CHAPTER 29

3.8K 89 2
                                    

MARIA GABRIEL FAYE

PAGKALABAS namin ng pinto ng bahay napanganga ako sa mangha nang tumambad sa harapan namin ang napakagandang kotse. Sobrang kintab at mukhang bago.

"Let's go, baby, baka malate ka," aya ni kuya Zach at nauna siyang naglakad pagkatapos binuksan niya ang pinto ng passenger seat.

Sumunod naman ako at pumasok na sa kotse. Inikot ko ang mata ko para tignan ang loob ng buong kotse.
"Ang ganda ng kotse mo kuya Zach," manghang sabi ko.

"I'm glad you like it, baby, binili ko 'to kahapon," ngiting sagot niya.

Napatango-tango naman ako habang nililibot ang tingin sa loob ng kotse kaya pala sobrang kintab ng kotse dahil kahapon pa lang pala 'to binili.

"Your skirt is too short." rinig kong sabi ni kuya Zach kaya nilingon ko siya. Nag-iigting ang panga niya habang nakatingin sa naka nakabalandra kong dalawang hita.

"Maganda naman po siya," nguso kong sabi. Baka pabihisin pa'ko ni kuya Zach ng damit. Ayokong magpalit ng damit ang ganda-ganda kaya ng uniform na suot ko.

"I think you should change your outfit, baby. I don't want those fuckers see your delectable legs baby." Napanguso ako dahil tama nga ang hula ko pabibihisin niya ko damit.

"Kuya Zach naman eh, sabi mo mahuhuli na'ko sa klase tapos pabibihisin mo pa'ko ng damit at isa pa ayokong magpalit ng damit ngayon pa lang nga ako naka suot ng uniform, eh," nakanguso kong usal at nagpa-cute sa kaniya.

Mukhang umepekto naman ang pagpapa-cute ko dahil umiwas siya ng tingin sa'kin pagkatapos sinimulan niya nang paandarin ang kotse.

Tahimik ang buong biyahe, mukhang galit 'ata siya, kanina ko pa kasi napapansin na magkasalubong ang dalawa niyang makapal na kilay. "Kuya Zach na saan po si kuya Zam?" basag ko sa katahimikan.

"May inaasikaso." maikli niyang sagot. Hindi man lang niya ko tinapunan ng tingin. Galit nga siya.

'Di na'ko nagtanong pa ulit. Humarap ako sa bintana na nasa gilid ko at nilibang ang sarili sa labas. Iba't-ibang matataas na gusali ang nakikita ko, walang puno o ibon man lang na lumipad sa himpapawid. Hindi ko 'ata kaya dito manirahan na mag-isa siguradong maliligaw ako sa lawak ng lugar na'to.

Ilang minuto ang lumipas huminto ang sasakyan sa isang napakalaking gate. Sa gitna ng gate may nakaukit doon na 'GAZALMO UNIVERSITY'.
Ito na 'yon! Nandito na kami. Bigla akong nabuhayan dahil sa excitement na nararamdaman.

Bumusina si kuya Zach pagkatapos awtomatikong bumukas ang malaking gate. Pagkapasok ng kotse tanaw ko sa labas ang napakaraming kotseng nakaparada mukhang mga mamahalin at bago pa ito kagaya ng kotse ni kuya Zach.

Maraming mga estudyante ang naglalakad at may sarili-sariling ginawa, ang iba nagbabasa habang naglalakad samantala ang iba kasama ang mga kaibigan nila at masayang nagkukuwentuhan.

Malalim akong napabuntong hininga, sana magkaroon din ako ng mga kaibigan dito.

"We're here baby," nawala ang tingin ko sa labas nang magsalita si kuya Zach. Mukhang 'di na siya galit dahil 'di na magkasalubong ang kilay niya.

"Always carry your phone, tatawag kami palagi ni Zam para i-check ka, okay?" Lumapit si kuya Zach sa'kin at hinalikan ako sa noo ng dalawang beses.

"Yes po," ngiti kong sagot at saka binuksan ang pinto ng kotse at lumabas na.

Pagkalabas ko ng kotse agad akong namangha sa matataas na building ng paaralan. "Ang laki ng school nila. Magkaibang-magkaiba sa napapanood ko sa mga palabas."

"If there's something bad happens don't hesitate to call us immediately, baby."

"Opo kuya." ngumiti ako sa kaniya at pinaandar na niya ulit ang kotse. Nang makalabas na ang kotse sa gate malalim akong napabuntong hininga.

Mafias' Innocent Angel (UNDER REVISION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon