C H A P T E R 8

384 10 0
                                    

L I S A

ISA-ISA kong kinuha at tinitingnan ang mga stocks ng alak dito sa Bara de Cabra kung saan naka imbakan ang mga samot saring alak ni Anne.

Inisip ko kasi kung ano ang magandang ipapainom sa mga bisita ni Boss.

Habang tinitingnan ko ang bawat lebel ng alak ay narinig ko ang pag bukas ng pinto.

Pero di ko na ito pinansin at tinuloy ang pag pipili ng wine para sa bisita.

"Hoy Lalisa! 'Oh... Pinaaabot ng masugid mong taga hanga." Sabay lahad sakin ang isang kumpol ng gumamela sa harap ko.

Pero hinawi ko ito at tinuloy ang pagpipili.

"Sungit ni Ate? Bat' di mo kasi sagutin."

"Ako ba inaasar mo?" Tanong ko dito at nilingon siya sa kintatayuan niya habang kunot noong nakatingin sa kanya.

"Aba naman Lisa? Mag iisang taon na kayang nangliligaw sayo si Ginang Eliz sagutin mo na."

"Pwede ba iwan mo nga ako" banta ko rito.

"Fine," sabay angat ng dalawang kamay na pag suko nito.

"Mayaman naman 'yun Lisa, at sigurado akong maganda ang magiging kinabukasan mo sa kanya"

"Tsk... Diko kaylangan ng yaman niya...mas mayaman pa ako sa matandang 'yun."

"Ha? Ano yun?"

"Wala! Pwede ba umalis kana nga. Storbo ka alam mo ba yun?" Sarkastikong pahayag ko dito. Irereto pa naman ako sa matanda, parang Sugar Mommy na kumbaga. 'Ew!

"At alam mo ang sungit mo."pag irap nito.

"Kung ayaw mong masungitan, pwede ba tigilan mo na ang pagrereto mo sakin sa matandang yun'? Dahil kahit kilan..Diko papatulan yun'."

"Ang harsh... Baka duwag ka lang?!"Exaggerated nitong pagsinghap.

Dahil sa naka dama na ako ng inis sa babaeng ito. Ay naka isip ako ng kalokohan para bigyan ito ng leksyon.

Binaba ko ang hawak kong board at matamis na ngumiti rito.

"Eh bakit?... magagawa ba ito ng duwag?" tukso kong sabi ko nito.

Pilit kong pigilan na di mapatawa ng makita ko ang paglikot ng mata nito na parang nang iiwas.

Kaya dahan dahan akong lumapit at hinawakan ang pisngi nito. Tatakbo sana ito ng agad kong hinarangan ang katawan ko sa tatakbuhan niya.

"San ka pupunta?"

"Lisa... di magandang biro yan' ha'."

Agad kong hinawak ang mag kabilang pulsuhan nito at nakangiting nakakaloko binigay ko sakanya.

"An-anong ginagawa mo? 'Hoy Lisa, di magandang biro yan."

Pero di ako nakinig at dahan-dahan akong lumapit dito para kunwaring hahalikan ko siya, pero napatigil ako sa narinig ko muli ang mga boses ng nakaraan.

"Lisa stop it!"

"Tama na!!"

"Wag!!!"

"Lisa? "

"Lisa... Tama na!!"

"Tumahimik ka!"

"Lis?"

Napabalik lang ako sa katinuan ng niyugyog ako sa may balikat na isa sa katrubahuan ko dito.

"Hah?"

"Are you alright? 'Bat parang namumutla ka?"

"W-wala... Halika na, baka hinihintay na tayo ni Miss Anne."

My Scandalous IntentionWhere stories live. Discover now