CHAPTER 27

4K 90 7
                                    

KANINA pa manghang-mangha ang dalaga sa kaniyang nakikita. Mula sa sumakay sila sa helicopter ng binata hangang sa tinitirhan nito.

"Ang laki ng bahay niyo kuya Zam," manghang usal dalaga habang nakatingin sa malaking chandelier na nasa sala.

"You can consider it yours too baby," nakangiting sabi ni Zach sa dalaga.
"Huwag na po may bahay din naman ako sa isla," Inosenteng sagot ng dalaga at saka humiga sa mahabang sofa.

Habang si Nanay Cecilia naman ay tahimik lang na pinagmamasdan ang dalaga. Simula nang dumating ang dalawang binata sa buhay ng dalaga biglang nagkakulay ang mundo ni MG at masaya siya para sa dalaga dahil unti-unti na itong nagbabago.

Pansin niyang palagi nang tumatawa ang dalaga. 'Di na ito 'yong dating MG na nagkukulong sa silid aklatan buong araw at iiyak sa kwarto sinisisi ang sarili sa pagkamatay ng mga magulang niya.

Masaya si Nanay Cecilia dahil alam niyang mamahalin ng dalawang binata si MG. Nagulat pa noon si Nanay Cecilia nang bigla humingi ng permiso ang dalawang binata sa kaniya na liligawan nila si MG.

Hindi niya lubos maisip na dalawa ang magiging nobyo ng dalaga ngunit hindi niya ito hahadlangan dahil alam niyang nasa mabuting kamay ang dalaga.

Saksi si Nanay Cecilia kung gaano pinapakita ng dalawang binata ang pagmamahal nila sa dalaga. Handa silang isakripisyo ang buhay nila maprotektahan lang ang dalaga kaya walang dahilan si Nanay Cecilia na humadlang sa dalawang binata na ligawan ang dalaga.

Walang pakialam si Nanay Cecilia kung dalawa man ang magiging nobyo ng dalaga ang importante sa kaniya ay mahal din sila ng dalaga.

Isa din sa dahilan ni Nanay Cecilia kaya siya pumayag na ligawan ng dalawang binata si MG dahil nakikita niya na may nararamdaman din si MG sa dalawang binatang ito. Hindi lang maamin ni MG ang kaniyang nararamdaman dahil napaka-inosente ng dalaga.

Kampante din ang loob ni Nanay Cecilia dahil nangako ang dalawang binata sa kaniya na hindi nila gagawin ang bagay iyon sa dalaga.

Gusto ni Nanay Cecilia na gagawin lamang nila iyon kapag kasal na sila. May tiwala si Nanay Cecilia sa dalawang binata na tutupad ang mga ito sa pangakong binitiwan nila.

"Nanay Cecilia kami na po ang maglalagay ng gamit niyo sa guest room," pabulong na sabi ni Zach nang makitang mahimbing nang natutulog ang dalaga sa mahabang sofa.

"Hijo, gusto ko sana sa baba lang 'yong kwarto ko hinihingal na kasi ako mag-akyat baba ng hagdan," pakiusap ni Nanay Cecilia.

"You don't have to worry Nanay Cecilia. You can use the elevator."

"May elebeytor kayo?" Natuwa naman si Nanay Cecilia dahil hindi na siya mamomoblema mag-akyat baba.

Nailagay na ng dalawang binata ang gamit ng dalaga at kay Nanay Cecilia sa mga kwarto nito. Nauna nang pumasok sa elevator si Nanay Cecilia at tuwang-tuwa pa ito dahil first time niyang makasakay no'n.

Naiwan sa sala ang dalawang binata, nakaupo sila sa tag-isahang sofa at tahimik na pinagmamasdan ang natutulog na dalaga.

Malaki ang sofa na hinihigaan ng dalaga kaya komportable itong nakahiga doon.

Hindi pa rin sila makapaniwala na kasama nila ang dalaga sa mansyon nila. Akala nila mahihirapan silang papayagin itong sumama sa kanila ngunit nagkamali sila.

Sobra-sobra ang saya na kanilang nararamdaman ngayon dahil natupad ang isa sa pangarap nila. Ang makasama ang dalaga sa bahay nila.

Ilang minuto ang lumipas na pagdesisyunan ng dalawang binata na ihatid na nila sa guest room ang dalaga para doon na ito magpahinga, sigurado silang pagud ito sa biyahe.

NAGISING ang dalaga na nakahiga sa malambot na kama hindi na siya magtataka kung bakit siya nandito sa silid na ito dahil masisiguro niyang binuhat siya ng kuya Zam o kuya Zach niya. Tumayo siya ng kama nang makaramdam ng pagka-ihi. May tatlong pinto siyang nakita sa loob ng kwarto binuksan niya ang unang pinto at tumambad sa kaniya ang napakaraming damit na pang babae.

Nakahilera ito at sa baba naman ay ang napakaraming sapatos at sandal, mayroon ding napakaraming bag at alahas.

"Ang daming gamit nila kuya, binebenta ata nila 'to. Baka ito ang trabaho nila," usal ng dalaga sa sarili at saka isinarado ang pinto baka pagalitan pa siya.

Sunod binuksan niya ang pintong katabi nito. Nagpasalamat siya nang makita banyo na iyon. Dali-dali siya pumasok dahil naiihi na talaga siya.

Kung hindi lang sinabi ng kuya Zam niya noon na wala pala itong girlfriend baka iisipin niyang pagmamay-ari ito ng girlfriend niya.

"Hay!" aniya ng mailabas niya ang kanina pang gusto niya ilabas. Pagkatapos kumuha siya ng tissue at pinunasan ang pagkababae niya at saka lumabas na ng banyo.

Grrr. . .

Napahawak siya sa tiyan niya nang tumunog ito.

"Are you hungry baby?" Napaigtad siya sa nagulat ng biglang may nagsalita sa likod niya.

"Kuya Zach naman eh, nanggugulat ka!" naka ngusong sabi ng dalaga.

Nakaupo ito sa kama habang may hawak na bed tray table at puno iyon ng pagkain. Natakam naman siya bigla.

"Sit here, baby," utos ng binata habang tinapik-tapik ang gilid na inuupuan nito.

"Wow! Ikaw po ang nagluto niyan?" nagningning ang mga mata ng dalaga habang nakatingin sa pagkaing dala ni Zach.

Lumapit ang dalaga kay Zach at umupo sa tabi nito. "Yes baby, now eat," malambing na usal ni Zam sa dalaga at saka sinubuan ito.

"Hmm. . . ang sarap po!" ngiting puri ng dalaga pagkatapos kinuha ang kutsarang hawak-hawak ng binata at siya ang nagsubo sa sarili.

"Do you want to watch TV?" bigla tanong ni Zach sa dalaga na nakapikit dahil sarap na sarap ito sa pagkaing luto niya.

Tumango-tango lang ang dalaga at pinagpatuloy ang pagkain. Kinuha ni Zach ang remote control ng flat screen at binuksan ang TV. Pagkabukas ng TV ng binata unang lumabas na palabas doon ay mga estudyanteng naglalakad papunta sa kanila paaralan.

Inilipat ng binata ang channel. "Kuya ba't mo inilipat balik mo do'n gusto ko manood no'n," naka ngusong utos ng dalaga sa binata.

Ibinalik naman ng binata sa channel na iyon. Napatitig si Zach sa dalaga na tutok na tutok na nanonood habang sumusubo ng pagkain. Napatawa na lang siya sa kakyutan ng dalaga.

Ilang minuto ang lumipas tapos nang kumain ang dalaga at tapos na din ang palabas na pinanood niya.

Tulala ang dalaga nang matapos ang pinapanood nito. Mukhang malalim ang iniisip nito kaya 'di napigilan ni Zach na tanungin ito. "Baby, what's the problem?"

"K-kuya— magagalit ka po ba kung sasabihin ko na gusto kong mag-aral?" pag-aamin ng dalaga.

"Why would I get mad? If that's what you want, then papayagan ako."

"T-talaga po! Eh, si kuya Zam papayag din po ba siya?"

"Oo naman, malakas ka do'n eh," Zach said then he chuckled.

Nagliwanag naman ang mukha ng dalaga, gusto niyang tumalon-talon dahil sa tuwang nararamdaman. Isa sa pangarap niya noong bata pa siya ay ang makapag-aral sa isang paaralan at magkaroon ng mga kaibigan.

Mafias' Innocent Angel (UNDER REVISION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon