C H A P T E R 22

342 9 0
                                    

L I S A

Pabagsak akong napa higa sa higaan at napa inat-inat ng kaunti,

"Ang sakit-sakit ng mga braso ko"reklamo ko.

Parang namanhid ata ang mga binti at mga paa ko sa kakalakad. 'Eh pano ba naman?

Walang hiyang babaeng 'yun, pinabuhat ba naman niya 'sakin lahat ng maleta niya? At ang bigat-bigat pa!! Eh samantala ako, dala ko lang ang kaisa-isa kong bag. Daig niya pa ang aparador kung makadala ng damit.

If nagtataka kayo kung nasan kami ngayon? Well pakana to lahat ni Mommy Sandra. Ewan ko ba sa nanay kong 'yan, lakas ng amats, Pagkatapos niyang away-awayin at questionin si Jennie.

Tapos 'eto mamimigay din naman ng plane tickets papuntang Roma.

Una di ako pumayag, pero nung nalaman ko na kapag hindi pumayag ako sa 3 days vacation with Jennie ay puputulin na ng mga Kim ang ugnayan samin mga Manoban.

Bakit ganon kadali? Agad-agad? Parang imposible naman ata 'yun.

Pero sa tingin ko na kapag nangyari 'yun, malaya na kami ni Irene. Lalo pa't ok na kami, pinatawad na niya ako nung nag usap kami.

Mag isang linggo na ang nag daan nung huli kaming nag usap.

Until now iniisip ko parin 'yung mga sinabi niya,

Flashback..

"Irene wait! Makinig ka muna sakin!"Habol ko dito.

Agad naman ito tumigil at lumingon sakin. Bakas ang galit sa kanyang mukha.

"Listen Iren—."

"Sana di ka na lang bumalik," Parang nasaktan naman ako sa sinabi nito, kaya napayuko na lang ako. She really mad at me, "Diba sabi ko wag ka ng babalik? Diba sabi ko sayo noon lumayo ka na, bakit ka pa bumalik? Binigyan na nga kita ng pagkakataon tumakas para di matuloy kasal na gusto ng anak ko!"

"Ginawa ko naman ang gusto mo.. Pero natagpuan ako ng kapatid ko, kaya kahit ayaw kong lumabas ay wala parin akong magagawa, dahil kakaladkarin ako 'non pabalik."

"Napa ka pake-alamera talaga ng babaeng 'yan."

May binulong pa ito pero diko naman narinig.

"Pero Irene bumalik ako, dahil napag isip-isip ko na tama si Pranpiya,di habang buhay ay magtatago ako sa anak mo, kahit masakit man sabihin pero may atraso parin ako sa anak mo, at dapat kong panagutan at—."

"Sabi mo ako lang..."Diko na natuloy ang sasabihin ko ng makita ko ang pagpatak ng luha nito. "Akala ko ba ako lang Lisa?"

"Iren—Di ko sinasadya—"

"Ano pa ba kaylangan mo?" Tanong nito at pinunasan agad ang luha nito.

"I just want your forgiveness Irene, patawarin mo ako sa kung ano man nagawa ko sa anak mo,"

"You want my forgiveness?"

"Ye-yes.. Yes Irene."

"Papatawarin lang kita kung dika papayag sa kasal na aalukin ng Daddy ko." Mag kasalubong ang kilay ko siyang tinitigan.

"But—."

"Papalabasin kong pumapayag ako sa kasal niyo dalawa, pero sa pagkakataong ito... Uurong ka."

Tumawa naman ako ng alanganin at pinagtitigan lamang si Irene.

Seryoso ba siya?

"Irene di pwede... Magagalit 'sakin ang Daddy mo, masisira ang pangalan ng pamilya ko, magagalit ang buo kong pamilya sa oras na gagawin ko 'yan... at-at m-masasaktan ang anak mo, masasaktan si Jennie."

My Scandalous IntentionWhere stories live. Discover now