C H A P T E R 24

326 8 0
                                    

L I S A

Agad akong bumaba ng sasakyan at napatingin sa orasan. It's already 8 am malamang gising na si Jennie at sigurado akong bubunga-ngain na naman ako ng babaeng 'yun dahil iniwan ko siyang mag-isa sa apartment.

Agad ko 'din kinuha sa may compartment ang ilang groceries na pinamili ko. Madaling araw pa lang bumaba na ako para maka pamili, dahil nakalimutan kong nauubusan na pala kami ng stocks.

Pasyal kasi ng pasyal ang alam ng kasama ko at di man lang nagsabi na wala na pala kaming makain. Buti na lang at dalawang araw na lang ang natitira sa vacation na binigay ni Mommy.

I'm not stupid para paniwalaan ko ang sinabi ni Mommy na kapag pumayag ako sa trip na inaalok niya ay bibitawan na ng mga Kim ang ano mang ugnayan niya samin.

Knowing Jennie alam kong di siya papayag. Kalokohan......

Napabalik lang ako sa sarili ko ng tumunog ang elevator kung nasan ang floor namin ni Jennie. Agad akong tumungo sa pinto at ini-swipe ang key card at pumasok.

Ginala ko ang paningin ko sa loob ng wala akong makitang naka ngusong Jennie sa harapan ko,

Di kaya tulog pa siya?

Inilapag ko na lang ang susi ng kotse ko sa lamesa at tumungo sa kusina para maka pagluto. Wala naman akong maasahan sa babaeng 'yun pagdating sa kusina laging order or drive tru lang ang alam kaya ang payat-payat.

Napa-atras naman ako bigla ng biglang sumulpot si Jennie mula sa kusina.

"What the?!! Jennie! ? Papatayin mo ba ako sa gulat!" Inis na sigaw ko dito at inilapag ang pinamili ko.

Papatayin niya ba ako sa gulat? Ginala ko ang mata ko sa kusina dahil ang kalat.

"Ano ginawa mo sa kusina?" Tanong ko dito.

"'San ka galing?" Sa halip sagutin ako ay Tanong din ang tinanong sa akin.

Habang tinulungan niya akong ilabas lahat ng pinamili ko.

"Sa grocery... Di mo man lang sinabi sa akin na wala na—" napatigil ako sa sasabihin ko ng napansin ko ang suot nitong loose white polo ko.

Mejo malaki kasi itong tingnan sa kanya na aabot hanggang sa nag lalakihan niyang binti.

"Bat suot mo damit ko?" Taas kilay kong tanong.

"Marumi mga damit ko 'eh, di pa kasi kinukuha ang mga labada natin."

"Ang sabihin mo, lakas mong magpapalit palit ng damit kaya madali kang maubusan, tanggalin mo nga 'yan." Tatangkain ko sana siyang lapitan ngunit agad napatigil ng tumawa ito ng mahina.

"Sure ka?" May pagka pilya nitong tanong.

"Haaiissshhh wag na nga, pa abot na nga lang ng asin."

Natatawang inabot lang 'din niya sa akin ang hinihingi ko.

"Gutom ka na ba?"

"O-oo.... I think?"Wala sa sarili kong sagot.

"Gusto mong kumain?"

"Ang alin?" Naka salubong ang kilay kong tanong.

Napakagat labi naman ako ng tumungkod pa ito para mapa-angat ang hem ng suot niya.

Dinig ko ang pag hagikhik ni Jennie para bumalik ako sa katinuan.

"Gutom ka na nga." Natatawa nitong sagot.

Tumikhim na lang ako at kinuha ang bowl para gumawa ng Sunnyside up.

Nahuli ako doon ah..

"Tikman mo 'to." May kung ano itong kinuha sa ref at inilapag sa harap ko.

My Scandalous IntentionWhere stories live. Discover now