CHAPTER 32

3.9K 85 7
                                    

UMUWI ang dalawang binata sa kanilang mansiyon habang karga-karga ni Zach ang dalagang mahimbing na natutulog sa kaniya bisig. Sobra ang pag-aalalang naramdaman nila kanina nang makitang umiiyak ang dalaga, kulang na lang paliparin ni Zam ang sasakyan nito makarating lang agad sila sa Universidad na pinapasukan ng dalaga.

Maingat na inihiga ni Zach ang dalaga sa kama nito. Nakakunot ang noo ng dalaga habang mariing nakapikit, halata sa mukha nito ang sakit na iniinda.

Umupo ang dalawang binata sa tabi ng dalaga, malalim ang kanilang iniisip habang nakatitig sa dalaga 'di nila alam kung gaano kasakit ang ininda ngayon ng dalaga gusto nilang kunin na lang ang sakit nararamdaman nito.

Ayaw nila itong nakikitang nasasaktan kung pwede lang sana kunin ang sakit na nararamdaman ngayon ng dalaga kinuha na nila.

Bumukas ang pinto ng kwarto at iniluwa doon si Nanay Cecilia na may bitbit na heating patch at gamot.

"Mga hijo, ako na ang bahala kay MG. Alam kong marami kayong trabaho," tawag ng atensyon ni Nanay Cecilia sa dalawa.

"We're not busy Nanay Cecilia," Pagsisinungaling ni Zam. Marami silang ginagawa at inaayos sa kompanya at organisasyon nila dahil sa tagal nilang nawala nagtambak ang trabaho nila ngunit mas importante ang dalaga, mas importante ang babaeng mahal nila. Kailangan sila ngayon dalaga at gusto nilang sila ang mag-alaga dito.

Ilang linggo na sa silang palagi abala 'di na nila masyadong nabibigyan ng oras ang dalaga kaya babawi sila ngayon.

"Mabuti naman hijo, dahil baka naabala pa kayo," nag-aalangang sabi ni Nanay Cecilia sa dalawang binata.
"Kahit kailan hindi kayo nakakaabala sa'min Nanay Cecilia lalong-lalo na si Angel kahit marami kaming gawain mas gugustuhin naming umuwi dito at alagaan si Angel, kaya 'wag niyong iisiping naaabala niyo kami," mahabang paliwanag ni Zach.

Ayaw nilang mag-isip ng gano'n si Nanay Cecilia kahit gaano sila kaabala mas pipiliin nilang uunahin ang dalaga. Lalong-lalo na ngayon.

"Oh, siya lalagyan ko lang ng heating patch si MG para mabawasan ang sakit ng puson niya," sabi ni Nanay Cecilia at lumapit sa natutulog na dalaga.

Tahimik lang na pinagmamasdan ng dalawa si Nanay Cecilia na nilalagay ng heating patch ang puson ng dalaga.
Habang pinagmamasdan ng dalawang binata si Nanay Cecilia na naglalagay ng heating patch sa puson ng dalaga parang gusto nilang agawin ito at sila ang maglagay no'n sa puson ng dalaga.

Gusto nilang madampian at hawakan ang flat na tiyan ng dalaga. Nakahinga naman nang maluwag ang dalawang binata nang matapos na ni Nanay Cecilia na lagyan ng heating patch ang puson ng dalaga at saka sila hinarap ni Nanay Cecilia."Pwede na kayong magpahinga mga hijo ako na ang bahala kay MG," sabi ni Nanay Cecilia.

Hindi sana sila papayag sa sinabi ni Nanay Cecilia dahil gusto nilang bantayan ang dalaga nang biglang tumunog ang cellphone ni Zam.

Tinignan ng binata kung sino iyon at nang makita niyang si Gazalmo ang tumatawag agad niya itong sinagot.
Nagpaalam muna si Zam kay Nanay Cecilia bago lumabas ng silid at saka sumunod din si Zach sa kakambal.

Sigurado si Zach na importante ang paguusapan ng dalawa kaya sumunod siya sa kakambal.

"How was the investigation?" seryosong tanong ni Zam sa kabilang linya.

Mafias' Innocent Angel (UNDER REVISION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon