C H A P T E R 20

335 11 0
                                    

L I S A

"What do you think your doing Lisa?!" Naiinis na tanong ni Pranpiya habang kinakalampag niya ang pintuan ng banyo mula sa labas.

"Lalabas lang ako kapag dumating na sila Mama."

"Lumabas ka 'jan Lisa, sinasabi ko sayo nauubos na pasensiya ko sayo, Lumabas ka 'jan!"

Napabuga na lang ako ng hangin sa kawalan, this is the first time na magagawa ko 'to without Priya in front on me. She's really like Dad, Napaka  strikto niya talaga....

"Excuse me," Dinig ko sa labas kaya lumapit ako para ilagay ang tenga ko sa pintuan para mas marinig ko ang pag uusap nila.

"Pinatapatawag na po kayo ni Gov. Dumating na daw po ang mga magulang niyo."

"Ok, tell him papunta na kami. " Narinig ko na lang ang yabag ng kausap ni Priya na paalis na. Napangiwi naman ako ng biglang kinalampag muli ni Pranpiya ang pintuan, sumakit tuloy tainga ko.

"Alam kong nakikinig ka, kaya lumabas kana 'jan."

"Lalabas lang ako kapag anjan na si Mama Ofelia—"

"Anjan si Mommy Sandra. Kaya kung ako sayo lumabas kana 'jan kung ayaw mo siya ang pupunta dito at kaladkarin ka palabas."

'Andito na si Mommy Sandra???

Agad ko naman binuksan ang pinto dahil sa narinig ko. Sinalubong ako ni Pranpiya ng isang
masamang tingin habang naka sandig ito sa gilid ng pintuan.

"Happy?? 'Anjan na nanay mo kaya halika na."

"Hoy! Kung maka Nanay ka naman, Nanay mo parin naman 'yun."

"Whatever."'sabay talikod nito 'sakin.

"Whatever-rin mo mukha mo! Baka nakakalimutan mo Pranpiya, panganay ako—"

"Then act one." Ganting sagot nito at una ng bumalik sa loob.

Tsk...Ang sama talaga ng ugali nito kahit kelan... Napaka sungit!!

Bumalik ulit ako sa loob ng comfort room at inayos muli sarili ko at sumunod na din dito. Kung nag tataka kayo bakit ako binubulabog ng kakambal ko sa banyo, actually 'andito parin kami ngayon sa Mansion ng mga Kim.

After I revealed my self last night kay Jennie, ay gaya ng sinabi ko nung una pa lang. Jennie never let me go that night.. agad niya akong hinawakan sa leeg ika nga. Kaya 'eto ako ngayon, nagkukulong sa banyo para magkaron naman ako ng peace of mind.... Kada kilos ko kasi nakabantay 'sakin ang mga Kim's, akala mo 'eh tatakas na naman ako sa apo niya.

Kaya dito na kami nagpalipas ng gabi ni Pranpiya... Dahil napag desisyonan ng matandang Kim na gusto niya maka-usap ang Mama ko. Pero mas titindi pa pala dahil dumating 'din pala si Mommy Sandra. Malamang nalaman na niya ang pag labas ko kaya napa uwi ito agad ng pilipinas at siguradong bukol ang abot ko.

Isa pa sa pino-problema ko si Irene, diko pa siya nakaka-usap. Mula kagabi di siya nagpakita 'sakin, bigla na lang nawala sa party ng anak niya.

Pag kalabas ko ay may isang bata bumangga sa harapan ko para mapasanhi ang pag upo nito sa sahig, tumatakbo kasi ito kaya di niya ako napansin agad. Mukhang nasaktan dahil bigla itong napalabi na nag babatiyang iyak.

Patay...

At bago ko pa siya patahanin ay bigla na lang itong umiyak. Napalinga tuloy ako sa paligid ko baka kasi nasa tabi-tabi lang ang magulang ng batang ito mabugbog pa ako. Patay..kanino ba ang batang ito, biglang may dumating na isang batang babae, at kilala ko ang batang ito, si Abby ang ka isa-isang anak ni Pranpiya.

My Scandalous IntentionWhere stories live. Discover now