaga ang sinasabi ng matanda.

S-siya. . . siya ang pumatay sa mga magulang ko.

"I-Ikaw ang pumatay sa mga magulang ko! Napakasama mong tao!" malakas na sigaw ng dalaga.
"Hindi naman sila aabot sa gano'n kung binigay ka lang nila sa'kin," sabi nito at saka ngumisi.

"Ang sama mong tao!"

"A-Aanhin niyo ba ang mata ko? Bakit kailangan niyo pa silang patayin. Bakit?!" sigaw ng dalaga.

"Well, my dear, iyang mga mata mo ay kakaiba sa mga ordinaryong tao at nalaman kong malaki ang halaga ng ganyang klaseng mata."

"Maraming mga scientists ang naghahanap ng mga kagaya mo. Siguro maswerte lang akong tao dahil nakahanap na'ko ng dalawa."

"D-Dalawa?"

Mafias' Innocent Angel (UNDER REVISION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon